NAGSINDI si Frank ng sigarilyo. Kapwa nakahubad sila ni Vanessa sa kama dahil katatapos lamang nilang paligayahin ang isat-isa.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Vanessa sa kanya.
"Si Candice," deretso niyang sagot.
"Pati ba naman dito sa kama ay siya pa rin ang pag-uusapan natin?"
"I need your help," sagot niya.
"Help?"
"Gamitin mo ang connection mo Vanessa. May mga kilala kang matataas na tao sa media, reporter, PNP or what hindi ba? Gusto kong palayain ang ama ni Candice mula sa pagkakakulong. Pangako ko yun sa kanya," ani niya pa.
"Ibang klase ka rin ano? Of all people ako pa talaga na asawa mo ang hihingian mo ng tulong para sa kabit mo," sagot sa kanya ni Vanessa kaya umayos siya ng higa at pinatay ang kanyang sigarilyo.
"Alam mo naman na wala n akong pwedeng lapitang iba hindi ba? At alam ko rin na ikaw lang ang makakatulong sa akin. Pinangako mmko kasi ,yun kay Candice----na palalayain ko ang kanyang ama."
Tiningnan siya ni Vanessa.
"Parang gusto ko tuloy isipin na gusto mo na akong palitan. Hindi mo naman ako iiwan hindi ba para sa babaeng 'yon? tanong pa sa kanya ni Vanessa kung kaya hinaplos niya ang mukha nito upang hindi na mag-isip ang kung ano.
"Ikaw ang asawa ko Vanessa at wala na akong ibang asawa kundi ikaw lang at walang pwedeng pumalit sayo sa pagiging asawa ko, naiintindihan mo ba? Si Candice ay isa lang sa mga babae ko----
"Na minahal mo," putol ni Vanessa sa kanyang sinabi. "Mahal din kita Frank. Hindi ko na yata kayang mabuhay na wala ka," ani pa nito kaya napatitig siya sa babae.
"Totoo ba yan?" kunot noo niyang tanong.
"Oo naman, hindi naman ako magtitiis kung hindi kita mahal at kaya nga kita pinababayaan sa kahibangan mo sa Candice na yun dahil mahal kita."
"Kung ganun ay dapat naiintindihan mo ang nararamdaman ko kay Candice. Mahal din naman kita Vanessa pero hindi ko rin kayang mawala si Candice sa buhay ko. Ang gusto ko lang sana na maintindihan mo at tulungan mo ako sa mga plano ko. Kailanman ay hindi naman kita ipagpapalit sa kahit sinong babae. Trust me, okay?" ani niya pang ngumiti at siniil ito ng halik.
"Mangako ka muna na sa akin ka uuwi gabi-gabi?" tanong pa nito.
"Oo naman--- pero paano kapag may pinapagawa ang Papa mo sa akin?"
"Iba naman yun. Naiintindihan ko 'yun," sagot pa ni Vanessa sa kanya.
"Mangako ka rin sa akin," ani niya naman kay Vanessa. "Kung mahal ako ako ay hihiwalayan mo na si Gio, ako lang dapat ang mahalin ko."
"Matagal na kaming wala, Frank. Hindi mo lang alam."
"Good. Walang mawawala sa lalaki kung may babae man siya pero sayo meron. Isa pa dapat ako lang ang gumagalaw sayo at wala ng iba pa."
"Hindi ko alam na seloso ka pala," natatawa pang wika ni Vanessa.
"Ang akin ay akin lang."
"Ganyan ka rin ba kay Candice?" tanong pa ni Vanessa kaya natigilan siya.
"Sa oras na malaman kong may lalaki siya ay papatayin ko siya----silang dalawa."
"Ohhh! How sweet!" ngisi pa ni Vanessa na tumawa.
************
SUNOD-SUNOD ang pagdating ng mga gamit na binili ni Frank para sa kanilang bahay. Sa halip na makadama siya ng tuwa ay wala siyang pakialam sa mga tauhan ni Frank na hindi magkadaugaga sa pagdala ng mga furniture at appliances. Wala siyang excitement na makapa sa kanyang puso.
"Ma'am, saan po ba ito ilalagay?" tanong ng isa sa mga bodyguard niya.
"Bahala na kayo," sagot niya naman na hindi pinansin ang bodyguard niya.
Bumalik na lamang siya sa kwarto. Pakiramdam niya ay bilanggo na siya dahil hindi naman siya makalabas ng bahay dahil yun ang bilin ni Frank sa mga tauhan nito. Hindi siya kabit kundi isang bilanggo ng lalaki pero kailangan niyang magtiis. Ito na ang kanyang buhay. Ang kanyang impyernong bahay.
Napaupo siya sa kanyang kama at napatitig sa kanyang cellphone. Binuksan niya ang gallery ng kanyang cellphone. Hindi alam ni Ivann na kinunan niya ito ng picture habang natutulog ito. Ewan niya ba kung bakit gustong-gusto niya na tinititigan ang lalaki kahit na hindi niya naman ito gaanong kakilala. Isa pa wala silang pagmamahal sa isat-isa. Kung meron man ay s****l attraction lamang. Aaminin niyang may pagnanasa rin siya sa lalaki kung kaya hindi niya maiwasan na hindi tugunon ang mga yakap at halik nito. Hindi niya nga maintindihan ang sarili kung bakit hindi pareho ang nararamdaman niya kay Frank. Hindi niya magawang mahalin o hangaan ang lalaki kahit malaki ang pagkakagustso sa kanya. Pinili niya pa ngang ibigay sa lalaking hindi niya naman kilala ang kanyang sarili kaysa sa Frank at naiintindihan niya ang galit ni Frank sa kanya. Sinadya niya talaga ang lahat para magalit ito sa kanya at iwan na siya.
Napatitig siya sa mukha ni Ivann. Kahit na mahimbing itong natutulog ay hindi maikakaila na napakagwapo pa rin ng lalaki.
"Kumusta ka na?" tanong niya sa larawan ni Ivann. "Siguro ibang babae na ang pinagkakaabalahan mo ngayon ano? Sabagay sa gwapo at galing mo sa kama ay hindi na ako magtataka kung maraming babae ang magkakandarapa sayo," pagkakausap niya sa picture ng lalaki. Hindi niya mapigilang hindi malungkot dahil sa sinabi. Nalungkot siya dahil kinalimutan na rin siya ni Ivann---pero masisisi niya ba naman ito kung siya ang pilit na nagtataboy sa lalaki?
"s**t! Ang gulo mo, Candice!" wika niya pa sa sarili. "Kalimutan mo na siya kung ayaw mo na lalo lamang magkagulo," sermon niya pa sa sarili.
Natigil siya sa pagsasalita nang may narinig siyang mga yabag. Mabilis na itinago niya ang kanyang cellphone.
"May kausap ka?" tanong sa kanya ni Frank.
"Ha? Wala," sagot niya kaagad. Tiningnan siya ng mabuti ni Frank na tila ba may pagdududa sa kanyang ginagawa.
"Why don't you go down at tingnan kung saan ilalagay ang mga pinamili ko?" tanong pa nito.
"Sige, masakit lang kasi ang ulo ko," pagdadahilan niya pa. Nilapitan siya ni Frank at hinawakan sa kamay. Marahas nitong pinisil ang kanyang kamay kaya napangiwi siya.
"Ayoko na pinapahiya ako, Candice. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Wala naman akong ginagawa," tanggi niya.
"Lahat binibigay ko sayo kaya umayos ka," babala pa nito sa kanya. "Halikan mo ako," utos pa nito kaya napatingin siya sa mukha ni Frank. "What?" tanong pa sa kanya ng lalaki.
Wala siyang nagawa kundi ang abutin ang pisngi nito at kinantilan ng halik kaya napakunot ang noo ni Frank.
"Kiss me on the lips. I’m not your father," wika pa ni Frank sa kanya kaya pikit mata niyang sinunod ito. Dampi lang ang halik na ginawa niya pero bigla siyang hinalikan ng madiin ng lalaki at kulang na lang ay kagatin nito ang kanyang dila. Naitulak niya si Frank.
"Ano ba!" galit na niya ng tutol.
"Anong ano ba? This is normal, Candice lalo na at may relasyon tayong dalawa."
"Alam ko pero hindi kailangan na ganituhin mo ang pagtrato mo sa akin. I'm not nobody, Frank. Pinapabayaan na lang kita sa ginagawa mo dahil sa utang na loob ko sayo pero hindi kailangan na maging ganito. Hindi mo ako pinulot para gawin mong parausan," sagot niya ng hindi makapigil.
Dahil sa kanyang pagtutol ay biglang nagbago ang mukha ni Frank. Kung kanina ay demonyo ito ngayon ay anghel na ang kanyang kaharap.
"Pinaparamdam mo kasi sa akin na para kang nandidiri."
"Hindi ako nandidiri, Frank. Nahihirapan lang akong mag-adjust. Hindi ako sanay na ganito tayong dalawa," ani niya pa.
"Pero bakit ibinigay mo sa iba ang iniingatan mo?" tanong na naman nito sa kanya.
"It was a mistake at matagal na 'yun. I was drunk kung kaya nakalimot ako. Alam mong wala akong naging boyfriend hindi ba? Pinagsamantalahan niya ang pagiging lasing ko. Magsisi man ako ay huli na," pagsisinungaling niya kay Frank. "Hindi ko ginusto ang nakaraan na yun. To be honest gusto kitang pag-aralan mahalin kahit na hindi ko alam kung paano at nasaaktan ako dahil alam ko na kaya ka ganyan dahil hindi ikaw ang nakauna sa akin."
Ginagap ni Frank ang kanyang dalawang kamay.
"Hindi ko alam, Candice. I'm sorry. Oo, wala akong naging balita na may naging nobyo ka kaya nga ako nabigla nang malaman ko na hindi ka na virgin."
"Wala ka pa no'n sa buhay ko Frank. High school days 'yun," pagtagpi-tagpi niya ng wika.
"Gusto mong gumanti?" tanong pa sa kanya ni Frank.
"Ha?" tanong niyang nabigla. "Papatayin mo?"
"Kung gusto mo," ani pa ni Frank sa kanya kaya natakot siya.
"Nasa ibang bansa na siya. Nag migrate na sila pagkagraduate namin ng collage pero 'wag kang mag-aalala dahil may karma naman. Ang alam ko ay iniwan siya ng kanyang asawa at mga anak," pagtagpi-tagpi niya ng storya.
"Digital nga ang karma sa kanya," sagot ni Frank na naniwala na nang tuluyan sa kanya. "I'm sorry kung hindi kita pinaniwalaan. Simula sa araw na ito ay hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan mo Candice at wala akong mamahalin kundi ang mahalin ka, okay? Hindi mo na kailangan pang matakot."
"Hindi mo na ako sasaktan?" tanong niya pa sa lalaki at nagpaawa ng mukha.
"I won't," nakangiting sagot pa ni Frank sa kanya. "Gusto kong dumating ang araw na mahalin mo rin ako."
Ngumiti siya.
"Pag-aaralan ko, Frank," sagot niyang gustong kilabutan sa sinasabi. "Paano ko mamahalin ang taong kamag-anak ni Satanas?" sa loob-loob niya. Alam niya kasi lahat ng illegal na gawain ng lalaki.