EPISODE 13

2249 Words
CHAPTER 13 - SMALL THINGS, STRONG CONNECTIONS Samantha's POV* "Hintayin niyo na lang ako manong, saglit lang naman ako," sabi ko at bumaba ng kotse. Agad naman akong nagtungo sa loob ng bistro na pinuntahan namin ni Draico kagabi. "Good morning ma'am, welcome to Roy's Bistro! How can I help you?" tanong ng staff na nakangiti sa akin. "May nakita ba kayong brown folder dito? I think I left it here last night," sabi ko. Napaisip naman siya. "Which table maam?" "Table 9." "Sorry maam, wala po kaming nakitang brown folder sa table 9. We only found one sa table 16 pero binalikan na rin ng may-ari a few hours ago," paliwanag niya. I smiled. "Thank you miss." "You're welcome maam, we'll notify you if may mapansin po kami." "Here's my card, please call me if nakita niyo," sabi ko and gave her my card. She smiled at me once at tinalikuran ko na siya. Nakasimangot akong bumalik sa kotse. Busy kami ni Draico sa case kagabi. Bakit naman pag-iinteresan ang isang folder? Unless, sinadyang kunin iyon ng taong may kinalaman sa aksidenteng kinasasangkutan ko. Kinuha ko ang phone ko at kumunot ang noo ko when I saw Detective Joanna calling me. I saved her phone number sa contact list ko pero hindi sumagi sa isip ko na tatawag siya. "Hello Detective, how can I help you?" takang tanong ko. Imposible naman kasing tawagan niya ako ng walang dahilan. [This is a very bad news dear, sooobrang sama! Jusko!] "Is it about the case happened yesterday? Mali ba kami?" I asked. Kinakabahan ako kasi baka mali ang deductions namin and arrested the wrong suspect. Pero umamin naman ang culprit ah? [She is the suspect. Pero kanina pansin naming balisa siya, hindi siya mapakali. So I asked her if okay lang siya, then she answered na papatayin daw siya. She's sweating at nanginginig sa kaba. Then she confessed na hindi niya raw ginusto ang ginawa niya sa bestfriend niya. May nag-utos raw sa kanya.] "What?" [Then a few minutes later, hindi na siya nagsalita. We tried to interview her and sinabing she's safe dahil nasa mga police siya. But then we thought the place is secure, so we let our guards down. Pero biglang bumula ang bibig nito at natumba sa sahig. She died.] Nagulat ako sa nalaman ko. Naiyukom ko ang kamao ko. Why do I feel like may kinalaman ako or this case is related to me? Why do I feel like this isn't just a random case we encountered? "If that's the case, malaki ang posibilidad na kasamahan niyo lang ang may gawa niyan, t-tama?" I asked. Napabuntong-hininga siya. [Sad to say, but iyan rin ang hinala ko. Ayokong pagdudahan ang kahit isa sa kanila but I should consider that possibility.] [Gotta go iha, mag-ingat ka ha?] "Of course, Detective Joanna. Thanks for the information," pormal na sabi ko at ibinaba ang phone ko. I sighed heavily. Nakaramdam ako ng uhaw kaya pinahinto ko muna kay manong ang kotse nang makakita ako ng tindahan. Agad akong bumili ng tubig at uminom. "Keep the change po," I said and gave a one hundred-peso bill. Nginitian naman ako ng malawak ng tindera na animo'y nagpapasalamat. I was about to get inside the car nang kusang huminto ang mga paa ko when I heard a manly voice at nakaramdam ng presensiya mula sa iisang tao. Tumayo ang mga balahibo sa leeg ko and I felt like he's watching me. "Yes boss, malinis ang pagkagawa namin. She's dead of course," sabi niya na parang may kausap sa telepono. I couldn't dare to move a single part of my body. "Yes boss, papunta na ako diyan. Oh, the documents? I'll bring them with me," sagot niya. Doon na ako naglakas-loob na lumingon sa pinanggalingan ng boses pero wala na akong nakitang tao. The presence I felt was gone too. "Ma'am Sam, pasok na po kayo sa loob. Ano pa pong hinihintay niyo diyan?" "Y-Yeah," lutang na sagot ko kay manong driver. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at nanginginig ang mga kamay ko. Did I just overhear a conversation between a hit man and his boss? "Tungkol saan po yung documents na hinahanap niyo, Ma'am Sam?" tanong ni manong. "That was none of your business," malamig na sabi ko. "Pasensiya na maam," sabi niya. I sighed saka tinignan nalang ang view sa bintana. Di ko talaga maiwasang di magtaray. Kawawa naman si manong. *Help beat energy, energy gap, beat energy gap drink milo everyday~ "Oh?" I greeted kay Natasha na tumawag sa phone. [Akin na kasi ang phone ako ang kakausap--- Yah! You are so annoying! ---- Ako na kasi kakausap sa kan ----- Stay there Draico! A-Aray ano ba ----Hiii Sammy! Gwapo ang kausap mo---] "Tsk. Ibababa ko 'to pag di kayo tumino," naiinis na sabi ko. I just heard a dangerous conversation and they're not helping me to calm down. [Oh, I'm so sorry Sam, lecheng Draico feeling gwapo, oy! Rhyme 'yon ah!] "What do you want?" tanong ko. [Pumunta ka sa house namin, andito ang 3 idiots--este si Draico, Joules, and Math! Ginagawa rin natin to minsan in case you forgot kaya if ever nagrereklamo ka diyan, bilis! Time is running!]  "Naglalakad ang oras, tsk." sabi ko. [Ew! You are so corny Sama! Same old Sama, psh!]  "I'll be there in 5 minutes," sabi ko at ibinaba ang phone. "Manong, dumiretso ka nalang po sa subdivision," I said. Ipinikit ko ang mga mata ko at kusang tumulo ang luha ko. Hinayaan ko itong dumaloy sa pisngi ko at hindi na nag-abalang punasan ito. Yung feeling na magka-amnesia? It was like waking up from a dream and totally forget everything about it. Yung tipong sumasakit ang ulo ko sa kagustuhang malaman kung anong panaginip iyon. I can't stop crying, not necessarily because I'm sad--which I am--but it's more out of desperation and the feeling of entrapment. Nawalan ako ng kalayaan because I don't have the context that tells me whether something I want to do or say is appropriate or even true. And that context can't be duplicated without a lot of painful trial and error which I'm not ready to take on right now. Yung tipong may pinag-uusapan sila or nagto-throwback but you can't remember something so all you can do is listen. Yung di ka maka-relate and don't even know how to react kasi di mo alam kung tama ba o mali ang ire-react mo. Yung wala kang ibang magawa kundi umiyak kasi nalulungkot ang mga mahal mo sa buhay kasi di mo sila maalala. I know maaalala ko lahat soon, but di ko pa rin maiwasang di maguluhan. The look on my love ones' faces when I ask them who they are, it's painful to see. Ayokong nasasaktan sila but anong magagawa ko diba? "Ang lalim ng iniisip mo ma'am, ha?" pambabasag ni manong sa katahimikan. Iminulat ko ang mga mata ko and saw manong looking at me through the side mirror. "Just reminiscing the past," I answered, which is a wrong answer. How can I reminisce when I can't remember almost everything in the past? Ang gandang palusot Sam, tsk. "May naaalala na po ba kayo maam?" tanong niya. I looked at his face through the side mirror. Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagngiti niya. "A little bit," I answered. Di pa rin nawawala ang kakaibang ngiti na sumilay sa labi niya. I tried to ignore it dahil baka paranoid lang ako. "Alam niyo po ba, maam? Gustong-gusto ko ng bumalik ang mga alaala niyo," he said. It sounded sincere but the look on his face keeps on terrifying me. "S-Sino namang may ayaw diba? I also want my memories back," I said, trying not to sound nervous but heck! Can you please take off that smile on your face, manong? "Pero nakikita ko sa mga palabas maam, kung ano ang sanhi ng pagkawala ng mga memorya mo, siya rin ang makapagpaalala sa mga nakalimutan mo," sabi niya. Bigla akong kinabahan. "S-Stop talking please? I am not asking for your opinion," sabi ko pero mas lalo niya akong nginitian na nakapagpanindig ng balahibo ko. "Ganun po ba, maam? Sayang, may alam pa naman akong paraan para maalala niyo lahat," nakangising sabi niya. "Then keep that knowledge to yourself manong," pilit ang ngiti na sabi ko. "Pasensiya na iha, pero kailangan mong malaman lahat sa madaling panahon. At kapag dumating ang panahon na iyon, sagutin mo lahat ng katanungan ko. Kung bakit ganun ang nangyari sa kapatid ko," sabi niya. "W-What do you mea-" Iniliko niya ang sasakyan and napakapit ako sa seatbelt. I tried to open the car door and glad I successfully opened it. I jumped from the car as manong driver tried to hit the car on the tree. Tumama ako sa pile ng mga dahon, pero bago ako nawalan ng malay I heard a loud explosion and little voices in my head. ______________ Natasha's POV* "Hey! Give it back to me!" inis na sigaw ko kay Draico at mabilis na inagaw ang gummy worms na kinuha niya sa ref. I glared at him. "Bawal bang humingi, ha? Bawal na bang kumain ng mga uod ang mga gwapo, ha?" sabi niya. "Uod? Ew! Gwapo? Mas lalong ew!" I shouted. Ngumuso naman siya. "Kanina ka pa madamot ah? Di mo nga ako pinakausap kay Sam eh! Tsaka uod naman yang kinakain mo ah? Gummy worms nga pangalan eh! " parang batang pagmamaktol niya. I rolled my eyes. "You will meet her later naman eh! Stop overreacting nga!" inis na sabi ko at mabilis na nginuya ang gummy worms. Di baleng uod ito, atleast masarap! "HOOY!" sigaw ko nang kumuha siya ng isa pang garapon ng gummy worms sa ref. How dare him! That's my treasure! "Pinoy ako! Buo aking loob, may agimat ang dugo k--" "Urrgh! Damn you!" pigil ko sa kanta niya. Except from the fact na selfish ako when it comes to my gummy worms, sintonado siya! "Keep quiet guys, pag yang si Mathematics sumabog, R.I.P na lang sa inyong dalawa, ako bahala sa kabaong," natatawang sabi ni Joules Oppa sabay nguso kay Math na natutulog. "S-Shut up Joules! It's not funny! You want me to make a lapida of yours?" inis na sabi ko. Pero kahit naiinis ako, love ko yan hehehe. "Kunyare ka pang babae ka eh kinikilig ka naman," pang-aasar ni Draico. I glared at him. "Saan na ba kasi si Sama-chan? Ang tagal niya naman," sabi ko and dialed her number again. Matagal-tagal bago niya ito sagutin. "Hey Sama-chan you are so mabagal! I told you time is runni-" [Sorry maam, this is Nurse Chu speaking, the owner of this phone got into an accident--] "W-What?" [Sinugod po siya sa Go Hospital, naaksidente kasi ang sinasakyan niyang kots-] "We'll be there" sabi ko at ibinaba ang tawag. "For the second time, Nata-chan got into an accident!" sigaw ko dahilan para mapadilat ng mga mata si Math. "A-Ano? Sandali tatawagan ko lang sila Tita Gianna," natatarantang sabi ni Draico. Binatukan ko siya. "Are you nuts? Nasa kabilang bahay lang sila why don't you go there! Faster!" I said. Napakamot naman siya sa batok niya at dali-daling lumabas ng bahay. "Let's go," sabi ni Math at lumabas ng bahay. Sa ilang oras na pags-stay niya doon, 'yan lang ang nasabi niya. Pagdating namin sa hospital, agad naming hinanap ang room ni Sama-chan. When we got there, nakita namin siyang seryosong nakatingin sa kawalan. Parang may iniisip siyang malalim. May mga galos siya sa mukha at sa braso pero overall she looks fine. "Sama-chan, buti naman at okay ka lang huhuhu!" sabi ko at niyakap siya. She caressed my hair. "Wag kang OA Nata-chan, I'm fine. Tumalon ako mula sa kotse," she said. "Weh? For real? You must have mustered a lot of courage to do that! Ano ba kasing nangyari?" sabi ko. She smiled fakely. "A-Aksidenteng nabangga ang kotse sa isang kahoy, and I jumped from the car," sabi niya. I did not answer. "Akalain mong yung mga taong akala mo ay hindi masyadong connected sayo, konektado pala?" natatawang sabi niya. Kumunot naman ang noo ko but did not utter a single word. "For example, you thought it's just a simple driver ng jeep, pero kung wala sila at wala ka ring kotse, how would you reach your destination?" sabi niya. What is she thinking? I can't read her. "Everyone's asking me if I'm fine, pero wala man lang magtatanong sa inyo kung kumusta si manong driver?" she asked. Nagulat naman ako doon. Why does she keep on mentioning their driver?  "How is he?" seryosong tanong ni Math. "Nasa ICU siya, and please take me there, kaunting galos lang naman nakuha ko eh," Sama-chan said. "P-Pero-" "I can take care of myself, wala pa naman sila mom eh," sabi niya. Wala kaming choice kundi dalhin siya sa ICU. Inalalayan ko siya at dala naman ni Joules ang dextrose niya. Nakarating kami sa ICU. Pero hindi siya nakatingin sa kwarto, kundi nakatingin siya sa isang pamilyar na babaeng nakatalikod. Humihikbi ito habang nakaupo sa isang upuan sa harap ng ICU. "As expected, I will see you here, Zenny," sabi ni Samantha. Napatigil sa paghikbi ang babae. Zenny? The nerd? She is one of the close friends of Sama-chan, what is she doing here at bakit umiiyak siya? "S-Sam," sabi niya na nagulat pang makita kami sa harap niya. "Let's talk Zenny, I think I deserve an explanation." (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD