EPISODE 10

2155 Words
Chapter 10- Confession Samantha's POV* Maaga akong gumising para hindi ako makita nila mom na umalis ng kwarto. Hindi na ako kumain at dumiretso na sa skwelahan. Hindi ako nagpahatid kay manong at naglakad nalang dahil it's still 6:00 a.m. That is the time I usually wake up. I enjoyed the fresh air. Since masyado pang maaga, wala pang mga sasakyan at usok sa daan. May mga nagjo-jogging and some are just roaming around. "Trying to escape, eh?" sabi ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki. That cold voice. I know who he is. I turned around and saw Math. He is also wearing his uniform. Messy ang buhok niya as always but he still look so good. His mesmerizing dark eyes gazed at me. "I-I feel like waking up early," I lied. Itinago ko ang mga kamay ko sa bulsa in case I'll tap my fingers unconsciously again. Damn me and my habit. "You tried not to tap your fingers but you are stammering. Nice try, Sam," he said. I sighed saka nagpatuloy sa paglalakad. I definitely want to be alone right now. "Stay away please," I said in a low voice. It was almost a whisper. Maybe hindi niya narinig. "You need someone to lean on," he said. Automatic akong napatigil sa paglalakad. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad. I know he pitied me. But who cares? Aanhin ko naman ang awa niya? I don't need anyone to pity me. Tama na, sobra-sobra na ang self pity ko and ayokong dagdagan ng iba. "You are not the killer," he said. Hinabol niya pala ako. "Ako na rin ang nagsabi Math, I am the killer," sabi ko. Naaalala ko ang ginawa kong pagtulak sa kanya. "You did not fully recover your memories yet, kaya wag mong ituloy ang binabalak mo." My eyes widen when he said that. I was about to ask him kung paano niya nalaman but he's also a deduction freak. Nabasa niya pala ang nasa isip ko. Yes, isa na rin sa rason kung bakit ako maagang umalis sa bahay is I planned to confess. I am the killer so I need to tell them the truth. Kasalanan ko kung bakit nawalan ng buhay si Rebecca, and I need to pay for the sin. I can make an excuse na hindi ko pa talaga naaalala ang lahat. Yes, that's true, but I clearly remembered the scene kung saan pinatay ko siya. Accidentally or not, she still died. Because of me. "I need to do this Math," I said. Natatakot ako sa gagawin kong pag-amin but I need to. All I need is courage and strength. "Wait a little bit, okay? Not now," he answered. I nodded. "Okay, fine." I said. There's no point in arguing with him dahil ayaw niya namang magpatalo. He also has a point. "Sabay na tayo," he said at hinawakan ang kamay ko. Di ko maiwasang di mapatingin sa kamay naming magkahawak. Hindi na lang ako umimik at hinayaan siyang kaladkarin ako. Medyo nawindang kasi ako sa paghawak niya sa kamay ko. He's so weird this morning. "Let go of my hand Math," sabi ko and looked away. "Bakit?" he asked innocently. Darn, tinatanong pa ba yan? "A-Ano nalang sasabihin ng ibang tao kapag makikita nila tayo na nag-HHWW? Iisipin nila na mag-dyowa tayo," I said. He chuckled. My eyes widen. He chuckled, right? Diba? My gosh, first time yata 'yon. Or maybe namamalik-mata lang ako or just exaggerating. Masyado na akong OA. "Who cares?" he said. Siguro namalikmata lang talaga ako kanina dahil balik na naman siya sa pagiging emotionless niya. "What's HHWW by the way? Is it some kind of a code?" he asked. Napahinto ako sa paglalakad at tumawa. Kung sa bagay, it's not really surprising to know na hindi niya alam ang mga bagay na yan. As far as I know wala rin siyang sss account, i********:, w*****d, or Twitter. If only I am a sociable person I would really find this guy boring. But no, especially because he has the looks and the brain. "HHWW means holding hands while walking," I answered. He rolled his eyes. "I thought it's something important," sabi niya. Di na lang ako sumagot at sinundan siya. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Parang wala lang 'yon kay Math pero ako dito'y naiilang na. Alam ko namang agaw-pansin ang kasama ko, pero naiilang pa rin ako. "Faster Sam," he said. Wala akong nagawa kundi sundan siya ngunit nauna pa rin siya ng konti. "I want you here beside me, magmumukha kang bodyguard kapag nasa likuran kita," he said. I rolled my eyes saka tumabi sa kanya. "I'm too beautiful to be your bodyguard," I answered. "Being a janitor suits you better," he answered. I rolled my eyes at tumahimik nalang. I don't wanna engage myself in a nonsense fight. Nang makarating kami sa tapat ng gate ng Davidson Academy bigla akong kinabahan. Napahigpit ang kapit ko sa strap ng backpack ko. Why do I feel like something's going to happen? I shook my head. Maybe I'm just exaggerating. I really am a certified overthinker. Titigilan ko na talagang magnakaw ng sachet ng milo. Feeling ko nababaliw ako dahil sa kakahithit nun eh. Damn. "Hahahaha!" kumunot ang noo ko nang biglang tumawa si Math. Ano bang nahithit nito at bigla-bigla siyang tumatawa? Gumagaya rin ba siya sa akin na humihithit ng milo? Oh s**t! Di ko yun na-record! Tumawa siya diba? This time alam kong di ako nagkakamali. Ang tanga mo talaga Sam! Sayang naman! Ang sexy pa naman niyang tumaw-- wait what? "Mukha kang takas sa mental Math. Sinapian ka ba?" tanong ko kay Math. He glared at me. "Stop describing yourself Sam, and to answer your question hindi ako sinapian because ghosts and lost souls don't exist in the first place," sagot niya. I rolled my eyes. "Bigla-bigla ka kasing tumatawa kinikilabutan tuloy ako," I said at niyakap ang sarili ko dahil nanindig ang mga balahibo ko. Kahit anong pilit kong itanggi ang nasa isip ko, the thought of him possessed by a ghost is the only possible reason kung bakit bigla siyang tumawa. Or maybe hindi ang totoong Math ang kasama ko? "You did not change Sam, you still love Milo," sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Imposible namang nabasa niya ang iniisip ko so maybe I said it aloud? Tanga mo talaga Sam. "We're wasting our time here. Let's go," sabi niya nang hindi ako magsalita. Nauna siyang maglakad pero nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko. "What's wrong?" Hindi ko siya sinagot, instead I looked at him straight in the eyes. Ilang minuto rin kaming nagtitigan. Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil parang ayaw niyang magpatalo sa staring contest namin. "M-Mauna ka na," I said. He hesitated for awhile at aangal na sana ngunit na-realize niya sigurong wala siyang magagawa so he left me. Tinignan ko nalang siyang naglakad-palayo. I need courage. I don't think I still have the guts to enter the place kung saan namayapa si Rebecca. I need someone to comfort me but I also want to be alone. Sobrang gulo ko talaga. Kasalanan 'to ng Milo eh. "You think I'll just leave like that? Tsk." Nagulat ako when Math came back at hinila ako papasok sa academy. Wala na akong nagawa dahil masyadong naalog ang utak ko sa maraming iniisip ko. __________ "Class dismissed." Agad nagligpit ng mga gamit ang mga kaklase ko and happily went outside to see their friends. May mga mag-dyowa pa na nagpaalam sa isa't isa and I find it disgusting. Di ko namalayang uwian na pala. Did I just space out again? "Tara sa cafeteria Sam, libre mo," nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Joules. Hinila niya ako as soon as I packed my things inside my backpack kaya hindi na ako nakaangal. "Hey! Ba't libre ko?" tanong ko kay Joules. He pouted and I find it really cute. Bakit ganun? I pouted in front of my mirror but I looked like a duck. The world is really unfair. "Hindi pa rin sinasauli ni dad ang credit card ko!" sumbong niya. Hindi na lang ako sumagot at pumila nalang. May savings naman ako eh kaya ililibre ko nalang siya. Madaming tao sa cafeteria at wala na ring vacant table. Nagsisiksikan pa ang iba malapit sa counter at ang haba ng pila. I don't care kasi naka-order na kami. But the question is saan kami uupo? "Joules! Sama! Over here!" rinig naming sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae. Nilingon namin ang pinanggalingan ng boses and found Nata waving her hand at us and smiled cheerfully. Agad kaming pumunta sa table na kinaroroonan niya at nakita kong kasama niya si Math na tahimik na kumakain. May isa ring lalaki na kasama nilang kumakain. Katabi siya ni Math. Medyo maputi siya at kulay brown ang buhok nito. I find it really amazing dahil nang tumingin siya sa amin I noticed na brown rin ang mata niya. I immediately saw recognition in his eyes the moment we looked at each other. Pamilyar rin siya sa akin. "Akala namin kakain na kaming nakatayo eh, or sa sahig kami kakain," nakasimangot na sabi ni Joules. Umupo siya sa harap ni Natasha at tumabi naman ako sa kanya. Kaharap ko ngayon si Math. Sa gilid ni Math ay ang lalaking brown ang buhok. "Huwag kang mag-alala Joules, pwede ka kumandong sa akin," sabi ng lalaking brown ang buhok at kumindat kay Joules. Wtf? "Stop that jerks, by the way, naaalala mo ba siya Sam?" Nata asked me. Once again, nagkatinginan kami ng lalaki. "Alam ko namang nakalimutan mo ang napakagwapong nilalang sa mundo eh, kaya magpapakilala ako. Ako nga pala si Draico Anderson. Your one and only gwapong chinito," sabi niya. I smiled. "I'm Sam--" "Naalala kita Sam 'no! Siyempre di madaling makalimot ang mga gwapo!" he said. Kulang na lang talaga lumipad ako dahil sa hangin na dala niya. "He is our friend, a conceited one," sabi ni Joules saka sumipsip ng juice niya. "Conceited? Hindi kaya! I'm just telling the truth!" angal ni Draico ngunit walang nakinig sa kanya. Poor organism, walang pumapansin. Daldal ng daldal si Natasha habang palakas ng palakas ang hangin na dala ni Draico. Sumasabat naman si Joules at nakikinig naman ako sa mga pinag-uusapan nila habang si Math naman ay tahimik lamang. Di ba napapanis laway niya? [Good afternoon students!] Agad nakuha ang atensyon ng lahat at nakinig sa live broadcast. Naging tahimik ang kanina'y maingay na cafeteria. Tumigil rin sa pagdaldal si Natasha. [Oh well, this is Sophie Davidson, the one and only.] [I have an interesting secret to tell you. Thanks to the one who sent me this anyway. Sana malinawan kayong lahat sa papakinggan niyong voice record.] Bigla akong nakaramdam ng kaba. I have a feeling na hindi maganda ang pakikinggan namin. Nakita siguro ni Joules ang di ko mapakaling mukha so he gave me a worried look. The next thing we heard made everyone look at me. "Are you sure you can help me?" "Tell us." "Natasha." "Dad, let me handle this." "My birthday is October 6, right?" "What about your birthday?" "I'll be 18 when my birthday comes, and when that day comes, send me to jail." "W-What do you mean?" "T-They are right mom. I-I killed Rebecca." "OMG, so she really is the killer?" "Omo, she's so nakakatakot talaga! I hate demons like her!" "Maybe inggit lang siya kay Rebecca kaya niya nagawa yun!" "Yeah, b***h!" Di ko na kaya at agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Masama ang tingin sa akin ng mga estudyante. I heard Natasha and Joules shouted my name but I chose to walk away. Bakit ganun? I should be happy dahil naka-confess ako just like I planned. Why do I feel the urge to fight my rights when in fact wala naman akong karapatan because I really killed Rebecca. They need to know ngunit parang masakit sa aking dibdib ang nangyaring iyon. I should be the one telling the truth, not Sophie Davidson. "Ayun siya! Hulihin natin!" Bigla akong nakaramdam ng takot when I saw a bunch of students running towards me. Napatakbo na lang rin ako dahil ayaw ko silang patulan. But unfortunately may nakaharang na bato sa daan kaya natisud ako. It's too late for me to escape them dahil nahabol na nila ako. One guy grabbed my shoulder and the other one held my jaw tightly. Binugbog nila ako. Wala akong magawa kundi magmakaawa at sumigaw. I cried and shouted for help pero mas lalo nila akong binugbog. In my peripheral view I saw a woman looking at me from afar. Dun na tuluyang nawasak ang mundo ko when I saw her smirking at me. May hawak siyang recorder which broke my heart even more. That means she is the one who sent the record. "S-Stephanie.." (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD