Dahil sa nangyari ay kaagad silang lumipat ng tirahan. Gusto sana ni Natalie na isoli na lang ‘yong pera ngunit ang katwiran ni Herlie ay mas lalo lamang maghirap. Gagamitin na lang daw nila tutal nabugbog na siya dahil sa perang iyon. Sinunod niya ang kagustuhan ni Herlie ngunit nagsikap siyang huwag ng matukso uli sa malaking pera. Tumanggap na lang siya ng labada at gaya ng nakasanayan, raket dito, raket doon. Iyon naging buhay nila ni Herlie. Salat man sila sa mga material na bagay, masaya naman silang magkaibigan hanggang sa muli nilang napag-usapan ang tungkol sa trabaho ni Herlie noong minsang kumain sila Jollibee. “Hay naku, kung hindi ka kasi sobrang ma-pride, eh di kaya mong mag-jollibee araw-araw. Bakit ba ayaw mong gamitin ang pera na iniwan ng Nanay mo?” Minsan ay nakita n