Chapter 13

1819 Words
Napalunok ako. “Sir Nick.” Si Anton ang unang nagsalita. “Mauna na kayo. Kakausapin ko lang si Ezra.” Walang kangitingiti na sabi nya bigla. Hindi ako nag react pero sabay sabay akong tiningnan nung tatlo. Marahan lang akong tumango. “Kitakits na lang bukas. Ingat kayo.” Kumaway sila sa akin habang naglalakad palayo pero kita ko ang pagtataka sa mga mata at itsura nila. Bahala na bukas kung ano ang sasabihin ko. One thing’s for sure. Sasabihin ko na work related ang pinag usapan namin ni Nick. I crossed my arms into my chest. “What do you want?” Nawala ang ngiti ko. I glared at him. He raked his fingers on his hair. He looked distressed. Ngayon ko lang napansin na may eyebags si Nick, parang antok na antok din ang mga mata nya at hindi sya mapakali. Hindi sya sumagot. Hinila nya ang kamay ko pabalik sa elevator. Hindi ako tumutol pero hinila ko ang kamay ko mula sa pagkaka hawak nya nang nasa loob na kami. Pinindot nya ang button para sa rooftop. Nauna akong lumabas nang bumukas ang elevator. Ako na rin ang nag bukas ng pintuan palabas sa rooftop. This isn’t my first tim here. Dito kasi namin sinasampay ang mga basahan na nilalabhan namin. Agad na nilipad ng malakas na hangin ang buhok ko. Sumilip ako sa railings at naramdaman ko na sumunod sya. “Ezra I want to apologize.” Rinig ko na sabi nya. About time! Huh! Humarap ako sa kanya at sumandal sa railings. Mataas naman iyon. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. I bit my lower lip. Bakit ba kasi kailangan nag galit sya sa akin? Gustong gusto ko sya. “So iyon yung pag uusapan natin? Mag aapologize ka sa pag halik mo sa akin?” Taas kilay na tanong ko. I don’t want his apology. I want to know his reason kung bakit nya ako hinalikan. Kung bakit nandoon sya sa bar. Kung bakit kahit kaunti ay nagpakita sya sa akin ng concern by bringing me in that hotel because I was drunk. Hell, he even cleaned me up! At taliwas iyon sa dapat nyang gawin dahil galit sya sa akin. Umiling iling sya. He looked like an idiot. A handsome idiot. Nakatitig lang sya sa akin. “I’m not here to apologize for the kiss.” “Huh. Edi para saan ang-” “I won’t apologize for the kiss because I have been wanting to do that for quite a while now.” Seryoso pa rin na sabi nya. Naumid ang dila ko dahil sa sinabi nya. “My apology is for hating on you. For calling you names and for accusing you of anything I accused you off.” His expression softened. Nagsimula syang maglakad palapit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang silaw ng papalubog nang araw ay nagbigay ng kakaibang appeal sa mukha nya dahil sa shadow. He looked beautiful. I’m in awe as how he can be this beautiful. “My apology is for my selfishness.” He stopped walking, giving us a few inches far from each other. Itinaas nya ang kamay nya. Tinanggal nya ang ilang hibla ng buhok ko at isinabit iyon sa tenga ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. “I’m sorry for everything.” He whispered. Napatingin ako sa mga labi nya. Napalunok ako. God. That lips. I can’t.. He’s so close. Itutulak ko ba sya? I need to breathe! Dumiretso ang kamay nya sa likod ng ulo ko at dahan dahan nya akong inilapit sa mukha nya. s**t. I closed mye eyes and savored the moment his lips touched mine for the second time. It felt different this time. He was slow as if he was taking my time. Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat nya. His other hand snaked through my waist to pull me closer. Pero ano ba ang ibig sabihin ng ginagawa nya? He’s apologizing for hating on me, for calling me names and for accusing me of the things he accused me off tapos hahalikan nya ako? I’m still confused. I gathered my strength to push him. Our lips still wet from kissing. Nakahawak pa rin ang isang kamay nya sa bewang ko at kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata nya. “Nick, I have to go.” Ang tanging nasabi ko. Kumawala ako sa pagkaka hawak nya pero nahuli nya ang kamay ko. “Ezra..” Hindi ko makatingin sa kanya at hinila ko ang kamay ko. “U-uuwi na ako.” Mabilis akong naglakad. Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay na ako ng elevator pababa at hindi sya sumunod. Napahawak ako sa dibdib ko. My heart’s been beating like a freaking drum. What just happened? Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Everything was a blur. Nang tingnan ko ang cellphone ko nang makauwi na ako, I saw a text message from an unregistered number.   This is Nick. I hope we can talk tomorrow.   Talk? Ano pa bang talk? Na I stress ako bigla sa mga pangyayari. Mas lalo akong na stress nang pagka labas ko sa pintuan ng inuupahan kong apartment ay nandoon si Nick kinabukasan nang papasok na dapat ako. Parang nalaglag ang puso ko sa sobrang gulat. He was wearing a light blue knit seater on top of a white polo. Kumikinang ang buhok at sapatos nya pati na rin ang gold nyang relo. “B-bakit..P-paanong..” Hindi ko na alam ang unang itatanong ko. “Join me for breakfast?” Napalunok ako. Breakfast with Nicholas Montenegro Jr.? We ended at the twenty four hours open Pizza Hut Bistro at the corner. Tinitingnan ko lang sya habang kinakausap nya ang waitress habang umoorder sya. He looked so relaxed now. Mas fresh na rin sya tingnan. Baka nakatulog na sya ng maayos. “What do you want to talk about?” Sabi ko nang maibalik na namin ang menu sa waitress. Tumingin ako sa wrist watch ko. “Malilate na ako.” “You’re with the boss.” “Talk.” Tinaasan ko lang sya ng kilay. “How’s working for me so far?” “Life changing.” Sarcastic na sabi ko. He sighed. Pinagsalikop nya ang mga kamay nya na nakalapag sa lamesa at bahagyang dumukwang palapit sa akin. “Ezra, about the kiss-” “No. We’re not talking about that.” Inis na sabi ko. “Pero..” Confused na sabi nya. “The first time na hinalikan mo ako, I’m the one who almost begged you to talk. But you told me it’s wrong. Okay, fine. Edi wrong. Kaya huwag na natin pag usapan. Pati yung kahapon. I’m sure it’s also wrong.” Hindi ko na mapigilan ang maging emosyonal. I promised myself a while ago to be cool about talking to Nick but I don’t think magiging possible iyon ngayon. Napa awang ang labi nya. For the first time ay parang hindi nya alam ang sassabihin o isasagot nya. “I’m sorry.” Mahinang sabi nya kapagdaka. “Stop apologizing. Nangyari naman na. Tsaka tama ka naman. I accepted the money you gave me to disappear so maybe oportunista talaga ako.” “Ezra please.” Lumamlam ang mga mata nya at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon. The mighty Nicholas Jr. looked vulnerable all of a sudden. “Magalit ka na lang ulit sa akin. Sungitan mo ako ulit. Doon ako sanay. Stop confusing me with coming after me, wanting to talk to me or even kissing me.” Matigas na sabi ko.  “I like you, Ezra.” Mabilis na sagot nya. Tinitigan ko lang sya ng walang reaction pero nagsisirko na ang puso ko sa dibdib ko. What did he just said? “I like you so much.” “S-so anong gusto mong gawin ko?” I managed to looked like I’m not interested pero sa totoo lang, gustong gusto ko nang magtatalon. Hindi ko alam kung maniniwala ako but damn it. Hearing him said that was just plain magical. Parang may mga balloons sa paligid. But of course hindi nya dapat mahalata. He pressed his lips na parang hirap na hirap sya sa sasabihin nya. Pareho kaming na distract nang dumating na ang waitress at hinatid na sa table namin ang iced tea namin. Nick cleared his throat and waited for the woman to go. Tumingin ako ulit sa orasan ko. Forty minutes pa. “It’s okay. Hindi tayo papasok.” Kunot noo na tiningnan ko sya. “Excuse me?” “I- J-jennica wants to see you. So I told her I’m going to bring you to her. Kung okay lang sana sayo..” Parang nahihiya na sabi nya. Kaya ba hindi sya naka suit? I missed Jennica. I want to see her so much. Pero hindi ko alam kung galit ba sya sa akin  o kung kagaya ng kuya nya ay sinisisi nya rin ako. “G-galit ba sya sa akin?” Marahan na umiling si Nick. “S-she was actually looking for you nang magka malay na sya.” Hindi ako nagsalita. I could have been there for her. But Nick wanted me to disappear. Isa pa, hindi ko alam kung ano ang iniisip ng parents nila. They’ve been nothing but good to me. “S-sila Tita at Tito.. G-galit ba sila sa akin?” Nanginginig na tanong ko. I have seen them from afar nang gusto kong ma check ang kalagayan ni Jennica. Aside from the reason na gusto ni Nick na mag disappear ako sa buhay nila, I don’t think I’ll still have a courage to face them. Walang may gusto nang nangyari. Pero isa ako sa mga dahilan kung bakit nangyari iyon. And maybe Nick’s right. Kung hindi ako dumating sa buhay nila ay hindi maaaksidente si Jennica. I’m just glad she’s okay and alive. “No, they’re not.” Mahinang sagot nya ulit. “I was just the asshole who hated you for no reason.” Pag amin nya. Napalunok ako. Nagtama ang mga mata namin. I saw regret in his eyes, pero para saan pa? Maya maya lang ay isa isang dumating ang mga inorder ni Nick. Hindi na ako nahiya at kumain. Gutom naman talaga ako at simula nang nagtrabaho ako sa Magnum ay ngayon pa lang ako makakapag heavy breakfast. “So.. okay lang ba sayo na pumunta tayo kay Jennica?” In the middle of our breakfast ay tsaka lang ulit nagsalita si Nick. “Where is she?” Imbes ay tanong ko. Pasta, pizza and bread. Madaming inorder si Nick at tingnan pa lang ang mga pagkain ay parang busog na ako. “She’s currently in Bulacan. She wanted to try growing vegetables and fruits in a small land mom and dad gave her.” Tumango tango ako. “Sure.”                                                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD