Chapter 15 ❤️ Napatakbo si Brandy palabas ng elevator. She can't stop her tears and can't stop herself from sobbing. "Ma’am..." napatigil siya sa pagkilos nang tawagin sya ng receptionist at may itinaas na susi. She looked at the woman with her tearful eyes. "What?" " Iniwan po ni Mamang pogi. Umalis po yata." anito. Mabilis syang lumapit at marahas na kinuha ang susi sa babae at saka siya pumihit ulit palabas ng building na yun. Lalong nadagdagan ang sama ng loob niya nang isipin na iniwan pa sya ni mahangin. Wala talaga syang aasahan sa lalaki na yun. Kung kailan naman kailangan niya ng kasama ay saka naman sya nilayasan. Pero may mas sasakit pa ba sa natuklasan niyang pagkatao niya? Inistart nya kaagad ang sasakyan at ni painitin ang makina ay hindi. Mabilis niya yung pinatakbo