WALANG balak na lumabas si Candice dahil alam niyang makikita lamang siya ng mga tauhan ni Frank. Ang masakit ay wala siyang gamit sa loob ng cottage ni ay Ivann maliban sa suot niya. Mabuti na lamang at dala niya ang kanyang cellphone kung kaya nagagamit niya iyon. May mga transaction kasi si Frank sa Pangasina kung kaya nag-stay ito sa resort. Ang alam niya ay limang araw itong mananatili ng Batangas kaya isinama siya. Si Frank ang kapalaran niya. Binayaran nito ang mga drugs na nakuha sa kanyang ama na umabot ng twenty million. Wala silang ganun kalaking pera kaya lahat ay inako ni Frank ang atraso ng kanyang ama at alam niya naman na siya ang kapalit sa lahat ng ginagawa nito. Taling-tali na siya sa lalaki. Sa ngayon ay pagbibigyan niya na muna ang kanyang sarili dahil alam niya kapag nagkita ulit sila ni Frank ay wala na siyang kawala pa.
"Gising ka na pala---come here, kumain tayo," yaya sa kanya ni Ivann na bagong dating. Nakangiti ito sa kanya. "Bumili na ako ng pagkain sa labas, umikot din ako kanina at may nakita akong damit na sa tingin ko naman ay magkakasya sayo," wika pa sa kanya ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit napakabait sa kanya ni Ivann kahit pa napakasungit niya rito. Gusto nitang isipin na baka may gusto na ito sa kanya pero ayaw niyang paasahin ang kanyang sarili. Isa pa ay marumi siyang babae at hinding-hindi nito gugustuhin na malaman na kabit siya ng isang business tycoon.
"Ivann, hindi ba masyadong nakakaistorbo na ako sa ginagawa mo? Pwede naman akong bumalik kay Frank. Hindi mo kailangan gawin ito," sagot niya pa sa lalaki kaya tiningnan siya nito.
"Masaya naman ako sa ginagawa ko Candice at masaya ka naman hindi ba?" tanong pa sa kanya ni Ivann na nilapitan na siya. "Gusto kong magkunwari ngayon na akin ka at walang Frank. Mahal mo ba talaga siya?" tanong pa ni Ivann sa kanya kung kaya natigilan siya. "Dahil kung mahal mo siya ay wala ka ngayon sa tabi ko."
"Kailangan ba talaga mahal mo ang isang tao para maging boyfriend mo?" sagot niya sa tanong ni Ivann. "Kung ano man ang mayroon sa amin ni Frank yun ay mutual----gusto naming dalawa. Isa pa, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Wala ako rito ngayon kung hindi dahil sa kanya. Lahat din ng meron kami ng pamilya ko ay dahil yun kay Frank. Mahal niya ako, Ivann."
"At tumatanaw ka lamang ng utang na loob sa kanya?"
"I'm just returning the favor."
"Kahit hindi mo mahal?"
"Madaling turuan ang puso na magmahal. Ang mahirap ay ang kumalam ang sikmura namin," ani niya pa. "Tulad nating dalawa Ivann, may nangyayari sa ating dalawa kahit wala naman tayong nararamdaman sa isa't isa. We are both happy for what we are doing, right?
Napapasaya natin ang isa't isa at nangyayari iyon na walang pagmamahal. Huwag na nating gawin komplikado ang lahat Ivann. Maging masaya na lang tayo kung ano ang mayroon tayo ngayon. Tama ka naman, we are both attracted to each other. Napapasaya mo ako at napapasaya rin kita pero magkaiba ang mga mundo natin," mahabang wika niya sa lalaki.
Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito pero pero hindi niya iyon pinansin. Kapag nagpatalo siya kay Ivann ay isang malaking gulo ang mangyayari, sigurado rin siya na hindi ito titigilan ni Frank.
"Nagugutom na ako," reklamo niya upang ibahin ang usapan. "Pwede bang kumain na tayo? Hindi ba dapat masaya lang tayong dalawa. Nakuha mo ng gusto mo at nandito na ako sa tabi mo-----yun nga lang hindi ako pwedeng lumabas dahil sa oras na lumabas ako at makita ko ng mga tauhan ni Frank ay tiyak na madadamay ka sa gulo," ani niya pa.
"Then, let's go out. Malayo rito."
"Saan naman tayo pupunta?" kunot ang noo niyang tanong.
"Ilang araw ba dito si Frank?"
"Five days."
"So, may three days pa tayo. Umalis tayo," yaya pa sa kanya ni Ivann. "After this--- let's face the reality. Pababayaan na kita," dagdag pa nito. Hindi mapigilan ni Candice ang malungkot dahil sa sinabi na iyon ng lalaki.
"Sure," sagot niya.
Napansin niyang natigilan si Ivann kaya tinanong niya ito kung bakit.
"Wala pala akong dalang sasakyan," wika sa kanya ni Ivann kung kaya pati siya ay natigilan.
"Anong gagawin natin?" tanong niya.
Paano sila aalis ng resort kung wala silang sasakyan? Sigurado siya na kapag lumabas siya ng cottage ay may makakakita sa kanilang dalawa.
"Dito ka lang at pupuntahan ko lang ang kapatid ko. Nasa kabilang cottage lang siya at hihiramin ko ang sasakyan niya," ani pa sa kanya ni Ivann kaya tumango na lamang siya. Hindi niya alam na may kasama pala itong kapatid at nasa kabila lamang. Hinintay niya lang na lumabas si Ivann at tinawagan niya si Frank.
"Wherr are you?" tanong sa kanya ni Frank kaagad. "I'm f*****g worried, Candice. I'm sorry kung nasaktan kita kagabi. Lasing lang ako," ani pa nito sa kanya.
"Please don't look for me. Mag-usap nalang tayo pag-uwi ko. Tapusin mo na muna ang trabaho mo," wika niya pa.
"No, nasaan ka ba at ipapasundo kita? Don't do this to me."
"Umuwi na ako Frank. Nakituloy na muna ako sa kaibigan ko. Saka na tayo mag-usap," sagot niyang pinatay ang tawag nito.
Hindi niya naitatago ang kanyang cellphone nang tawagan siya ng kanyang stepmother.
"Nasaan ka bang bata ka?" sermon nito sa kanya sa kabilang linya. "Tinawagan ako ni Frank at nilayasan mo raw siya."
"Tita, alam ko ang ginagawa ko at nag-usap na kami ni Frank. Ako na bahala. Mag-usap nalang tayo pagbalik ko okay?"
"Candice," ani ng kanyang stepmother na umiiyak kaya bigla naman siyang nag-alala.
"May problema po ba?"
"Si Nimfa, buntis," wika nito na humagulhol. Natigilan siya sa sinabi ng ina-inahan. Si Nimfa ay anak nito sa kanyang ama at kanyang kapatid. Fifteen years old lamang si Nimfa.
"Paanong nabuntis siya? Wala naman siyang boyfriend, hindi ba?" tanong niya pa.
"Ayaw niya magsalita. Kung hindi ko sinampal kanina dahil nagduduwal-duwal ay hindi aamin. Anong gagawin natin? Pwede ba kausapin mo ang kapatid mo at baka mapatay ko ito," ani pa ng Tita Carmen sa kabilang linya na patuloy sa pag-iyak. Napaiyak na lamang siya lalo na at napakabata pa ni Nimfa. Tiyak na masasaktan ang kanyang ama kapag nalaman ang ginawa ni Nimfa.
"Ako na po ang kakausap kay Nimfa pag-uwi ko," sagot niyang hindi rin alam ang gagawin.
Tanggap naman siya ni Tita Carmen at malapit din siya kay Nimfa. Wala lang choice si Tita Carmen kundi ang suportahan ang gusto ni Frank lalo na at wala naman itong magawa para may Papa. Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang kanyang ulo. Kung kailan naman na malaki ang problema nila ay saka pa dumagdag si Nimfa..