PROLOGUE
"MAMA, can I have one?"
Binalingan ko ang tatlong taong gulang na anak ko. She's handling a bar of chocolate. Mas pinalungkot pa nito ang mukha nito nang titigan kong may pagbabala ang hawak niya. I knelt down to meet her eyes. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang pagnguso niya. I can't refuse her lalo na nang makita ko ang kulay tsokolate na mata ng ama niya.
"You can eat half of it. Huwag mong ubusin ang buong chocolate na 'yan. Sasakit ang ngipin mo, tandaan mo palagi ang sinasabi ko sa 'yo, happy." Happy ang tawag ko sa kaniya dahil siya ang happiness ko. Ang buhay ko. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang aking kamay. Napahagikgik naman siya. Ang tawa nito na pumupuno sa maliit naming apartment. Ang tawa nito na umaalis sa pagod ko sa buong maghapon. Hindi ko alam kung paano ang mabuhay kapag wala ang anak ko. Iyon ang dahilan kung bakit ko tinitiis ang lahat ng hirap ng buhay namin. Ang anak ko ang dahilan kung bakit kinaya ko ang mabuhay sa isang malayong probinsya kahit na sanay ako sa buhay ko sa Maynila.
Halos apat na taon na ang nakalipas at gustuhin ko man na kalimutan ang nakaraan ko ay hindi ko alam kung paano. Paano ko naman kasi makalimutan 'yon kung ang anak ko ang buhay na patunay na napagdaanan ko ang lahat ng bagay na 'yon sa nakaraan ko?
Napaupo ako sa kalapit na sofa rito sa maliit naming apartment nang nagtatakbo na siya palayo sa 'kin. Sinundan ko ng aking paningin ang anak ko na masayang naupo nang pasalampak sa sahig at nagsimula nang balatan ang tsokolate na iniungot niya sa akin. My heart filled with so much joy as I looked at her smiling beyond price. Napakaganda niya tingnan. Ang kaniyang pinakamamahal na si Benice Alainna Corpuz. Halos nakuha niya ang lahat ng feature sa mukha ng ama niya.
Napapikit ako saglit at pilit na inaalis sa isipan ko ang lalaking siyang pinag-alayan ko ng lahat sa akin at ang ama ng anak ko. Matagal na nga ang nangyari pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Dapat ngayon ay masaya na ako dahil tuluyan na akong nakalaya kay Benjamin Montero. Pero sa oras na maalala ko ang pangalan niya ay kakaibang panganib ang dulot sa akin n'on. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa aking anak. Alam ko na habang buhay ay hindi ko maaaring maitago ang lahat ng ito sa kaniya. Lalo na sa isang Benjamin Montero. Matindi siyang kalaban. Nakakatakot banggain. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Benjamin kapag nalaman niya ang tungkol kay Benice.
Sa ngayon ay safe pa sa lugar na pinagtataguan ko kasama ni Benice. O ako lang ba ang nag-iisip na hinahangad pa akong makita ni Benjamin? Baka nga sa mga sandaling ito ay hindi na niya maalala na may isang Alyssa na minsan ay dumaan sa buhay niya. Hindi niya ako mahal para hangarin pa niya na makita ako. Nangyari lang ang lahat dahil pinarusahan niya ako. Nagsimula ang lahat nang mabasag ko ang pinakapaborito niyang cocktail mixer sa bar niya. Simula no'n ay kinulong na niya ako at nagbunga nga ang dulot ng parusa niya sa akin.
But he didn't force me when there something's happened between us. Kusa kong ipinagkaloob ang sarili ko nang buong puso. Wala ring imbitasyon mula kay Benjamin ang nangyari sa 'min. Kusa lang iyong nangyari. Pakiramdam ko noong mga sandaling 'yon ay parang magic ang lahat noong magtitigan kami ni Benjamin nang matagal.
Ikiniling ko ang aking ulo. I shouldn't have him in my thoughts. Masaya na ako ngayon kahit na mahirap ang mag-isang magtataguyod sa isang anak. Mahirap iyong halos wala na akong oras para sa anak ko dahil sa trabaho ko. Pero kailangan ko namang magtrabaho para may ibubuhay ako sa anak ko. Wala akong aasahan niyan kundi ang aking sarili lamang. Ang Kuya John ko ay hindi ko rin maaasahan dahil may sarili na ring itong pamilya at kapos din ang Kuya ko sa buhay.
Napadpad ako rito sa Dumaguete nang gabing tinakasan ko si Benjamin. Masiyadong mahirap ang napagdaanan ko lalo dahil buntis ako no'n kay Benice. Nag-rent ako sa isang silid sa boarding house dito rin sa Dumaguete. Pasalamat ako at medyo malaki ang ipon ko noong nagtatrabaho pa ako sa construction company ni Lucas Alvaro na matalik na kaibigan ni Benjamin, kung kaya't may nagamit pa ako sa pang-araw araw ko hangga't hindi pa ako nakahanap ng trabaho ko.
Sa paghahanap ng trabaho ay hindi naman ako nahihirapan dahil malaking advantage ang work experienced ko sa A.Arguellez. Noong mag-isang buwan na akong nandito ay nagsimula na akong maghanap ng aking trabaho. Natanggap naman kaagad ako sa isang hindi kalakihang construction firm, dahil nga sa work experience ko. 'Yon nga lang ay hindi malaki ang sahod ko kagaya noong sa Singapore pa ako, saktong-sakto lang 'yon sa amin ng anak ko at sa kinuha kong nagbabantay kay Benice kapag nasa trabaho ako.
Isa rin akong licensed Architect like Elianna. Napangiti ako nang maalala ko ang matalik kong kaibigan. Alam ko na masaya na siya ngayon kasama ang asawa niyang si Lucas Alvaro. Yes, nagkatuluyan silang dalawa at kinasal na at may kambal na ring anak na puro lalaki. Ilang beses akong hinikayat ni Elly na dumalo sa kasal nito at ni Lucas noon, pero hindi ko ginawa dahil alam ko na nandoon si Benjamin. Honestly, kaming dalawa ni Elly ay hindi naputol ang connection, 'yon nga lang hindi ko sinabi kay Elly kung nasaan ako tumitigil. At maaasahan ko si Elly kapag sinabi ko sa kaniya na huwag ipagsabi kahit kanino ang connection naming dalawa ay hindi naman ginawa ng kaibigan ko. At kahit alam pa 'yon ni Lucas ang tungkol sa koneksyon namin ng asawa niya kung sasabihin ni Elly na huwag na huwag nitong sabihin kay Benjamin ay 'yon din naman ang susundin ni Lucas. Sa takot lang ni Lucas na magalit si Elly. Kaya alam ko na safe ang sikreto ko kay Elly. Alam din nito ang tungkol kay Benice dahil minsang nagbi-video call kami ay ipinakita ko si Benice kay Elly.
"Mama." Natigil ako sa aking malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ng anak ko na tinawag ako. Linggo nga pala ngayon at wala akong trabaho kung kaya't buong araw ko na makakasama ang anak ko ngayon. Mamayang hapon ay magsisimba kami.
"Yes, happy?" Sabi ko na hindi ito nilingon. Mabilis kong pinulot ang feather duster sa tabi ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatunganga at nakalimutan ko na ang ginagawa ko.
"Mama, I'm so sorry." Saka na ako lumingon nang marinig ko ang sinabi ni Benice.
"Why?" Napangiwi ako nang makita ko ang tsokolate na nakalat sa magkabilang pisngi niya at pati sa puting damit niya.
"I forgot to follow what you've told me." She pouted prettily, "Like, huwag kong ubusin ang buong chocolate. Pero kasi Mama, I have drown to its sweetness, kaya ayon ito na lang po ang natira ko." Itinaas nito ang plastic ng tsokolate na wala nang kalaman-laman. Nang makita niya na wala akong reaction ay linapitan niya ako at ginamit na ipangkiliti sa akin ang hawak nitong plastic ng chocolate. This little girl exactly knew how to easily forgot my anger, like what her father did to her.
Ano pa ba ang magagawa ko? Siyempre ay wala na. Umaandar kasi ang pagka-Benjamin niya kapag ganitong alam niya na magagalit ako. Napangiti na lamang ako. Muli kong binitiwan ang feather duster at hinila siya palapit sa katawan ko, "Come here nga kay Mama." Hinila ko siya pabagsak kami sa isang sofa. Napatili naman siya. At noong sinimulan ko na siyang halikan sa leeg at kilitiin ang buong katawan niya ay malakas siyang tumitili habang tumatawa nang malakas. Ang mga tawa nito ay parang isang napakagandang musika sa aking pandinig.
"Mama, enough. There's someone outside!" Halos wala nang boses ang bata dahil nanggigil na ako sa pagkikiliti sa kaniya. Pagkarinig ko sa huli niyang sinabi ay tumigil na rin ako at pinakinggan kung may tao nga sa labas. At nang marinig ko ang pagkatok sa pinto sa labas ay maingat kong pinaupo ang anak ko sa isang bakanteng upuan. Tumayo ako para tingnan kung sino ang taong nasa labas.
"Hi, Issa." Nakatayo ang isang lalaki sa labas ng pinto at nakangiti na nakatingin sa akin.
"Hi, Mike." Linakihan ko ang bukas ng pinto para papasukin ang lalaki. Kung puwede lang na huwag ko itong patuluyin dahil ito sana ang araw na para sa aking anak. Pero boss ko si Micheal at nakakahiya naman kung hindi ko siya tatanggapin dito sa bahay ko.
Ito ang may-ari ng construction firm na pinagtatrabahuhan ko ngayon. Binata ito at nanliligaw sa akin. Kahit noong malaman nito na buntis ako ay inalok pa rin niya ako ng kasal. At hindi ako ganoon kagutom sa atensyon ng isang lalaki na kaagad kong susunggaban ang alok niya sa akin. Kontento na ako sa buhay ko na anak ko lang ang kasama ko.
Pero mabait si Mike at gentleman. Katunayan nga niyan ay magkasundo silang dalawa ni Benice. Binibilhan niya nang kung anu-ano ang bata kahit na anong pigil ko sa kanya na gawin niya 'yon. Ang rason nito ay kusa nitong ibinibigay ang mga bagay na 'yon sa aking anak.
"Tito, Mike!" Mabilis na tumakbo ang anak ko nang makita nitong pumasok ang binata.
"Sweetie." Kaagad naman nitong kinarga ang anak ko, "Look, what I've got for you today!" Napailing ako nang mula sa isang kamay nito na nakatago sa likuran nito ay inangat nito ang isang maliit na paper bag, "Open it, and I'm sure you'll love it." Tuwang-tuwa naman ang anak ko na yumapos sa leeg ni Mike.
"Benice, madudumihan ang damit ng Tito Mike mo." Tukoy ko sa chocolate na nakakalat sa mukha nito at sa damit.
"I'm so sorry, Tito Mike." Bahagya namang inilayo ni Benice ang katawan niya kay Mike. Pero buong lakas lang na natawa ang binata.
"It's okay, sweetie. Gusto mo ipunas mo pa sa 'king damit iyang chocolate na nasa mukha mo." Hinahaplos nito ang buhok ng bata. Ayaw ko mang aminin, but Benice is just missing an affection of a father. At nakita nito ang father figure kay Mike. Isa pa, mabait naman talaga ang boss ko, hindi ko nga maintindihan ang aking sarili kung bakit walang epekto ito sa akin.
Hindi kagaya ni Benjamin na isang titig niya lang sa 'yo ay nanginginig na ang tuhod mo, Alyssa?
Napakagat ako sa aking pang-ibabang mga labi. Bakit naman kasi palagi na lamang sumusulpot sa aking isipan itong si Benjamin.
"Put her down, Mike. Mabigat na iyang si Benice." Suway ko kay Mike na ikinatawa lamang nito.
"Huwag ka ngang KJ diyan, Issa." Binalingan nitong muli si Benice, "You like it?" Tanong nito sa bata na nakamulagat ang mga mata nang mabuksan ang pasalubong ni Mike.
"I love it, Tito! Thank you! Thank you!" Kaagad na itong nagpupumiglas kay Mike. Natawa naman ang lalaki na binitiwan siya. Mabilis na itong lumayo sa kanila at dinala ang laruang bigay ni Mike.
"You pampered her so much, Mike, baka masanay iyan." Naiiling akong tumitig kay Mike.
"Ano ka ba naman, Issa, you saw how happy she is, at ang kaligayahan niya ay hindi iyan mabibili ng pera. And I bought using some penny to cause so much joy to her was so priceless. Huwag mo nang ipagkait sa bata iyan.
Napahinga na lamang ako nang malalim. Alam kong wala na akong magagawa pa kay Micheal. Kilala ko na ito dahil bukod sa isa itong masugid na manliligaw ko ay isa rin itong naging kaibigan ko sa lugar na 'to.
Sumunod na lamang ang paningin ko sa lalaki nang makita ko na tumalikod na ito para puntahan ang anak kong masayang inaasiste ang laruang dala ni Micheal para sa kaniya. Dinaluhan nito ang bata at tinuruan kung paano laruin ang laruan na 'yon. Mataman naman na nakatingin sa kaniya ang aking anak. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na maisip si Benjamin Montero. The way my daughter pays attention to what Micheal is saying to her is she really got her father's attitude. Ipinilig ko ang aking ulo para tuluyan nang alisin si Benjamin sa aking isipan.
"Hintayin n'yo lang ako rito at maghahanda lang ako ng meryenda." Tumalikod na ako para pumasok sa kusina. At nang magsimula na akong maghanda ng puwede kong lulutuin ay tuluyan ko na ring nakalimutan ang tungkol kay Benjamin.