Chapter 16 ❤️ Lasing na lasing si Brandy nang pumasok sa bahay. Mag aalas tres na ng madaling araw at kauuwi pa lang nya. Ni hindi alam ng daddy nya na nakapunta na sya sa kanyang Auntie. Ibinuhos na lang nya sa alak ang sama ng loob nya. Di na rin nya halos matandaan kung ilan ang nalaklak nya pero wala naman nagbago eh. Si Brandy Danielle pa rin siya na anak ng raypist na si Brando Daniel Ynarez na maraming itinatagong kahambugan. Walang kwentang buhay. "Bakit ngayon ka lang?" napaitlag sya sa boses na yun ng daddy niya na sumulpot mula sa may gilid ng mini office nito. Hindi nya ito pinansin. Baka kung ano pa ang mangyari ay mapasubo syang sumbatan ito. Masamang masama ang loob nya. Mismong sarili nya palang mommy ay gusto syang patayin? Dahil sa daddy nya. "Lumalala ka na Brandy