“I HEARD what Tessa did to you before I arrived at the conference room,” sabi ni River habang naglalakad sila. It’s only past nine in the evening. Maaga silang nakauwi sa bahay ni Iris. Wala pang alas-sais ay nasa bahay na sila kaya maaga din silang kumain ng dinner. Nang makaramdam ng boredom. Nagyaya si River na lumabas sila pasado alas-otso y medya. Dahil Sabado kinabukasan at wala silang pasok sa opisina kaya pumayag si Iris. Dinala siya nito sa isang park at doon sila naglakad-lakad habang magkahawak ng kamay. Malamig ang panahon nitong mga nakaraan gabi kaya naman sinuot nila ang binili niyang couple hoodie. Pareho pa na kulay itim ang pang-ibaba nila. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Nagkibit-balikat siya. “Hmm… hindi ko naman kasi iniinda mga pagmamaldita niya.” “Kahit n