Hindi mailarawan ni Natalie ang takot sa kanyang dibdib nang inutusan siya ni Juan na pumunta sa kama. Nang tumingin siya sa gawi ng lalaki, nakangisi lang ito na para bang walang pakialam. Ni hindi nga nito napansin na masama ang kanyang pakiramdam, eh. “Sabi mo kanina ay masama ang pakiramdam mo, hayaan mong imasahe kita,” sabi ni Juan. Biglang nanlaki ang mga mata ni Natalie dahil sa sinabi ni Juan kasi iba ang kutob niya. Feeling niya ay may masamang binabalak ang lalaki. Kinabahan siya kaya kaagad niyang tinakpan ang sarili ng kumot. “Kakasuhan kita kung pipilitin mo ako,” binalaan ni Natalie ang lalaki. “Ano’ng pinagsasabi mo? Masahe lang tapos kakasuhan mo na ako? Sobra ka naman, Taling!” “Kilala kita,” sagot ni Natalie. “Bawal magpamasahe kung bagong ligo,” dagdag pa ni Natali