Like a big red rose that are made of paper,
There isn't any sweetness in your heart.
"Paper roses, paper roses. Hmmmmm," I hummed the song playing from my phone.
I ignored Hada's presence for a while, trying to appreciate the beauty of my favorite music. She is busy reading a story that tackles about science fiction. Sophie's world is the title if I am not mistaken.
I took a deep breathe and open my eyes. I can see some of the students walking with their friends or boyfriend. I saw Angela one of my close friend, half running as if she has something important to tell.
"Lana, have you heard?" she asked, almost panting.
My heart puckered at her excitement. Ano na naman kaya ang nasagap niyang tsimis? Alam na alam ko ang ganiyang ekspresyon niya sa tagal ko na siyang kakilala.
"Bakit? Anong meron?" Nilingon ko si Hada, wala pa rin siyang pakealam sa presensya ni Angela. Snobbed.
"Casus and Zica broke up! Goodness! That's what you have been waiting for, right?" she exclaimed, voice is full of excitement.
Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Hinintay? I did not! I have a crush on him but that does not mean I want them to split.
"Their problem not mine, Anj,” saad ko at saka ibinalik ang tingin sa soccer field.
Ngumuso siya sa akin bago sumagot.
"Crush mo siya, diba? Dapat masaya ka na wala na sila. That's every girls dream come true whenever they have a crush,” mahabang paliwanag niya; ang kamay ay kumukumpas pa.
Napailing ako at saka pinindot ang stop button ng music. Hindi ko na napatay matapos alisin ang earphone. Ibinalik ko ang dalawa sa bag at saka hinarap si Angela.
"Hindi ko iyon gusto, sira! Casus is indeed my crush and so? What if he has a girlfriend? That won’t stop me from desiring him but I never wish for him to break up with Zica. Paghanga lang naman ang nararamdaman ko walang kahit na ano. Crush lang,” pahayag ko at hinampas pa siya.
Bumuntong-hininga siya at nagdududang tumingin sa akin at pagkalipag ng ilang segundo ay nagkibit balikat siya bago tuluyang nilapag ang bag na kanina pa dala-dala. Nilingon niya si Hada at binati, tinanguan lamang siya nito. Bumaling siya sa akin at nagsimula uli sa kaniyang kwento.
"They broke up because some of Zica's friends told her that Casus’ having an affair,” salubong na salubong ang kilay niya habang kinukuwento iyon.
“Ang tanga rin, e. Hindi nga makalingon sa iba si Casus, magloko pa kaya?"
Pagpapatuloy niya pa. Dire-diretso ang bibig niya sa kakakuwento at akala mo ay siya ang dehado. Seryoso? Gusto niya rin ba si Casus? Narinig ko ang tikhim ni Hada, tanda na masyado na siyang naiingayan. Sandaling natahimik si Angela matapos makaramdam. Nakangiti ito ng pilit at saka nagpaalam na tila nahihiya pa.
“M-mauna na ako, hehe,” aniya at saka tumakbo palayo.
I looked at Hada and saw her rolling her eyes, seemed so pissed off. I smirked after that. She pouted and closed the book she is reading.
"Nakatagal ka sa maingay na iyon," sambit niya, may inis sa boses.
Humagikgik ako sa narinig. Nakakaaliw na makita siya na ganito. Makikita mo lamang siyang mainis kapag naiistorbo sa pagbabasa, miminsan pa dahil walang magtangka. Hada is a bit snob—a bit? Well... She's a type of person who will buried herself in a room full of books than having a talk with someone. She said book is better than human.
I remember her saying, "books are better because they give knowledge without being nosy. See? They don't judge."
"Are you happy?" she asked. Nagtaas ako ng kilay at napangisi.
"Why would I? The gossip about their break up won't make us together. Nag-break lang sila pero wala pa ring kami."
Tumayo ako at saka pinagpag ang damo mula sa aking palda. Kalauna'y gumaya na rin siya. Tumingin ako sa relo at nakitang limang minuto pa bago ang sunod na klase. Bumuntong-hininga ako at saka iginala ang mga mata. Nagbabalikan na ang iba mula sa labas.
"Tara na," aya niya.
Anim na oras lang ang pasok namin kapag araw ng martes. College life is better than highschool life if we will talk about schedules but not when it comes to lessons. Hindi katawan ko ang sumusuko, utak ko mismo.
Everyone says I am smart. Palaging top one noon sa Highschool. Ngayon, hindi ko alam kung totoo ba. Dean lister man ako pero halos patay-patay ang utak ko para lang maabot ang required grades.
Pagdating sa bahay, magpapahinga ng konti bago ay mag-aaral uli. Umiikot ang buhay ko sa pag-aaral. Hindi ako mahilig sa night-out o paglalagalag dahil wala naman akong makakasama. Malayo ang mga pinsan ko at ang best friend ko, hindi kailanman gugustuhin ang maingay na lugar.
"Baby ko, I cooked cookies for you. Your dad will come home early so we can have dinner outside, you want that?" I heard Mom's soothing voice behind.
"I'll eat later mom, I'll just rest for a minute,” malumanay kong sambit.
"Okay, baby. Don't forget that we'll have dinner outside."
Sunod-sunod ang buntong-hiningang pinakawalan ko. Hinilot ko ang sintindo bago kinatikot ang cellphone. I visit my f*******: account. Nangunguna ang group chat na sandamakmak ang mensahe. Nag-uusap na naman sila ng mga walang kabuluhan. Never akong lumapag doon. Why would I? Hindi ako makarelate!
I scroll through my feed, trying to find something interesting. Ilang minutong puro memes lang iyon hanggang sa napadpad ang isang tag post sa isa kong kaklase. It was a post referring to something that is broken.
Vina updated her status: What's bad? It is when you have more pride than trust.
Maraming nag-comment doon. Hundred likes na rin ang inabot. Vina must be Jaja's friend? Kasi halos sila rin ang nagsasagutan sa comment.
Janelle Mirena: hawak-hawak na niya, nagpadala pa sa tsismis!
Karla Mercado: Ang tanga ng ate mo, be! Kung ako si Casus, hindi ko na iyan tatanggapin kapag nakipagbalikan.
Jeralyn Biwar: Gaga! Nag-name drop ka!
Karla Mercado: So what?
Ilan pang nanghuhusgang mga comment ang nakalapag doon. I even saw Camille, Zica's best friend commented on it.
Camille Soledad: Ikaw na ang may alam ng buong pangyayari. Nailed it!
Some of Casus’s cousin mentioned him and Zica. Nakita ko rin na may ilang ni-like na comment si Casus.
Mga tao nga naman, kapag wala ng magawa sa buhay, buhay ng iba ang pagpi-piyestahan. As if may kita sila, ‘di ba?
Tamad kong dinampot ang aking bag saka dumiretso sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit bago bumaba para sa meryenda. Mom will surely get mad if I will not eat her cookies.
Tulad ng napag-usapan, sa labas kami kumain. I'm an only child of Liana and Reynaldo Cerillo. Kaisa-isang tagapagmana ng lahat ng negosyo at ari-arian. We have law firms and accounting firms. May ilang hotel din na kilala sa loob at labas ng bansa. That makes me powerful in the eyes of some people who knows my family.
Isa pa, kilala ang pamilya ni Daddy na matinik sa paghawak at pag-handle ng negosyo. It's my Grandfather's legacy. Dalawa silang anak kung hindi nga lang maagang namatay ang kuya ni Daddy dahil sa car accident noong twenty three years old pa lamang ito.
Dahil doon, kay daddy nauwi lahat. May pinsan man ako pero kay mommy lang and most of them aren't living here. Mom is from Chicago. Isang modelo na napadpad dito dahil sa isang runway, kalauna'y nakilala si daddy, nagpakasal at dito na namuhay.
Daddy is a half filipino, half german. Masyadong maingay ang pangalan niya dahil isa raw kami sa may pinakamalaking tax na binabayaran. Noong una, hindi ko naiintindihan pero kalaunan, luminaw iyon. Lahat yata ng kaganapan sa buhay namin gustong alamin ng mundo.
I'm actually thanking God that dad didn't join politics dahil baka matulad ako sa ibang kaklase ko na kahit sa pagpunta sa comfort room, may kasamang bodyguards. Kamusta naman iyon?
"How's your study, anak? Nahihirapan ka ba?" tanong ni Daddy.
"Medyo, Dad. Alam mo naman na wala akong hilig sa business, e." Tumawa ako matapos sabihin iyon. Nailing si Daddy habang nangingiti.
"I told you, take the course you want. Pinili mo pag-aralan ang business, e."
Napangiti ako.
"It's because I don't want to fail you someday. Baka mamaya kapag pinasa mo na sa akin ang pwesto mo, malugi tayo. Ayoko iyon! Hindi ako ready na maghirap," saad ko gamit ang maarteng boses.
Tumawa si Mommy sa narinig.
"Ikaw talaga. Nahawa ka na kay Hada sa pagiging segurista. Hindi mo naman kailangan maging magaling. Sapat na ang may-alam ka sa pagpapatakbo." Umiling ako matapos marinig iyon.
"I need to be sure, Mom. Dapat maipasa ko ang pwesto ko sa magiging anak ko someday. Hindi pwedeng nabawasan ang negosyo natin sa halip na madagdagan,” paliwanag ko.
Tumango sila na parang natutuwa sa aking sinabi. Ilang minuto kaming puro biruan at kamustahan.
"Lana, is it true that you're having a crush on a Montralde?" Biglaang tanong ni Mommy.
Sandali akong natigilan, inaanalisa kung saan nahugot ang katanungan na ibinato. Tumingin ako sa kanila saka dahan-dahang tumango.
"It's just a crush, Mom. Wala ng iba. The usual." Tipid kong sambit.
Tumaas ang kilay ni mommy, parang pinipilit akong magsabi ng totoo. Napangisi ako.
"Bakit masyadong kalat naman ang balita, anak?" tanong niya pa.
Nagkibit ako ng balikat.
"Maybe because I told them? I mean, dapat ba akong mahiya, Mom? They asked me, I answered them. I don't mean any harm."
Casus is my kind of guy. I mean, career-focused, a loyal boyfriend, mukhang masungit pero hindi. Hindi siya tulad ng ibang schoolmates na halos kinarir na ang pagiging mayaman. He's lowkey. Tahimik pero namamansin at hindi mapagyabang kahit pa isa siyang captain ng basketball team.
We are both studying in Asia Pacific. Sa pagkakaalam ko, noon sa Manila talaga siya nag-aaral, lumipat lamang dito habang ako ay dito na lumaki sa Balanga. Minsan, si Daddy at Mommy ay palagi rin sa Manila at naiiwan ako rito. Daddy said kapag tapos na ako ng college ay saka niya ako ililipat doon.
Like what I said, matunog ang pangalan ni Daddy pagdating sa larangan ng negosyo. Minsan ay may mga kaaway pa kaya todo protekta sila sa akin. Ako lang ang anak kaya ganoon. While Casus, isa ring anak ng kilalang negosyante, napiling manirahan dito dahil sa suggestion ni Daddy.
My father and Casus’s dad are partners in business. Iyon nga lang ay hindi kami magkakilala ni Casus. Hindi iyon mahilig sa party o kahit ano. Maybe bar? Siyempre, ganoon din si Zica and he's the boyfriend. Malamang na sinasamahan niya palagi iyon sa bar. Umikot ang mata ko sa naisip.
Break na sila! Well, hindi pa rin magiging kami. Actually I never asked for an 'us'. I'm fine looking at him from afar. Kahit minsan ay hindi ako nginitian noon, makasalubong man o magkita sa 'di sanasadyang lugar ay para akong hangin. Kahit pa alam kong alam niya na gusto ko siya.
It's fine actually. Mas maganda na crush lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi na pwedeng lumala. Casus is a one woman man. Wala siyang ibang nakikita kundi si Zica. Falling in love with him means breaking myself slowly that's why I'm not aiming for his attention. I also know that he ia not going to give me attention, so do I or so, I thought.
"Uhmm, hi?" Kabado ako habang nakatayo sa harap niya. Naririto ako sa likod ng eskwelahan dahil alam kong dito ko siya makikita.
Hindi siya kumibo at nanatiling nakasandal doon at nakapikit. Nilingon ko ang ilan kong kaklase at nakita silang nag-okay sign. Bumuntong hininga ako at umiling. Tinuro nila si Casus at ngumuso pa. Bumalik ang tingin ko sa harapan, nakasalubong ko ang mga mata niyang hindi mawari ang emosyon.
"Bakit?" malamig ang boses na tanong niya. Sa hindi ko malamang dahilan, nawala lahat ng lakas ng loob ko. I am actually confident of myself but now I'm not sure if I really am.
"Uh, I just w-want to give you s-something... uh," utal-utal ako habang nagsasalita.
Tumaas ang kilay niya at kumurba ng konti ang labi.
"What is it, Miss Cerillo?" he asked. Tila natutuwa ang boses pero malamig pa rin.
Nahihiya kong inabot ang hawak-hawak kong box ng dunot na binili kanina sa labas. Tumagal ang titig niya sa akin bago bumaba ang mata sa hawak ko. Nangunot ang noo niya pero tinanggap din iyon. Nilapag niya sa tabi niya at saka bumaling muli sa akin.
"A dare?" he asked. Napalunok ako saka dahan-dahang tumango. That si the truth and I am glad he knows that at kahit papaano ay nabawasan ang hiya na nararamdaman.
Sinulyapan niya ang mga kaklase ko sa ‘di kalayuan at saka binasa ang labi at tumingin sa akin.
"I dare you, too,” aniya.
Nangunot ang noo ko. Ano naman kaya iyon?
"What is it?" He simply smiled and tapped the space beside him. Nagtataka akong tumingin doon.
"Eat donuts with me."