02

1137 Words
Chapter 02 3rd Person's POV "Hoy, Janice. Iyong kwarto mo isasara mo," bilin ni Renzo kay Janice nang papasok na sila sa kani-kanilang kwarto. "Opo tatay!" sigaw ni Janice bago binelatan si Renzo at tumakbo papasok sa kwarto nang samaan siya ng tingin ng lalaki. "Mga dude, kumpleto na gamit niyo?" tanong ni Harris na nasa loob ng kwarto habang nasa kama nito ang sariling mga bagahe. Sa iisang kwarto may tatlong single bed doon. Magkakasama sila sa iisang silid para hindi na maakupahan pa ang ilang kwarto at maobliga ang dalawanh matanda na linsin iyon para sa kanila kapag darating sila. "Hindi talaga nakakasawa mga luto ni lola. Quinn, payag kang maging kapatid ako? Papampon ako kay lola at habang buhay na lang ako dito," ani ni Renzo matapos isara ang pinto at lumapit sa sariling kama. Dumapa ang binata at tiningnan si Quinn. "Ano naman gagawin mo dito matulog at kumain. Dagdag palamunin ka lang," basag ni Quinn habang binababa isa-isa ang laman ng bagahe sa kama. "Ouch! Nakakasakit ka na ah, para kang hindi kaibigan," ani ni Renzo habang hawak ang dibdib dahilan para batuhin siya ni Harris nang tsinelas. "Ayusin mo na mga gamit mo gago." Quinn Arandia's POV "Lolo, bakit ayaw niyo magpagamot? Pwede ako humanap ng magagaling na doctor. Kailangan niyo gumaling," ani ko kay lolo na kasalukuyang nakaratay sa kama. "Apo, konting pahinga lang ito. Magiging ayos din ako," ani ni Lolo matapos magsunod-sunod ng ubo. Maya-maya pinalabas na kami ng private nurse ni lolo para makapagpahinga si lolo. Hindi ko maiwasan na mag-alala lalo na at nakikita ko ang malaking pagbabago sa katawan ni lolo. "Dude, magiging ayos din si lolo. Malakas pa sa kalabaw si lolo kaya alam ko makaka-recover din siya," ani ni Harris matapos ako tapikin sa balikat. Bumuga ako ng hangin. "Sana nga kasi hindi ko pa natutupad ang pangarap nila para sa akin. Hindi pa ako nakakatapos. Ilang taon na lang makaka-graduate na ako." "Quinn," ani ni Harris bago ako iikot paharap sa kaniya. "Makaka-recover si lolo. Makikita pa niya ang mga future apo niya sa iyo. Huwag kang panghinaan ng loob," ani ni Harris. Napangiti ako at tumango— mas mukha kasi siyang affected kaysa akin. Naglalakad kami sa hallway— patungo na sana kami sa living room nang makita namin si Gian. Hawak nito ang telepono at mukhang may kausap. "Mukhang hindi na tatagal ang matanda eh— sana maisulat niya na ang last will para makaalis na kami dito," ani ni Gian na kinayukom ng kamao ko. "Anong sabi mo Gian!" sigaw ko bago tumakbo at hinablot ang kwelyo ni Gian. "Hayop ka! Last will! Buhay pa si lolo! Hinihintay niyo na si lolo! Ano kayong klaseng pamilya!" bulyaw ko. Mukhang nagulat siya sa pagsulpot ko kaya agad niya ako naitulak. Dahil likas na mas malaki ang katawan niya sa akin natumba ako sa sahig. "Huwag kang mangialam. Iyon din naman ang habol mo kaya ka nandito diba?" maangas na sambit ni Gian bago binaba ang telepono. "Pare-pareho lang tayo na ang habol ay ang ipamamana ni lolo," dagdag ni Gian na kinayukom ko ng kamao. "Huwag na huwag mo ako igagaya sa inyo!" sigaw ko bago malakas na sinuntok si Gian. Papalag ito nang pumagitna si Harris at malakas na tinulak si Gian palayo. Kumpara kay Gian mas malaki ang bulto ni Harris black belter din ito at dahil mukhang alam iyon ni Gian hindi ito tumangkang lumapit sa akin at pinagbantaan lang ako. "Hindi pa tayo tapos. Magbabayad ka sa ginawa mo," ani ni Gian matapos pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya at dali-daling umalis. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Harris. Hindi ako sumagot— tinapik ko lang ang balikat ni Harris at umalis na doon. "Iwan niyo muna ako. Kailangan ko magpalamig," bulong ko. Mukhang naintindihan iyon ni Harris kaya hindi niya na ako sinundan palabas ng mansyon. Alam ko masama ang ugali ng mga kamag-anak ko pero hindi ko ini-expect na darating sa puntong makikita ko na parang natutuwa pa sila na naghihirap ngayon si lolo. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na na nakarating ako muli sa lawa. Katulad ng dati ay tahimik pa din ito pero nakakapagtakang medyo marami akong nakikitang mga sisne. "Bagong alaga kaya ito nina lolo," bulong ko. Umupo ako sa lupa— sumandal sa malaking bato na nasa gilid ng lawa at pinanood ang mga sisne. Hindi ko alam kung imagination ko lang pero lumingon ang mga ito sa direksyon ko. Nababaliw na yata ako— niyakap ko ang tuhod ko at humilig doon. "Quinn, nandiyan ka pala." Napatingin ako matapos may marinig akong boses. Nakita ko si manong Ruben na may dalang mga dayami. Isa ito sa mga trabahador ng hacienda na pagmamay-ari din ng pamilya namin. Mukhang katatapos lang din magpagkain nito ng kabayo. "Kailan ka pa dumating?" tanong ni Manong na kinangiti ko. "Kahapon lang po," sagot ko bago tiningnan ang mga sisne na nasa lawa. "Nandito pala ulit ang mga sisne," ani ni manong. "Manong mga bagong alaga ba iyan nina lolo?" tanong ko ko habang nakatingin sa mg sisne na mukhang mga naliligo. "Hindi eh. Basta isang araw bigla na lang sumulpot ang mgs sisne na iyan dito— ganitong araw at buwan pumupunta ang mga iyan dito para kumain," sagot ni Manong. Pinako ko ang tingin sa mga sisne hanggang sa mapatingin ako sa sisne na nasa gitna nang anim na sisne. Nakatigin ito sa direksyon ko at kakaiba ang kulay ng mga mata nito. Mas malaki din ito kumpara sa iba at iba ang tindig. "Manong iba iyong mata ng sisne," ani ko bago ituro iyong malaking sisne. Pagtingin ni manong hindi na nakatingin ang sisne at nakatalikod na ito sa direksyon nito. "Anong kakaiba?" tanong ni manong Ruben. "Kulay green iyong mata ng sisne, manong ang ganda," ani ko bago tumayo. Naglakad ako palapit sa tubig at ginalaw-galaw ang tubig para agawin ang pansin ng mga sisne. Mukhang nangaasar iyong malaking sisne dahil tumitingin lang ito kapag hindi na nakatingin si Manong Ruben. "Naku iho, bumalik ka na sa resthouse niyo. Baka hinahanap ka na ng lola mo." "Pero manong Ruben, kulay green talaga iyong mata ng sisne. Nakita ko," ani ko bago ituro iyong mga sisne. "Wala sa mga sisne na iyan ang green ang mata. Isa ako sa laging nagpapakain sa kanila dito at wala akong nakitang sisne na green ang mata," sagot ni Manong Runen na parang nagtataka sa kinikilos ko. What the heck imagination ko lang ba iyon? Pero tatlong beses ko nakita iyong green na mata ng sisne. Napasapo ako sa noo sa idea na mukhang pagod lang ako kaya ganito. "Babalik na po muna ako sa resthouse. Mukhang matindi ang stressed at pagod ko ngayon— kung ano-ano nakikita at napapansin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD