Hindi nakahuma si Juan nang marinig ang mga masasakit na salita mula kay Natalie dahil hindi niya inasahan na gano’n ang sasabihin ng babae pagkatapos nilang magtalik. Naghimutok ang kanyang damdamin habang nagbibihis at kaagad na nilisan ang babae. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin dahil sa sobrang inis. Kahit na marami silang nainom ni Keith kanina ay bigla na lang siyang nahimasmasan dahil sa sobrang galit kay Natalie. Ang lakas kasi ng loob nitong magmalaki sa eh wala naman itong narating sa buhay. Mahirap na nga ngunit hindi pa marunong magpakumbaba. Feeling rich pa kasi ang babae sa tingin niya. Kinabukasan, masakit ang kanyang ulo nang magising siya. Tinawag niya si Natalie pero hindi yata siya narinig ng babae kaya siya na lang ang kusang bumaba kahit na parang mabibiyak ang