Napatiimbagang si Natalie nang marinig ang salitang ‘pokpok’ kasi masakit para sa kanya na tawagin ang kahit sino na pokpok. May naging kaibigan siyang pokpok ngunit hindi naman salbahe si Herlie. Kumapit lang ito sa patalim noong walang makakapitan hanggang sa nahirapan na itong makaalis mula sa pagkasira ng kanyang dangal. Muntik na nga rin siyang kumapit sa patalim noon kaysa naman mamatay sa gutom, di ba? Palpak nga lang ‘yong unang gabi niya sa trabaho. Medyo matagal na iyon ngunit kinilabutan pa rin si Natalie nang maalala ang gabing iyon kung saan muntik na siyang mapahamak ng tuluyan o baka ikinamatay pa niya iyon, eh! Panay ang kanyang pagbuntonghininga habang binilang ang natitira niyang pera. Paubos na kasi ang kanyang budget ngunit wala pa rin siyang nahanap na trabaho. Ilan