EPISODE 20

2382 Words
Chapter 20- The Forbidden Door Samantha's POV* "How many years akong magtatagal dito? Forever?" I asked my attorney. Umiling naman siya. "May magaganap na preliminary hearing. Then the court will decide if magkakaroon pa ng trial. That will be determined sa evidence na ipapakita ng prosecution." sagot ni Attorney. I smiled at him awkwardly kasi sa totoo lang, medyo di ko gets. Gets ko naman kahit papaano. Pero di masyado. Basta magulo. "Alam kong wala kang naiintindihan, the law is messy. But there's one thing you need to do. Trust me, hindi ko hahayaang makulong ka. My daughter won't allow that," sagot ni Tito. Hindi ako sumagot. "I have to go, Samantha. See you tomorrow," sabi niya. Tumango ako and watched Tito Dave as he walked away. Tito Dave is my lawyer. Bukas magaganap ang trial so meaning hindi sapat ang oras ko dito sa presinto. Kailangan kong makita kung sino siya or else mawawalan ng saysay ang pagkakulong ko dito. I just wasted my time kung ganun. My family and my friends visited me. Karamihan sa kanila ay nagtatampo sa ginawa ko. Even my mom na umiyak pa. Pero wala akong magagawa eh, andito na ako. Inihatid ako ng dalawang police sa isang selda. I expected to see a cell na maraming tao at siksikan, ngunit kumunot ang noo ko nang makitang tanging isang matandang babae lang ang nasa selda. Nakapikit ito habang naka-Indian seat and she was like having a ritual. Pinagmasdan ko naman ang ibang selda at kumunot ang noo ko nang makita kung gaano kasiksikan sila. "W-Wait, hindi ako dito nakadetain. M-Marami kami nun," I said pero hindi ako pinansin. Darn, ano naman bang plano nila? "C-Can I ask? B-Bakit dalawa lang kami rito?" I asked. I thought the police officer won't bother answering my question pero sumagot naman siya. "Delikado ang matandang iyan kaya kailangan siyang ihiwalay sa ibang preso, ang matandang yan may kinain na bata. Tapos may isa pang preso na muntik na niyang kainin, baliw yan," sagot niya. Bigla naman akong kinabahan dahil dun. "D-Dangerous? Then why am I here?" tanong ko. Are they nuts? Delikado naman pala ang matandang ito eh! Paano kung kainin ako? "Utos ni Ma'am Vestil," sagot ng police officer. Kumalma naman ako. Ipinasok na ako sa selda. Ilang beses pa akong nagdasal dahil maliban sa natatakot ako sa matandang babae, natatakot ako sa katotohanang siya ang taong hinahanap ko. Ang taong tutulong sa akin. I have a reason to be here. I have a reason why I should be in jail. I need to sacrifice to know the mystery. The mystery that kept me locked. *flashback* I was busy surfing the internet sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng boredom so I decided na lumabas ng kwarto. Naglibot-libot ako sa bahay and my feet took me in front of the door na bawal buksan. Mahigpit kaming binalaan ni dad that we shouldn't open the door. I got curious kung ano talaga ang nasa loob at kung bakit bawal kaming pumasok. Di ko napigilan ang sarili kong tignan kung ano ang nasa loob. Instead of answering my questions, mas nadagdagan ang mga tanong na pumasok sa isip ko. Bakit ganito ang laman ng kwartong ito? Bakit andito ang mga mukhang ito? Sino sila? The room was full of weapons and armors. I understood that part since I know how dad loved weapons. May mga collection siya ng espada na nakikita ko pa sa mga action movies. May mga baril pa and I don't know kung ano ang tawag sa kanila since I'm not fond of them. Napahinto ang mga paa ko sa isang corner na may mga papel at mukha na nakadikit sa wall. May tatlong pictures na nasa wall, each illustrated different pictures of individuals, dalawang babae at isang lalaki. Above them are two words na nakapagpakunot ng noo ko. Verzalias High. Is that a school? Or a name? Anong kinalaman niyan sa tatlong tao na nasa pictures? Most of all, anong kinalaman nila sa dad ko? May ekis ang mukha ng babaeng may pangalang Josephine Davis. May question mark naman sa lalaking nagngangalang Michael Hinahon. May nakalagay naman na PRISONED sa babaeng nagngangalang Kim P. Alberts. I shivered nang makita ang mukha ni Michael Hinahon. Para kasing kamukha niya si Keith. Then I realized na pareho pala sila ng apelyido. Or maybe may relasyon sila? Mag-tito? Mag-ama? Josephine Davis. Blanche Davis. Is that a coincidence? Pero hindi naman sila magkamukha eh, mas mapagkamalan ko pang may relasyon sila ni Tita Jahara. Kim Alberts. Renzo Alberts. Grey Alberts. Another coincidence again? I shook my head dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Then may narinig akong footsteps ng isang tao na paakyat sa hagdanan. I took pictures at agad akong lumabas ng silid and thankfully no one caught me. Then I met Detective Joanna the other day. I asked her if may kilala siyang babae na nagngangalang Kim Alberts. She answered me na wala so I decided to show her the photo na kinuha ko. Kumunot naman ang noo niya. "This is confidential but I know I can trust you. Don't tell this information to anyone. Understood?" tanong niya. Agad akong tumango. "That old woman? Nasa kulungan siya, and as far as I know nakulong siya dun for killing a girl. Why?" *End of flashback Ilang beses akong napalunok habang minamasdan ang matanda. The more I stare at her, napapatunayan kong siya nga ang nasa picture. "Anong kailangan mo at ganyan ka makatitig?" Nagulat ako dun. Nakapikit siya, how did she know I was looking at her? This woman is creeping me out. "S-Sorry po, lola," I answered and diverted my attention to the floor. I wonder kung ano ang nararamdaman ng sahig kapag tinatapak-tapakan siya ng mga tao. Maybe they would complain if they have mouths, or maybe sanay na silang tapak-tapakan. Ugh, what am I thinking? Ilang minuto rin akong nakatitig sa sahig and marami na ring bagay ang nasa isip ko. Iniisip ko pa nga kung may pagbabago ba kapag pinatay ang mga kurap dito sa Pinas. Then I realized na hindi pala, kasi their families would seek for revenge at sila ang papalit sa mga kurap. The cycle would repeat over and over again. So wala na ba tayong magagawa? Hahayaan nalang natin silang kunin ang pera natin at maliitin ang mga mahihirap? Magbingi-bingihan nalang tayo, ganun? "You looked like someone. Someone I loathed before," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko at tila nagbalik ang utak ko na kung ano-ano ang iniisip. Englishera pala si lola, and she sounded so formal. "A-Ah, hehe sino po yun lola?" I asked. I was trying to be polite here. "Parte ang lalaking iyon sa Trinities. Ang gang na yun ang sumira sa mga pangarap ko, tapat naman talaga sila sa akin eh, pero isang araw dumating ang babaeng nagturo sa kanilang maging masama," sabi ni lola. May diin ang bawat bigkas niya at halatang galit na galit siya. "A-Ah, kumalma lang kayo lola," sabi ko at hinagod ang kaniyang likuran. She glared at me so I smiled awkwardly at inalis ang kamay ko sa likuran niya. "Hindi ko matanggap na natalo ako ng mga bata, at mas di ko matanggap na pinagtulungan ako ng aking mga anak," mapait niyang sabi at lumuha. Di ko alam paano mag-comfort, what should I dooo? "Pero they gave me something, and that is freedom. Ginawa nila ang lahat para makawala sila sa hawla na ginawa ko, and they ruined my dreams. But that dreams gave me nightmares, and when they fought me, nakawala rin ako sa aking bitag," sabi niya. Wala akong masyadong maintindihan sa mga sinabi niya. "Nakawala nga ako sa sariling hawla, pero nakulong ulit ako dito. Pero hindi tulad noon, I find peace here. Narealize ko na dapat pagbayaran ko ang mga kasalanan ko, kailangan kong mabulok dito," sabi niya. Bigla akong naawa sa kaniya. "Pero kasabay ng pagwasak ng hawlang ginawa ko, nakawala rin ang isang demonyong tulad ko. At kung hindi siya nakontento, alam kong sa ngayon ay tinatapos niya kung ano ang nasimulan namin," sabi niya. "Sino siya, lola?" "Isang lalaking namuno rin sa paaralan ko, ang Verzalias High," sagot niya. Lumakas ang t***k ng puso ko. Tama nga ako, it was a school. "Verzalias High?" "Enough young lady, my turn to question you, sino ka?" tanong niya. Napalunok naman ako. "S-Sam, Samantha Go," I answered. She smiled at me. "Tama nga ako, magkaugnay nga kayo, kaya pala ang lakas ng loob mong pumasok dito, kasi nagmana ka sa kanila. Ang tapang mong bata," sabi niya. "A-Ah, may kasalanan naman talaga akong kailangang bayaran kaya ako andito lola eh, you sounded like I went here for a purpose," sagot ko. How can everyone fear her? She looked vulnerable, at naaawa ako sa kanya sa totoo lang. "Bakit, hindi ba?" tanong niya. Umiling naman ako. "Hindi nga po," I answered. Tumango naman siya. "Kaya pala kilala mo kung sino ako?" sabi niya. Nagulat naman ako pero hindi ako nagpahalata. "Ano ka ba naman, lola. Di kita kilala, di ka naman famous," biro ko. Hindi naman siya nag-react. "Wag kang maging kampante sa akin, kaya kitang patayin gamit ang kuko ko," she answered. She did not sounded serious or nagbibiro lang, she was like threatening me. Napalunok ako. "A-Ah, sabi ko nga lola eh," sabi ko. Pupunta na sana ako sa kama kaso naalala kong walang higaan dito. Tanging silya lang at isang comfort room. Humiga ako sa sahig at ginawa kong unan ang braso ko. This is what I understood from Lola, a.k.a Kim Alberts. She ruled Verzalias High and made a dream for herself na winasak ng gang, the Trinities. I assume na kasali dun ang dad ko, and ang tropa niya. They succeed in ruining Kim Albert's trapped and they had the freedom they want, pero may nakawalang demonyo. The X on Josephine Davis' picture would mean na wala na siya or she's out of the picture. So si Michael Hinahon ang demonyong tinutukoy ni Lola Kim? Anong kinalaman ni Keith Hinahon? Hindi naman siguro coincidence ang paglapit niya sa akin at pagpunta niya sa party diba? Of course not. With thoughts remained unanswered on my head, I fell asleep on the cold floor. _______________________ "Prosecutor, please state your point to the charge." "Yes, ma'am. The defendant Samantha Go was accused to kill Rebecca Lamberton. Namatay ang biktima dahil itinulak siya sa rooftop ng isang building na may limang palapag. Nangyari ang insidenteng ito noong ika-16 ng Abril sa taong 20**. Sinasabing magkaaway ang dalawa kaya napatay ng nasasakdal ang biktima. The defendant committed murder at nilabag ang Republic Act No. 7659 Section 3 Art. 123, and the defendant shall be prosecuted according to these" sabi ng prosecutor.  "Lawyer Cortez, do you admit to the charges?" tanong ng judge kay Tito. Napalunok naman ako ng ilang beses nang makitang tumayo si Tito.  "No, I plead not guilty to the entire charges, the accused claims innocence to all charges," sagot ni Tito. Nanatili akong nakayuko and tried to remain calm lalo pa't andito ang family ko, including my friends. "Umamin na nga ang babaeng nasasakdal eh," "Oo nga, bakit ganun?" Rinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao na nakikinig at nanonood. Hindi ko nalang sila pinansin dahil wala naman akong magagawa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Tito. _______________ "Accused Samantha Go, on the day Rebecca Lamberton died, met each other at  the rooftop kung saan naganap ang krimen. Pinaalis ng nasasakdal ang mga kaibigan ni Rebecca Lamberton para mag-usap sila. Itinulak ni Samantha Go ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan, at yan ay ayon sa statements ng mga kaibigan ni Rebecca at ang confession rin ng defendant," sabi ng prosecutor. Napayuko naman ako. Ano namang laban namin dito diba? "You are right about that, but you missed something, how about the dates?" sagot ni Tito. May ipinakita siya sa screen, and it is a calendar. "Naitulak ng nasasakdal ang biktima dahil nagalit ito sa ginawang pagsunog ng isang bagay na binigay sa kanya ng kaniyang kapatid nung kaarawan niya last February 18, 20**. Ibig sabihin nito naganap ang insidente noong February 19, 20**. Namatay ang biktima noong Abril 16, it won't make sense if you would say na itinulak siya that day and died 2 months after," sagot ni Tito. Tila nabuhayan ako ng loob. "But the defendant confessed and the witnesses also stated that," sabi ng prosecutor. Nakita ko kung paano ngumisi si Tito. "Sa tagal ng nangyari iyon, no one would remember kung kailan nangyari iyon. The defendant is under the condition of amnesia, so hindi rin niya alam kung kailan nangyari iyon. All she know is that nangyari iyon after the birthday celebration of her sister," sagot ni Tito.  "Walang CCTV sa rooftop kung saan naganap ang krimen, how did you know it was Samantha Go who pushed her?" tanong ni Tito. "Walang ibang kaalitan si Rebecca Lamberton kundi si Samantha Go. Silang dalawa ang naiwan sa rooftop kung saan niya itinulak si Rebecca, and as what you said, wala ngang CCTV, a perfect place for a crime, " sagot ng prosecutor. Ngumisi naman si Tito. "Walang nakitang fingerprints ni Samantha Go sa likuran ng biktima. If it was unintentional, malabong nakaready ng gloves ang defendant, tama? Kung intentional naman, as what I said before, bakit 2 months after the birthday party pa namatay ang biktima?" Tito said. "Isa pa, nasa labas ng rooftop naghihintay ang mga kaibigan ng biktima. Bakit niya naman intentionally na papatayin ang biktima kung may mga taong nag-aabang sa kanya? One word, it is unintentional," sabi ni Tito. "Your Honor, the lawyer is making hypothetical statements," may bahid ng inis ang tono ng prosecutor. "I'm just making a point that the victim did not died nung paghaharap nilang dalawa, I'm saying na namatay siya because of someone na itinulak rin siya sa rooftop 2 months after," sagot ni Tito. "Are you saying that the victim did not died because of Samantha Go?" tanong ng judge. "Yes Your Honor, and that is more like the truth than a hypothetical statements. The prosecutor also presented lack of evidences na magtuturo na si Samantha Go nga ang pumatay," And with that, nakalaya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD