Chapter 8

2054 Words
  Sa kabilang pinto ako dumaan kung saan naka set up na ang mga pagkain at iseserve na lang sa kanila. I pushed the cart and all of them looked at me. Nick’s cold eyes landed on me at pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa table nila. Palihim akong nag inhale exhale. Nang maabot ko na ang table nila ay ihinanda ko na ang malapad kong ngiti. “Good afternoon gentlemen.” Masiglang sabi ko na iwas tumingin kay Nick. “Good afternoon.” Polite na sagot naman nila, pero hindi ko narinig ang boses ni Nick. Isa isa kong nilapag ang mga plato nila na may kanya kanya nang stake. Dahil may nametag sila at may tag ang plates ay alam ko kung kanino ko ilalapag. Mabilis ang bawat galaw ko. Wala akong pake kung napansin nilang lahat iyon pero gusto ko na maka alis doon. Although technically, I still have to wait for them to finish dahil baka may kailangan pa sila, at least sa kabilang side ng room ako tatayo. Malayo kay Nick. “Thank you, Miss.” Polite na sabi ng pinaka matanda sa kanila nang matapos na ako. “You’re welcome, Sir. I’ll be on the side if you need anything.” Malambing na sagot ko at nagsimulang itulak ang cart palayo sa kanila. I stood next to the cart at the other side of the room. Nagsimula silang mag usap habang kumakain. Naka tagilid sa side ko si Nick na mukhang engrossed kausap ang mga kasama. Syempre pa, usapang pera. “I never regretted my decision to purchase Alca Leon. The factory seemed useless but the workers are the gem. Isa pa, tuwang tuwa pa ang anak ko dahil mas gugustuhin nya na daw mag mana ng isang textile company kaysa sa toy company.” Kwento ng pinaka matanda sa kanila. They all chuckled. “Well, itong si Nicholas naman,” The guy next to Nick tapped his shoulders. “Ewan ko na lang kung hindi matuwa ang magiging anak dahil sa mamanahin na media company at may financing pa on the side.” Tumawa sila ulit. I saw Nick laughed too. “Nah, I don’t know how to handle Logarte and the other sectors yet, although magdadalawang taon na ako doon as director. Mas focus kasi ako sa Magnum. It’s my baby.” He explained. “Just like how my daughter treats her reaturant. It’s her baby daw.” Nakangiti naman na sabi nung isa pang matanda. Lumapit ako para mag pour ng inumin nila ng dalawang beses pero natapos din ang stint ko doon na walang aberya. Nick refused to look at me at kahit na natuwa ako ay umasa ako ng katiting na titingin sya. Pero hindi nangyari. Sinalubong ako ni Errol nang inilabas ko na ang cart. Pwede daw ako magpahinga ng kaunti dahil lunch break pa rin naman daw at matagal naman ako tumayo kaya dumiretso ako sa quarters. Doon ako nakahinga ng maluwag. Natapos ang function na hindi na kami nagkalapit ni Nick. Matapos kasi nyang magsalita about sa certain topic ay ito ang unang umalis. Hindi na ako sumama kila Liezl sa videoke dahil pakiramdam ko ay na exhaust ako dahil sa presensya ni Nick. Now he knows where I work. Pero ano naman? Mukhang wala naman na sya pake sa akin. And it’s a good thing. Diretso ako nakatulog. Kinabukasan ay ginugol ko sa panunuod ng movies at Korean dramas ang oras ko. Tuwing ganitong pagkakataon ko namimiss o naiisip si Mommy. Wala na talaga akong naging balita sa kanya. Wala akong alam kung bakit sya biglang umalis o kung babalik pa ba sya. Paminsan minsan ay dumadaan ako sa luma naming bahay. Naisip ko paupahan iyon pero pinag iisipan ko pa. Source of income din kasi kung sakali. Binabayaran ko na lang ang bill ng kuryente at tubig na hindi naman lalagpas sa bente pesos. Sinigurado ko na makakatulog ako ng at least eight hour bago pumasok. Wala pa namang thirty minutes ang byahe ko kaya alas otso ay umaalis na ako sa bahay. Wala na rin masyadong traffic kaya convenient ang shift ko. Nakangiti ko pang binati sila Liezl nang magkita kita na kami sa quarters. Pero agad na nawala ang ngiti ko nang mapansin na parang kinakabahan sya at umiiwas sa akin ng tingin. “Bakit? May problema ba?” Agad na tanong ko. “Ezra ano kasi. Ibinilin ni Sir Bob na kapag dumating ka na, pumunta ka daw sa office nya.” Hindi pa rin maipinta ang reaction ni Liezl. “Oh. Bakit daw?” Hindi naman ako kinakabahan. Madalas kaming I coach ni Sir Bob or minsan may sasabihin lang. Pero iba ang naramdaman ko dahil sa reaction ni Liezl. “Eh kasi.. Hindi ko alam ang buong details ‘day. Pero parang bad mood si Sir. Medyo nasigawan pa nga kami.” Napalunok ako. “Sige salamat.” Mabilis kong inilagay sa locker ko ang mga gamit ko. Hindi na muna ako nag bihis at dumiretso na ako sa office nya. Kumatok ako at nagpakilala. Narinig ko pa na tumukhim si Sir Bob bago ako papasukin. Agad kong naramdaman ang pagka bad mood nya pagpasok ko sa opisina nya. Usually ay nakangiti sya at nakatawa na. Pero ngayon ay wala syang reaction. Seryoso. Pero pinilit ko pa rin ngumiti. “Sir? Pinapatawag nyo daw po ako?” “Upo ko, Ezra.” Turo nya sa upuan sa harap ng mesa nya. Mabilis akong umupo. I want this to get over with. “May order kasi na dumating sa akin kanina.” Pagsisimula nya. Tumango ako kahit na kinakabahan na ako. “I really can’t do anything about it. Request ‘yon ng isang guest. Bad behavior report and he’s requesting the management to fire you.” Napakurap ako. “Fire me? B-bakit po?” “Isang guest from the last function ang nag request. Bad behavior daw.” Napalunok ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko. “P-pero wala po akong alam na ginawa kong mali. My service is satisfactory as far as I am concerned.” Umiinit na ang tenga ko. Ayoko umalis o mawala sa trabaho na ito. Umiling iling si Sir Bob. “Ezra, alam ko kung gaano ka nag improve simula nang pumasok ka. You are one of my best employees. Pero manager lang din ako. At order itong dumating. Meaning, hanggang this coming Friday na lang ang last shift mo.” Ramdam ko naman na nalulungkot rin si Sir Bob sa sitwasyon ko. “Pero bakit Sir? Sino po ba o ano ang nagawa ko?” “I’m sorry.” Ang tanging nasabi nya. I started to tear up. Tumulo na ang mga luha ko. What have I done? Wala akong alam na ginawa kong mali sa last function. I was on my best behavior. Gusto kong magwala. Ang unfair. Sobrang unfair. Ito na lang ang mayroon ako. “Ezra.. I don’t know who you pissed at the last function. Pero payo ko lang sayo, maghanap ka na agad ng mapapasukan habang may ilang araw ka pa dito para hindi ka ma tengga.” Tumango na lang ako. Pinunasan ko ng likod ng kamay ko ang mga luha ko at walang nagawa na umalis sa opisina ni Sir Bob. Dumiretso ako sa banyo ng mga employee at doon umiyak. Bigla akong napaisip. Hindi kaya si Nick? Oh gosh. Sana hindi. Pero sya ang best candidate. Galit sya sa akin pero hindi tama ang ginawa nya. Pinunsan ko ang mga luha ko at inayos ang aking sarili bago ako bumalik sa quarters. Hindi ko muna sinabi kay Liezl ang totoong dahilan bakit ako pina tawag. Nagdahilan ako na may isang tao sa function akong nabangga at nag report. Sa kalagitnaan ng shift ko ay naisip ko na puntahan pagkatapos ng shift ko si Nick. Kung sya nga ang nagpatanggal sa akin sa trabaho, he needs to undo it. Masaya ako dito at nandito ang mga bago kong kaibigan. Hindi ako papayag sa unfair na pagpapa sesante sa akin dito. Umidlip muna ako sa quarters bago kumain. Hinintay ko na mag alas nueve bago ako pumunta sa Magnum. Tanging determinasyon lang ang baon ko at lakas ng loob. Sinabi ko sa receptionist na sa Magnum Finances ang punta ko, Pinaakyat ako at may babaeng nasa desk ang bumungad sa akin nang bumukas ang elevator. “How may I help you?” Nakangiti na tanong nya, May malaking sign ng MAGNUM FINANCES sa likod nya in bold and gold letters. “I’m looking for Mr. Nicholas Montenegro Jr.?” Nakangiti na sabi ko rin sa babae. Nawala ang ngiti ko nang tingnan nya ako mula ulo hanggang paa at nangunot ang noo nya. I was just wearing a plain skinny jean, flats and a white t-shirt na manipis at medyo nakikita ang silhouette ng bra ko. Sukbit ko rin ang body bag ko na naglalaman ng wallet ko at cellphone. “Do you have an appointment Miss?” “Wala, but I really need to see him-” “Miss pasensya na. Bawal po makipag usap kay Mr. Montenegro ng walang appointment.” Polite na sabi nya pero kita sa reaction nya ang pag ngiwi habang nakatingin sa akin. Wala akong panahon mang away ng malditang receptionist kaya pilit kong kinalma ang sarili ko. “This is important. If you can tell him, my name is Ezra-” “Miss, I’m really sorry. Company policy. No appointment, no entry.” There’s this smug smirk in her face na mas lalong nagpa inis sa akin. Inilapag ko ang dalawang palad ko sa lamesa sa harap nya at halata ang pagka gulat nya. “I am losing my patience here, Miss. Kung hindi mo sasabihin kay Nick na nandito ako at kailangan ko syang makausap, hindi mahirap gumawa ng eskandalo at sisiguraduhin ko na malalaman ng lahat na sa Magnum Finances nanggaling ang gulo.” Matalim ang tingin na sabi ko sa kanya. It’s a matter of life and death. My life. Makakapag apply ako sa iba, pero walang kasiguraduhan kung kalian. Undergraduate ako dahil hindi na ako nakapasok sa second semenster last school year. At ayoko na mangilala ng bagong tao. Masaya ako sa Crisanto at ayoko mawala doon. Kaya kailangan ko makausap si Nick. At kung pipigilan pa rin ako ng babae na ‘to ay gagawin ko talaga ang sinabi ko. Aanhin ko ang hiya kung mawawalan naman ako ng trabaho? I saw the woman’s reaction softened. “S-sandali lang po.” Inangat nya ang telepono at nag dial. “Alice, there’s a certain Miss Ezra here who wants to talk to Mr. Monetegro but she doesn’t have an appointment. Can you please check with him? Thank you.” Ibinaba nya ang telepono at tumingala sa akin. It’s my turn to smirk. “Hindi naman pala mahirap ipaalam na nandito ako.” Hindi sya nagsalita. I started tapping my foot while waiting. I almost jumped on my feet when the telephone rang. Agad naman iyon na sinagot ng babae. “Miss pasok na lang po kayo then turn left. His secretary, Alice, will fetch you.” Maamo na ang mukha nito. “Salamat.” Nagpasalamat ako at mabilis na naglakad. Agad kong naramdaman ang lamig. Sumalubong sa akon ang ilang cubicles at mga employees. I turned left and I saw rows of glass walls and glass doors na may mga takip na blinds. Then I saw an woman approaching. This might be Alice. “Good Morning. I’m Mr. Monetegro’s secretary. This way po.” Pinauna nya ako maglakad. Amoy na amoy ko ang rose cologne ng babae. Tumigil kami sa tapat ng isang wooden door. Unlike the other rooms, sarado rin ang opisina. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradura at pumasok. Agad na tumambad sa akin ang malawak na opisina ni Nick. May portrait ng pamilya nila na bumungad sa akin at nang bumaba ang tingin ko ay nagtama ang mga mata namin ni Nick na nakaupo sa swivel chair sa likod ng mahogany desk nya. Napalunok ako. His eyes were cold just like the last time. Magkasalikop ang mga kamay nya na nasa table nya. FOLLOW ME ON MY SOCIALS! instagram.com/taleswithelle twitter.com/taleswithelle facebook.com/taleswithelle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD