Chapter 14

1922 Words
Sabi ni Nick, one week nang nakatitra sa Bulacan si Jennica. She wants to spend her semestral break in there. May maliit daw doon na bahay kung saan tumutuloy si Jennica. Her sister’s interest in it was abrupt. Kaya niregaluhan daw ng parents nila si Jennica ng lupa doon para ma try nito kung gugustuhin nya talaga ang ganoon. Alam ko na supportive ever since ang parents nila. They’re lucky for having Tito Nikko and Tita Roxanne for their parents. Ayaw daw sana pumayag ni Nick dahil first time na mamumuhay mag isa ni Jennica and he’s worried. Tsaka lang daw sya pumayag nang makita nya na secured naman ang area. We talked casually while we’re on his car. Panaka naka ang katahimikan at palaging si Nick ang nagsisimula ng usapan. Sumasagot naman ako. I am still acting as if I am not affected by what he said pero iyon at iyon lang actually ang laman ng isip ko kanina pa. Lagpas isang oras lang ang byahe namin. Pumasok kami sa isang exclusive village. Nang nasa kalagitnaan na kami ay doon ko napansin na madaming bahay pa ang hindi nagagawa. Nick seemed to know the nooks of the place. Isang liko pa sa kaliwa at may nakita na kaming brown na gate. Itinigil ni Nick sasakyan at sabay kaming bumaba. Malalaki ang butas ng gate kaya nakita ko na may mga halaman at sa di kalayuan ay may maliit na bahay. “Let’s go.” Naglabas ng susi si Nick mula sa bulsa nya. I was anticipating seeing Jennica again. Sya lang yung nasa tabi ko when I was down. I’m practically a stranger but she still trusted me. It meant a lot. And her parents, too. Pumasok kami. Nakasunod lang ako kay Nick. May mga naka tayong kahoy sa paligid na may mga naka gapang na halaman. The garden looked prestine. Si Jennica ba ang lahat nang gumawa nito? “Kuya!” Agad akong napalingon nang marinig ko na ang boses ni Jennica. She got up from sitting in a small stool. May hawak pa syang maliit na pala. She dropped it when she saw us. She was wearing a brown apron and a bron baseball cap. “Ezra! Oh my gosh!” Pahiyaw na sabi nya ay tumakbo palapit sa amin. Hindi ko napag handaan ang pag yakap nya at muntik na kaming matumba, if not for Nick’s assistance. “Kamusta ka na? I can’t believe na dinala ka talaga dito ni kuya. I thought he was just kidding around.” There goes the bright smile of Jennica. Napangiti ako. “I work for him now.” Napakurap kurap si Jennica. “For real? Eh diba ayaw na ayaw mong-” “Jennica.” Putol ko sa sasabihin nya. Tumawa sya. “Okay, fine. Halika, sa loob tayo.” Hinila nya ang kamay ko papunta sa maliit na bahay. Nakasunod lang sa amin si Nick. The wooden house looked so damn nice inside. May maliit na sala, dining table for four, maliit na kitchen at ang kamay ay nasa taas. Amoy kape ang loob. Dumiretso sa maliit na sofa si Nick. Kami naman ni Jennica ay dumiretso sa kusina. She asked if we want coffee pero si Nick ang nagsabi na nag agahan na kami. Taas ang kilay na tiningnan ako ng makahulugan ni Jennica. What? All this time ay iaasar nya na naman ako kay Nick? Tiningnan ko ang kabuuan ni Jennica. One year lang ang nakakalipas but she changed so much. Nagkalaman sya, her cute little face became fuller at mas bumagay sa kanya. Jennica wanted to show me her little garden kaya lumabas kami ulit after a little while. Nagpaiwan naman si Nick doon. “Where have you been all this time? I tried looking for you. Nahanap namin ang bahay nyo pero ang sabi wala ka na daw doon.” “M-may inuupahan akong apartment.” Mahinang sabi ko. “Hinanap kita the moment I woke up.” Sabi nya pa. I looked at her and she’s smiling. “I’m sorry.” “It’s exactly the reason why I looked for you. Alam ko na malaki ang chance na sisihin mo ang sarili mo or ma guilty ka. But I want to tell you that what happened was an accident.” She was being cheerful about it. “A-akala ko galit ka sa akin.” I chocked out. Before I knew it ay naiiyak na ako. I can never forget the feeling of being in that situation. Yung nag aalala ako kay Jennica pero wala akong magawa para mapuntahan sya. Tumigil sa paglalakad si Jennica at humarang sa harap ko. “Hey, wag ka nang umiyak. Look at me.” I looked at her. My tears are flowing. “I’m alive and I am fine!” Umikot pa sya sa harap ko. “See?” Yinakap ko sya. I really missed her. I felt relieved knowing na hindi sya galit sa akin. Na hindi nya ako sinisisi. That she looked for me. “I’m sorry I wasn’t there for you.” Umiling iling sya. “I know what kuya did.” I pressed my lips together. “And I am sorry. Hindi nya dapat ginawa iyon sayo.” “Naiintindihan ko naman sya. And he probably have a reason to really call me an opportunist after that.” Nahihiyag yumuko ako. “G-ginamit ko yung perang binigay nya pang bayad sa mga utang ko. I just really don’t know what to do that time but that.” Hindi nagsalita si Jennica. I need to come clean to her. “And I can understand if ngayon magalit ka na talaga sa akin.” “Hey.” Tumingin ako sa kanya. “I was just glad na nagkita ulit tayo. Don’t mention it.” “I’m sorry.” “Huwag ka na ngang umiyak!” She chuckled, wanting to lighten up the mood at natawa rin ako. Pinunasan ko ang luha ko. While touring me around, ramdam at kita ko kung gaano ka passionate si Jennica sa ginagawa nya. Kakatuwang isipin na ang prinsesa na kagaya nya na buong buhay nya ay namuhay na marangya, maiisipan mag tanim ng mga gulat at prutas. But that’s the thing about Jennica.She never used her family and their wealth in any way. She likes doing things on her own. Nakaka proud na nakilala ko sya. “Anyway, anong trabaho mo sa Magnum?” Maya maya ay tanong nya. She was poking at the soil around a certain plant. “Janitress.” “What?” “Yep.” Natatawa ako sa reaction nya. Tumayo sya at humarap sa akin. “Seriously?” “Yep. I was previously working at this hotel. Nakita ako doon ni Nick when he was invited as a speaker. Pinatanggal nya ako sa trabaho ko. I went to see him then he offered me a job I can’t refuse.” Playful na sabi ko. Umuling iling si Jennica. “He’s crazy.” “Very.” Sang ayon ko. Bumalik kami sa bahay nya at naabutan namin na may kinukuha si Nick sa ref. A can of beer. Really? “May stock ka ng beer?” Gulat na tanong ko kay Jennica. Nakangiti na tumango sya. “Yep. Pampa antok minsan.” Tumango na lang ako. Namalengke kaming tatlo dahil kulang ang supply ni Jennica. Tamang tama daw dahil mag go grocery daw talaga sya dapat that day. Nick cooked for our lunch. Hindi ko alam na nagluluto sya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naghihiwa sya ng mga kung anu ano. He looked hideous in Jennica’s small kitchen. Limitado ang pag galaw nya. Hinubad nya ang knitted sweater nya at itinaas nya ang manggas ng suot nyang puting polo na nasa ilalim. Pink ang suot nyang apron dahil iyon lang ang apron ni Jennica. Siniko ako ni Jennica. “In love ka na ba kay kuya? I bet you’re always looking at him kapag nasa office kayo?” Bulong nya sa akin. Napanguso ako. “Of course not.” “At talagang hanggang ngayon ay in denial ka pa rin?” Napalingon sa amin si Nick nang lumakas ng bahagya ang boses ni Jennica. Ako naman ang sumiko sa kanya. Tumawa lang sya. “Sira ka talaga.” Maya maya lang ay nalanghap na namin ang niluluto ni Nick. Tinolang manok! Madami kasi kaming pinamili kanina kasama na ang supply ni Jennica kaya hindi ko alam kung ano ang lulutuin nya. “Kuya hindi pa ba luto ‘yan? Gutom na kami.” Parang bata na sabi ni Jennica sa kapatid nya. Nick chuckled. “One minute.” Hindi ko mapigilan mag reminisce habang kumakain kami. Ang kaibahan nga lang ng noon sa ngayon, masungit at hindi ngumingiti si Nick. Parang naka bantay sya sa bawat galaw ko noon. I feel like screwing up on something anyway dahil sa kanya. Pero ngayon, nakikipag kwentuhan sya kay Jennica at tumatawa sila. I never thought in my wildest dreams na maeexperience ko ang ganito. Tinulungan namin si Jennica saglit sa pagdidilig at sa ilang gawain pa bago nagpasya si Nick na umalis na kami bago daw kami maabutan ng traffic. Bago mag alas singko ay nasa EDSA na kami. “Thank you.” Maya maya ay sabi nya. Nilingon ko sya. “Para saan?” “Kasi sumama ka. You saw how happy Jennica is.” “Thank you din. Akala ko kasi galit sya sa akin.” He cleared his throat, pero hindi na sya sumagot. “Paano mo pala nalaman kung saan ako umuupa?” Imbes ay tanong ko na lang. Malapit lapit na akong bumaba at ayoko naman na maghiwalay kami na tahimik kami. “Personal file.” I nod. Oo nga naman. “M-may gagawin ka ba bukas?” Kunot noo na tiningnan ko sya. Wala kaming pasok bukas, and why would he ask me kung may gagawin ako? “Why?” “Want to have lunch with me?” Casual na tanong nya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot. Gusto ko, pero tama ban a sumama ako o dapat ban a magdahilan ako? “Ezra?” Untag nya sa akin. “Why?” Tanong ko ulit. “What do you mean why?” Salubong ang kilay na tanong nya naman. “Why would you ask me to have lunch with you?” “I told you that I like you, so I want to be with you.” I sighed. “Sabi ko naman sa’yo, Nick, magalit ka na lang ulit sa akin.” Mahinang sabi ko. I meant it. “Hindi mo ba ako mapapatawad?” Mahinang sabi nya rin. “It’s not that.” “Then what?” “What changed your mind? Impossible naman na all of a sudden, hindi na ako gold digger at oportunista sa paningin mo. All of a sudden hindi mo na ako sinisisi sa aksidente ni Jennica. It doesn’t make sense. Then you’ll tell me you like me?” Itinuro ko ang sarili ko. I saw him clenched his jaw. His side profile is really a sight to behold. Masyadong gwapo si Nick. Walang bad angle. Hindi na sya naka sagot dahil itinigil nya na ang sasakyan nya sa tapat ng daanan papasok sa kung saan ako umuupa. Bumaba ako at nagulat ako nang bumaba din sya. I glared at him, my eyes asking him kung bakit pa sya bumaba. “P-pwede bang maki inom ng tubig?” Nahihiyang tanong nya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD