“What brings you here, Ezra?” Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin.
May kilabot na gumapang sa buong katawan ko sa pagbanggit nya ng pangalan ko. I stopped walking halfway his desk. Hindi ako umiiwas ng tingin.
“I want to talk to you.”
“My time is gold, so say what you want to say.” Sumandal sya sa swivel chair nya at mukhang mas relax na sya.
I bit my lower lip bago ako magsalita. “Ikaw ba ang nagpatanggal sa akin sa trabaho ko? Wala naman akong alam na ginawa kong mali from the last function at ikaw lang naman ang galit sa akin doon.” Tinigasan ko ang boses ko kahit na malakas ang kabog sa dibdib ko.
Naka sabit sa kinauupuan nyang swivel chair ang coat nya. Nakabukas ang dalawnag unang butones ny polo nya at nasa lamesa nya ang itim nyang nec tie. He looked so damn good. Naka brush up ang buhok nya at ang amoy nya ay nanunuot sa ilong ko.
He smirked. “Yes, I am.”
Uminit ang ulo ko sa pag amin nya at pang ngisi. I clenched my fist.
“You have no rights!” Agad na tumaas ang boses ko.
Tumayo sya. Nawala ang ngisi sa mga labi nya. “I have all the rights, Ezra.” Mariin na sabi nya.
“Ginawa ko ang gusto mo. Nawala ako sa buhay nyo ni Jennica. Why are you doing this?! I need this job!” Humakbang ako papalapit sa kanya.
“And I saw you again. It means you didn’t do your best in disappearing.” His words are hurting me, pero kailangan ko ng lakas ng loob. Kailangan ko ilaban ang trabaho ko.
“Hindi ko kasalanan na doon ginanap ang event na kasama ka. Stop being unfair!”
“Unfair?” Lumaki ng bahagya ang mga mata nya. “Ako pa ang unfair? I gave you quite a fair amount to disappear. Saan mo ginamit ang pera, ha? You could have gone to any province for all I care. Instead, nakita kita sa hotel na iyon!” he was in raged.
Napasinghap ako. He really wants me gone.
“P-pinangbayad ko sa mga utang ko ang pera..” Naiiyak at mahina na sabi ko.
“Ah.” His playful smirk appeared again. “Oo nga pala. Kaya ka nga pala lumapit kay Jennica. Marami ka nga palang utang. And that money I gave you helped you, huh?” he was mocking me and it’s hurting every piece of me.
I pressed my lips together. Ayoko umiyak.
“And now you work in that hotel to make a living?” Kunot ang noo na tanong nya.
Tumango ako. “Please, Nick. Don’t do this. K-kung ano man ang tingin mo na nagawa ko, I’m sorry-” Handa na akong lumuhod sa harap nya when he cut me off.
“Sorry? Anong magagawa ng sorry mo sa muntik nang pagka wala ng nag iisang kapatid ko? Anong magagawa ng sorry mo kung namatay si Jennica?” Matalim ang tingin na binigay nya.
Hindi ko na napigilan ang umiyak. “Hindi ko alam ang nangyari. I never meant to hurt Jennica. Bakit ba ako ang sinisisi mo?”
“Because it all happened because of you.” He pointed at me. “Because she knew you. Because you became her friend.” Puno ng hinanakit ang mga salita na binibitawan nya.
I was lost. Bakit ganoon na lang ang galit nya sa akin?
“I never want Jennica to get hurt! Are you thinking na sinadya ko ang nangyari? My God! You’re a fool!” Sumasakit na ang dibdib ko sa mga paratang ni Nick sa akin. Nanghihina ako. Napakapit ako sa sandal ng upuan sa harap ng mesa nya.
“But she did.” Mahinang usal ni Nick.
“Nick, please. Sinunod ko naman ang gusto mo.” Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. “Huwag mo akong ipasesante. Ang trabaho ko sa hotel na iyon na lang ang meron ako. Don’t take that away from me.”
Hindi sya nagsalita.
Tiningnan ko sya. Nakatingin sya sa kawalan na parang may iniisip.
“Nick..”
“Work for me then.” Sabi nya nang lumingon sya sa akin.
Napa awang ang labi ko.
“What?” Gulat na tanong ko.
“Work for me. Work at my company.” Walang reaction ang mukha na sabi nya.
Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin.
Nagtitigan na naman kami.
“You want me gone. Why would you want me to work here?”
“Work for me or not at all. Madali ka naman ilagay sa black list sa mga employment agencies as well as-”
“Wait!” Putol ko sa sinasabi nya. “You’re really trying to kill me.” Mahinang sabi ko.
“Am I?”
“Damn it, Nick!”
Hindi sya sumagot. Tinitingnan nya lang ako na parang natutuwa sya na miserable ako.
Bumuga ako ng hangin. I need to calm down.
“I need your answer.” Sabi nya pa.
Tiningnan ko sya ng masama. I hate that I can’t do anything over him. Masyado syang makapangyarihan para sa kagaya ko. And he’s mad at me for so many reasons. Gusto kong maawa na lang sa sarili ko but I have to think fast on my feet.
I need to live. Life has to go on.
I cleared my throat at chin up na tumingin sa kanya. “A-anong magiging trabaho ko kung sakali?”
“ Janitress. We’re hiring.” May ngisi na naglalaro sa kanyang labi nang sabihin iyon.
And I don’t know why hindi na ako nagulat. Napalunok ako.
Kakayanin ko ba?
“The clock’s ticking, Ezra.”
“Let me think about it-”
He cut me off. “Oh, no. Ezra, you don’t have the luxury to think about it or the time to. It’s either a yes, or a no.” There’s wickedness in his aura and it’s feeding on my suffering.
“W-when.. when do I start?” Tanong ko kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko.
Alas otso ng umaga kinabukasan ang oras ng pasok ko sa Magnum pero alas onse na ng gabi ay nasa Tides pa rin ako at umiinom kasama sila Liezl at Errol. Hindi ko na sila tinanggihan nang mag aya sila ng maliit na farewell party pag alis ko sa Hotel.
“Pwede ka naman ba naming dalawin sa bagong trabaho mo? In fairness ang bilis mo rin maka hanap ng bagong work.” Si Liezl, bago uminom ng beer sa mug na hawak nya.
“Pwede naman tayo magkita kita. Ano ba? Quezon City lang din yung bagong trabaho ko.” Kibit balikat na sabi ko naman.
Ngayon pa lang ay namimiss ko na sila. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan ko sa Magnum. Magkakaroon ba ako ng kaibigan o may makakausap man lang ba ako?
I am pretty sure na papahirapan ako ni Nick. At ihinanda ko na ang sarili ko para doon. I need to do this to live. Wala naman ako ibang aasahan. I have no doubt that Nick can put me in the blacklist para hindi na ako makapag apply sa iba.
He’s powerful. He’s well connected. And I’m just a nobody.
“Susunduin kita minsan. Please, huwag ka na tumanggi. Hindi na tayo magkatrabaho.” Nakangisi na sabi pa ni Errol.
Inirapan ko sya. “Ganoon pa rin naman ang sagot ko. Kung lalabas tayo na hindi kasama si Liezl, huwag na lang.”
Tumawa silang dalawa.
“At talagang nagamit na naman po ako para maging chaperone.” Naiiling na sabi ni Liezl.
“Harmless naman ako. Itong mukhang ‘to? Aba. Sa dami ng nagkakandarapa sa akin, swerte mo at ikaw ang nagging apple of the eyes ko.” Kumindat kindat pa si Errol at pinalo ko sya sa braso.
“Ang lakas naman pala ng hangin ditto. Akala ko naka aircon tayo.” Biro ni Liezl na ikinatawa naming.
Pasado ala una na kami natapos. Pinasakay muna nila ako ng taxi since sabay naman sila pauwi dahil iisa ang way nila. Diretso ako sa kama nang makauwi matapos I set ang alarm ko ng alas sais.
Pandesal na may palaman na peanut butter at isang tasa ng mainit na kape lang ang agahan ko. Gusto ko man mag heavy breakfast ay hindi na lang. Gusto ko na maaga ako makakarating doon.
Thirty minutes before eight ay kausap ko na si Mrs. Ortega. Sya ang floor manager. Apat daw kami na naka assign sa Magnum at ako lang daw ang hindi galing sa agency.
“Kaano ano mo si Mr. Montenegro? First time nya kasi magpasok ng hindi galing sa agency. Medyo praning kasi ‘yun, gusto naka background check ang lahat ng emplyado nya.” Agad na tanong ng kasabay ko sa shift ko na si Ellyn nang maka alis na si Mrs. Ortega matapos ako I orient.
Pinakilala rin nya sa akin si Ellyn. Ka edad ko lang sya halos, or baka mas matanda sya ng kaunti sa akin. Naka uniform na sya nang dumating. Sabi ni Mrs. Ortega, in two days ko pa makukuha ang uniform ko kaya civilian muna ang isusuot ko today hanggang bukas.
“N-nagtrabaho ako sa kanila dati.” Pagsisinungaling ko.
Nakakagulat nga naman, at ayoko na magka idea ang kahit na sino na magkakilala talaga kami ni Nick. Ang strategy ko ay ang umiwas sa kanya hanggang pwede.
Tumango tango si Ellyn. “Ah, ganoon ba?”
“O-oo. S-saan nga pala ako magsisimula mag mop?” Tanong ko na lang. Lumapit ako sa isang cart na nasa gilid ng quarters matapos ko I bun ang buhok ko at nag lagay ng hair net provided na sa quarters.
“Magsabay na lang muna tayo na magsimula sa taas. Para ma tour na rin kita sa sakop ng lilinisin natin.” Magiliw na sabi nya.
Tumango ako at sinundan sya. We’re pushing the small cart with two mops para sabay kaming makapaglinis. Isa isa nang dumarating ang mga empleyado at ang tanging dasal ko ay huwag kaming magkita ni Nick.
Kahit ngayong umaga lang, para masabi kong good ang morning ko.
Pero I really can’t have it all.
Dahil nang iwan ako saglit ni Ellyn para mag banyo ay namalayan ko na lang na nasa harap ko si Nick. Nakapamewang sya na nakatingin sa akin habang nagma mop.
Tiningala ko sya pero bumalik lang rin agad ako sa ginagawa ko. Kung nandito sya para I intimidate ako, pwes, hindi nya mahahalata. I have to be really good. Itinuloy ko ang pagma mop na parang wala sya.
Narinig ko na lang na tumikhim sya.
“Come to my office after this. I want you to clean it until everything shines. Got it?”
Unti unti ko syang tiningnan. So, this is starting, huh?
“Yes, boss.” Mahinang sabi ko.
He nod and gave me one last look before he walked away.
Sinabi ko naman kay Ellyn na pagkatapos namin doon ay kailangan ko na linisin ang office ni Nick. Pinasuot nya sa akin ang belt na suot nya kung saan may mga naka sabit na pang linis. Kakailanganin ko daw kasi.
Agad akong na recognize ng secretary ni Nick nang mapansin nya na papalapit ako. She smiled, then called Nick at the intercom to inform of my arrival. Huminga ako ng malalim.
“Pasok ka na.” Nakangiti pa rin na sabi sa akin ng secretary.
I mumbled my thank you and went in.
Katulad ng dati ay naabutan ko si Nick na naka upo sa swivel chair na nasa likod ng mahogany desk nya. Nakayuko sya at may naka focus sa ilang folders na nasa table nya.
“Start cleaning.” Sabi nya na hindi man lang gumalaw mula sa kinauupuan nya.
Hindi ako sumagot at nagsimula na lang gumalaw. Lumapit ako sa rack na puno ng figurines, plaque at kung anu ano pang thropies na may mga pangalan ni Nick. Nagsimula akong mag spray ng cleaner at punasan ang mga iyon.
Nakatalikod ako kay Nick and thank God, hindi naman ako naging uncomfortable kagaya ng inaasahan ko. Inisip ko na lang na mag isa ako at wala si Nick. Tutal naman ay hindi rin naman sya nag iingay.
Nasa kalagitnaan na ako ng pangalawang rack nang marinig ko na mag ring ang cellphone nya. Tumigil ako saglit pero nag resume sa ginagawa ko nang marinig ko na sinagot nya na iyon.
“This is Nick.” I felt him stood up.
Pinilit ko na huwag sya pansinin o intindihin. Kailangan ko matapos ito agad para maka alis na ako.
“My schedule is full until next week. If you want a meeting, do not call me but my secretary instead.” Matigas na sabi nya at namalayan ko na lang na ibinalik nya sa pagkakalapag sa table nya ang cellphone nya.