EPISODE 11

2701 Words
Samantha's POV* "Sam, are you sure you're okay?" tanong ni dad. Tumango ako. "I told you I'm fine dad, I just need to be alone and also, I can eat by myself. May isa pa akong kamay oh," I said at ipinakita sa kanya ang kamay na walang cast. He sighed. "Fine, just tell me when you need something." sabi ni dad at lumabas ng kwarto ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. May bruise ako sa left cheek, and a cast on my right arm. Na-injured ako because of the students na bumugbog sa akin. To think na marami-rami ang umaway sa akin, siguro marami ngang nagmamahal kay Rebecca. I was wondering what kind of potion she used to make students like her despite her attitude. Or maybe they like her because she's famous. Mom and dad wanted to file a case laban sa school pero pinigilan ko sila. Aside from the fact that the Davidsons are powerful, ayoko rin ng gulo. Well, maimpluwensiya naman si mom and dad and they also have more power than them but I don't want to put more dirt on our family's name. Good thing that Draico and Math came to save me. Joules and Natasha called the guards and notified them about the commotion. Mabilis naman silang rumesponde but still late dahil bugbog-sarado na ako. A football player got a chance to kick my arm while I'm on the ground. That's how I got this injury in my arm. Isa rin sa inaalala ko ngayon ay ang mga tao na nasa harap ng gate ng subdivision namin ngayon; reporters. The news about me being a killer is a big catch lalong lalo na't anak ako ng mga Go. Tinignan ko ang phone ko to check the time. It was 7 pm in the evening pero hindi pa rin nabawasan ang mga reporters na nasa labas ng subdivision. Kitang-kita ko pa rin mula sa labas ng bintana ang ginagawa nilang pag-setup sa mga camera nila. There are 21 messages and mostly ay galing kay Zenny. Walo galing kay Natasha at isang message galing kay Math and 3 messages from Joules. Hindi na ako nag-abalang buksan ang mga iyon dahil alam kong nangangamusta lang sila. I was about to put my phone at the table when it rang. Kumunot ang noo ko when it's an unknown number. Pumasok sa isip ko ay si Keith Hinahon. Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. I still couldn't forget about the threat pero paminsan-minsan ay nawawala sa isip ko iyon lalo na't marami-rami ang requirements namin ngayon. Buhay-estudyante nga naman. I refused to answer the call pero nag-ring na naman ang phone ko. I took a deep breath and clicked the answer key. Hindi ako nagsalita agad. [Hoy Samantha, si Draico to, the one and only gwapo!]   "O-Oh, hi, what's up?" I asked. I sighed in relief nang malamang si Draico lang pala iyon. [You seem uneasy. Okay ka lang ba?] "Of course, just a little bit tired," I answered and yawned. Totoo naman talagang pagod ako eh. [I just wanna ask you if you can come with me tonight.] "Marami kasing reporters sa labas. I can't get out--" [Wala na sila. Pinaalis ko na.]  "How?" I asked. Tinignan ko ang labas ng bintana ko and I'm amazed to see  na wala na talagang mga reporters. [Ociard] Ociard? Diba yan ang sikat na TV Station dito sa Pilipinas na pagmamay-ari ni Mr. Arthur Anderson? Not just an ordinary TV station, because the Anderson's also owned all the other TV stations and radio stations here in the Philippines. Ociard... O-C-I-A-R-D... Binaliktad ko ang OCIARD. I don't know if it's a coincidence or not pero DRAICO ang mafo-form na word kapag binaliktad. Don't tell me... "Anak ka ni Mr. Anderson?" gulat na tanong ko. Napatampal ako sa noo ko. Ngayon ko lang narealize na DRAICO ANDERSON pala ang full name ni Draico. Tanga ko talaga! [Yes, tara na nga! I'll be there in 15 minutes.] "Hindi pa ako pumaya--" [Magkita tayo sa Roy's Bistro. See you later!] "But wait lang mu--" *toot* Damn it! Di pa ako humingi ng permiso kay mom and dad! How do I ask them? Bumaba muna ako at pumunta sa sala and saw mom and dad watching a movie together. Mukhang naiiyak na nga si mom at si dad na parang wala lang. Tinignan naman ako ni mom. "Mom, ang ganda niyo po talaga kahit hindi ka nagsuklay," I complimented. Ganyan naman yan diba? Pag may kailangan you need to praise them first. "Dad, ang gwapo niyo po talaga kahit hindi pa kayo nag-toothbrush!" I said. Totoo naman eh, or maybe nag-toothbrush na pala siya. But still pogi kaya si dad! Sa kanila ako nagmana! "What do you want, Sam?" tanong ni mom. I sighed. Nahuli agad ako, tsk. "Can I go out tonight?" I said. "With Math? Sure! Kahit bukas na kayo bumalik pwedeng-pwede! Mag date kayo! Go! Late ka na!" mom said. Napa-facepalm ako. Parang pinagtatabuyan na ako ni mom eh. "With Draico mom," I said. I saw a hint of disappointment in mom's face. "Be back at 9, okay? Or pwede before 9." Mom said. Tumango ako. That was weird, kanina game na game si mom tapos ngayon- hayy never mind. I decided to wear a sleeveless white shirt na pinatungan ng denim jacket and ripped jeans. Nagsuot rin ako ng white leather shoes. "Bye mom and dad!" I said and went out of the house. Bitbit ko ang phone ko and a handkerchief. It's not my habit to bring a sling bag or a purse. For me, pabigat lang ang mga iyon. I decided not to disturb manong dahil nakita ko siyang natutulog sa garahe kanina at mukhang pagod na pagod. Naawa naman ako kaya pumara na lang ako ng taxi sa labas ng subdivision. Ilang minuto pa ang lumipas at luckily may taxi na huminto sa harap ko. Agad akong sumakay doon. "Dito lang ho," I said and gave him my fare. Agad akong bumaba ng taxi at agad nakita si Draico na nakaupo sa pinakagilid na mesa. Kitang-kita ko siya through the glass na kinakalikot niya ang phone niya. He's wearing a gray pants and a plain white shirt. "Ano sadya mo?" I asked immediately at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Pagkakita niya sa akin, ibinaba niya agad ang phone niya at nginitian ako ng sobrang lawak. "Gusto kong kumain eh, kaso wala akong kasabay," nakangiting sabi niya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano namang pake ko kung wala kang kasama?" I asked. Iyon lang ang sadya niya? "Ang harsh mo! Gusto kong samahan mo ako, ano nalang sabihin nila pag makakita ng gwapong mag-isang kumakain? Edi pagnasaan nila ako, diba?" sabi niya. I rolled my eyes in annoyance. "I already ate my dinner, besides, why me? You can ask Natasha or Joules or Math." sagot ko. He pouted. "Gabi na, iturn-off mo na yang English mode mo walang natutuwa," pang-aasar niya. I rolled my eyes. Kailangan bang may matuwa para mag-english ako? "Alam kong may iba kang rason kung bakit mo ako tinawagan, plus, alam kong kumain ka na," I said. Gawin pang excuse ang walang kasabay kumain pero kumain na naman siya. Tsk. "A-Anong kumain? Hindi pa ah!" sabi niya. Walang gana ko siyang tinignan. "May sauce pa ng spaghetti sa gilid ng labi mo, wag mo nga akong lokohin," walang ganang sabi ko. May gana pang magsinungaling eh halata naman sa kilos niya. Sana may time rin siyang linisin ang mukha niya, 'no? "Fine! May sasabihin ako sayo, but I don't think I have the right to say this," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko but did not say anything. "You got in a car accident, right?" sabi niya. Bigla naman akong kinabahan. "What about it?" kinakabahang tanong ko. "My mom is a police officer, so I got these files in my hands," sabi niya and slid a folder. Kinuha ko ito. "What are these files?" tanong ko. I don't think I have the guts to open this folder. "The car accident is not really an accident, but intentiona--" "Aaaaaah!" Nagulantang ang lahat nang may biglang sumigaw. Nagulat rin ako doon lalo na't nasa katabing table lang ang sumigaw. Napalingon kaming dalawa ni Draico sa table. I shivered in fear nang makita ang isang babae na natumba sa sahig. Her body is shaking at kalaunan ay huminto rin ito kasabay ng pagtigil ng malalalim na hininga niya. Kitang-kita ko pa kung gaano kapula ang mga mata nito at ang balat nito. Agad hinawakan ng kasamahan niyang babae ang pulso nito. "O-Oh my G-God! J-Jessa is dead!" sigaw ng babaeng humawak sa pulso ng biktima. The people inside the bistro gasped and some panicked. Agad namang rumesponde ang pulis at tinignan ang biktima. Kinordonan ng police ang labas ng bistro ng POLICE LINE DO NOT CROSS barricade tape. Pumasok ang mga police and a familiar policewoman also entered the bistro. Doon ko lang narealize na siya pala si Detective Joanna! "Oh, hi! Bakit palagi na lang may nangyayari sa mga lugar kung saan nagkikita tayo?" she said. I am glad that she still remembered me. "This is Draico, Detective Joanna. Ako naman si--" "Samantha Go. Am I right?" nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo ko. Paanong kilala niya ako? "So, anong nangyari?" baling niya sa mga kasamahan ng biktima. Apat silang nasa table including ang biktima. So there are 3 potential suspects, isang umiiiyak na babae at dalawang lalaki. "B-Bigla nalang siyang natumba. K-Kumakain lang naman kami dito eh!" sagot ng babae. Isa-isa silang nagpakilala tatlo. Ang babae ay si Julia Birhen, bestfriend at katrabaho ng biktima sa isang mall. Cashiers silang dalawa. Ang lalaking moreno at medyo mataba naman ay si Maxime Dimapayat, ang boyfriend ng biktima. Ang lalaking mapayat naman at chinito ay si Victor De Sotto, kaibigan ngunit may gusto rin ito kay Jessa Leono, ang biktima. I examined the table, isa-isa silang umorder ng broccoli and chicken noodle soup, and a glass of cold water. Nangangalahati na ang kay Julia, konti lang ang nakuha sa chicken soup ni Maxime, at parang hindi ginalaw ang soup ni Victor samantalang wala ng laman ang bowl ng biktima. Walang laman ang baso ni Julia, kalahati ang kay Maxime, at ubos ang kay Victor. Konti lang ang nakuha sa tubig ng biktima. Ang kanilang table ay square, kaharap ng biktima ang boyfriend nitong si Maxime, samantalang magkaharap naman si Victor at si Julia. "The victim is poisoned, tinutukoy pa kung anong lason ang ginamit ng kriminal," sabi ni Detective Joanna nang matapos itong tignan ang biktima. "W-What? P-Poisoned?" di-makapaniwalang tanong ni Julia. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawang lalaki. "Yes, may nakita ba kayong kakaiba sa biktima before she died?" tanong ni Draico. Miss Julia hesitated to answer dahil hindi naman kabilang si Draico sa kapulisan. "I-Ilang araw na rin siyang namumutla, pabalik-balik sa CR, napakaputla niya talaga pero pinilit niyang magpakatatag dahil minsan lang kami lumalabas na kaming apat. S-So para matakpan ang maputlang labi niya, kinapalan niya ang lipstick niya pati makeup niya. Pero nung dumating kami dito, pabalik-balik pa rin siya sa washroom. K-Kung alam ko lang na may s-sakit siya e-edi sana di ko na pinayagang sumama sa amin." Ilang araw na siyang ganyan? So it's either may sakit siya or matagal na siyang nilalason. "Sinong palaging kasama niya last 48 hours?" tanong ko. Sana mali ang hinala ko. "A-Ang boyfriend niyang si Maxime!" sagot niya and glared at Maxime. "P-Pero these past few days palaging umiiyak si Jessa, saying that he caught her boyfriend cheating!" "Hindi totoo yan," mahinahong sagot ni Maxime. "HAYOP KA! ALAM KO IKAW LUMASON SA KANYA DAHIL AYAW NIYANG MAKIPAGHIWALAY SAYO AT DI MO NA SIYA MAHAL!" sigaw ni Julia. Marahang umiling si Maxime. "She's wrong, I was with my half-sister that day. She saw us and did not let me explain. Kung may dapat sisihin, si Victor yun," Maxime said calmly and looked at Victor. "Alam ng lahat na gusto mo siya but she kept on turning you down dahil may boyfriend na siya. She must have hurt your ego kaya mo siya pinatay, right?" "Eh pvtang1na mo pala eh! Bakit mo ko sinisisi eh tayo namang lahat ang may motibong patayin siya? Aminin mo Julia, gusto mo si Maxime, diba?!" sabi ni Victor. Nanatiling tahimik si Julia at napayuko. "Look, the spoon on the bowl became dark. There must have been poison!" I shouted. Nakita ko kasi na inaangat ni Detective Joanna ang spoon, of course she's wearing gloves.  "There must be a s-sulfur dioxide!" sabi ni Julia pero walang pumansin sa kanya. So, ang poison ay nakalagay sa soup? At ilang araw ng may sakit ang biktima, at ngayon lang siya nilason? "S-Sa soup ang lason? B-Binudburan ni M-Maxime ang soup ng asin dahil walang lasa! SIGURO HINDI ASIN ANG NILAGAY MO NO?!" sigaw ni Julia at dinuro-duro pa si Maxime. "Asin ang nilagay ko diyan, and I'm not dumb enough to show all of you na nilagyan ko yan ng lason," mahinahong sabi ni Maxime. "Then show us the salt," sabi ni Detective Joanna. Itinuro naman ni Maxime ang asin na nasa mesa. "Examine it, and show to my face that I'm the culprit. If not, shame on you," nakangiting sabi ni Maxime kay Julia. Nagngitngit naman sa galit si Julia. "Sa tingin mo, sino ang pumatay?" Draico asked me, with a mischievous smile on his lips. "Don't know," nakatungong sabi ko. I have some clues on my mind pero parang di ako sigurado. "Watch me," bulong niya and smiled. Tumikhim muna siya saka tinignan isa-isa ang tatlo. "Sinong naglagay ng ice sa tubig?" tanong ni Draico. Dito kasi ang mga costumers ang maglalagay ng desired amount of ice sa inumin nila. "Julia!" sigaw ni Victor. Ngumiti si Draico. "Then no doubt that Miss Julia is the culprit," seryosong sabi ni Draico na nakapagpatigil sa lahat. Like wtf? Napaka-straightforward! "A-Anong ako? HUWAG KA NGANG MANGIALAM BATA KA DAHIL DI KA PARTE NG KAPULISAN! ANAK NG EPAL RIN TO EH!" galit na sigaw ni Julia. "Malalaman natin kung ano talaga after the tests na gagawin sa tubig and also sa soup pati na rin ang isasagawang autopsy sa biktima. For now, hear my side first," paliwanag ni Draico. Miss Julia glared at him. "The poison is on the ice, also known as ricin." sabi ni Draico. "Ricin poisoning is very rare, plus the fact na odorless and colorless ito kaya di agad nalaman ng biktima na nilalason na siya." "Then how about the fact na umitim ang kutsara na nasa bowl? Does that mean na may lason rin ang soup?" tanong ni Victor. "No, the presence of broccoli made it dark, because of its sulfurous content. Walang sulfur dioxide sa soup because other than the fact na naubos ng biktima ang soup na walang nangyari sa kanya, this chemical also have a suffocating odor kaya malalaman agad ng biktima ng presence nito," sagot ko na ngayon pa pumasok sa isip ko. "Hindi matibay ang hinala ko sa ricin on the ice, but nakita sa bag mo ang isang ice cooler that made my theory stronger. Tests will be done on the ice cooler and pray na sana di palpak ang ginawa mong krimen," sabi ni Draico. "Matagal mo nang nilalason ang biktima, through inhalation and skin contact. Nilagyan mo ng ricin ang lipstick and the baby powder of the victim, tama? That explains kung bakit pula ang mga mata niya and her skin," sabi ni Draico. Everyone gasped. "Vomiting, diarrhea, and severe dehydration, nausea, fever, cough, and tightness of the chest. That are the symptoms when a victim is exposed to ricin." sabi ko. Umiyak naman si Julia. "O-Oo, tama kayo, I-I killed her! Masyadong pabida eh! Akin lang si Maxime! Pero anong nangyari? Naging kanya! She did not know how jealous I am! Pvtangina!" Julia confessed. The police handcuffed her at dinala sa station nila. Ilang segundo ang lumipas at lumabas na kami ni Draico sa bistro and separated ways kasi ayokong magpahatid. Pagkauwi ko I told mom and dad about what happened. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD