Chapter 03
3rd Person's POV
Sa ilalim ng bilog na buwan. Isa sa mga sisne ang lumapit sa gilid ng lawa— naglabas ang sisne ng puting liwanag at sa isang iglap nag-anyo itong gwapong binata.
Mahabang puting buhok, perpektong katawan at mukha at dalawang pares ng berdeng mata. Nilingon nito ang napakalaking buwan bago tiningnan ang anim na sisne na nasa lawa na isa-isang yumuko.
Isa-isa din ang mga itong nag-anyong tao ngunit nanatili ang mga ito sa tubig.
"Mahal na prinsipe. Hindi niyo ito kailangan gawin. Masyadong delikado ang nais niyo mangyari," ani ng isa sa mga sisne na puno ang pag-aalala sa mukha.
"Pero kung hindi ako babalik sa lupa at maghihintay lang dito— hindi natin maibabalik ang moonlight fragment."
"Hindi na ako makakabalik sa kaharian," sagot ng lalaki. Hindi nagbago ang expression ng mga kasamahan pero wala sa mga ito ang umapili.
"Kung gayon ay hayaan mong samahan ka namin mahal na prinsipe," ani ng isa sa mga lalaking sisne na nandoon sa lawa.
"Hindi ako papayag. Katulad ng sinabi niyo masyadong delikado— siguradong paparusahan din kayo ng hari once na tinangka niyo din tumapak sa lupa," sagot ng lalaki.
"Pero mahal na prinsi—"
"Kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi niyo kailangan mag-alala," putol ng binata bago tumalikod at nagsimulang maglakad. Sa bawat hakbang ng lalaki nag-iiba ang anyo nito.
Naging maiksi ang mahaba nitong buhok at nag-iba ang kulay ng mga mata.
Quinn Arandia's POV
Hawak ang camera napagpasyahan ko pumunta sa palayan na pagmamay-ari ng pamilya namin. Binati ang mga trabahador doon na ilang buwan ko din mga hindi nakita.
"Sir Quinn! Buti napadalaw ulit kayo.''
"Nay Lianna, sabi sa iyo Quinn na lang po ang itawag niyo sa akin. Kamusta na po kayo?" ani ko bago magmano sa matanda.
"Kyaah! Ang ganda talaga ng view dito sayang walang signal dito maganda sana ipost ito sa i********:!"
"Manang selfie tayo!"
"Janice, madulas ang daan— dahan-dahan ka," saway ko kay Janice na todo pa-picture sa mga trabahadora nina lola.
"Hanggang ngayon ba may sakit pa din si Sir?" tanong ng matanda na kinatingin ko. Bumuga ako ng hangin at tiningnan ang camera na hawak ko.
"Mas lumalala ang kondisyon ni lolo. Ayaw niya naman magpadala sa hospital."
"Balita ko nga uuwi diyan ang mga kamag-anakan niyo," hindi ako nagsalita matapos pumasok sa isip ko si Gian at ang mga binitawan nitong salita.
Alam ko gagaling si lolo. Hahaba pa ang buhay niya. Gagaling si lolo.
Matapos ang breaktime ng mga mga trabahador sa sakahan apagpasyahan namin magbabarkada ma mag-ikot ikot pa sa iba't ibang parte ng hacienda. Kumuha ng magagandang litrato at makipagkwentuhan sa iba pang trabahador.
Nang mapagod ako hinayaan ko na si Harris na pumunta sa kuwadra ng mga kabayo. Nabalitaan kasi nila na isa sa mga kabayo ang nasa kuwadra ang manganganak kaya agad sumugod ang tatlo doon para manood.
At dahil hindi naman ako interesado— apat na beses ko na din naman iyon nakita napagpasyahan ko na mag-ikot sa farm at umupo sa lilim ng puno na nasa likod na parte ng kamalig.
Hawak ang camera tiningnan ko isa-isa ang mga litratong nakuha ko. Hanggang sa mapindot ko anv mga old photos ng camera ko.
Bumungad sa akin ang litrato ng walang hiya kong ex. Palihim ako naggitgit matapos makita iyon. Naiinis na binura ko iyon at sumandal sa puno.
Hanggang sa namalayan ko na lang na umiiyak na ako. Akala ko okay na pero hindi pa pala— ang sakit pa din sa side ko. Ilang years na kami ni Terrance— lahat naman ginawa at binigay ko paano niya pa ako nagawang lokohin?
"Umiiyak ka na naman ba?"
Napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Harris na nakatayo sa harap ko at inabutan ako ng tubig.
"Peste kasi ang camera na ito eh. Bigla na lang pinakita ang litrato ng putanginang Terrance na iyon," naiiyak na bulong ko bago kinuha ang inaabot na tubig ni Harris.
"Dude, marami pang lalaki," ani ni Harris bago umupo sa tabi ko.
"Harris, alam ko naman iyon eh— ang sakit pa din kasi— 6 years, Harris. 6 years ako naniwala sa mga ka-talkshitan niya and worst pinagpalit niya ako sa tinuring ko pang bestfriend."
"Tapos malalaman ko kaya lang niya ako ginawang boyfriend ay dahil mayaman ako? Seriously?" puno ng hinanakit na sambit ko.
It's been a two months at sobrang sakit pa din. Iyong tipo na parang wala lang sa kaniya ang break up namin na dalawa tapos ako halos araw-araw umiiyak dahil sa kaniya.
"Bwisit siya," bulong ko bago naiinis na nilaklak ang tubig na nasa plastic bottle.
"Kailangan ko kumalma. Wala akong oras para isipin pa ang mga kawalang hiyaan niya. Kailangan ako ni lolo ngayon— kalusugan ni lolo ang mahalaga ngayon," ani ko bago tingnan si Harris na nakatitig pala sa akin kanina pa.
"Anong tinitingin-tingin mo? Gwapo pa din ako kahit umiiyak," asar na sambit ko. Natawa lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Hindi mo deserve umiyak at masaktan para sa ganoon na tao. You'll deserve better— try mo na mag-move on okay?" ani ni Harris na kinabuga ko ng hangin bago bahagyang inayos ang buhok ko na nagulo.
"Tama ka at pagsisihan ni Terrance na sinaktan niya ako. Hahanap ako ng mas gwapo, mas matangkad at mas mayaman!
"Iyong mga kabayo!"
Napatingin kami sa direksyon kung nasaan ang mga kuwadra matapos magkagulo ang mga trabahador.
3rd Person's POV
Halos lahat ng babae sa farm ay napapatingin sa lalaking kasalukuyang tinuturo ang malalaking sako at basket na naglalaman ng mga prutas.
"Iho, sigurado ka na na magtatrabaho ka dito?" tanong ng matandang si Ruben matapos makita ang napakagwapong binata na balewalang binuhat ang dalawang sako ng mangga.
Isa kasi itong dayo. Isang araw bigla na lang itong kumatok sa bahay niya at humihingi ng pagkain. Agad naman niya itong tinulungan at sinabing isang dayo lang siya doon.
Nangako naman ito na magtatrabaho at kapalit ng pagtira sa bahay nila ay tutulong ito sa pagtatrabaho.
"Huwag po kayong mag-alala. Madali lang naman ito sa akin at mag experience ako sa pagbubuhat ng mga bagay-bagay," sagot ng binata na kinangiwi ng matanda.
"Iho, kung pupunta ka siyudad siguradong mas maraming trabaho ang naghihintay sa iyo."
Sa paningin kasi ng matanda papasa itong modelo at artista. Nanghihinayang ito sa mukha ng lalaki lalo na kung masisira lang ang kutis nito dahil sa pagbabad sa araw o sa pagbubuhat.
"Ayos lang po ako dito tay Ruben," sagot ng binata habang buhat ang dalawang sako kasunod ang matandamg si Ruben.
"Basta iho, kapag nagbago isip mo sabihin mo lang sa akin. May kakilala akong tao sa siyudad pwede kita irekomenda doon para makahanap ka ng mas magandang trabaho," ani ng matanda habang inaaya ang lalaki patungo sa direksyon kung nasaan ang kamalig.
"Mang Ruben! Kailangan namin ng tulong!" Napatingin ang ang matandang si Ruben nang tumatakbong lumapit ang isa sa mga kaibigan ng amo.
"Nakawala 'yong mga kabayo sa kuwadra kailangan ng tulong ng mga kaibigan ko!" nagpa-panic na sambit ni Janice sa matanda.
Quinn Arandia's POV
Napatakbo kami ni Harris sa direksyon ng kuwadra matapos maalalang nandoon sina Janice at Renzo.
"Renzo!" sigaw ko matapos makitang nasa loob ng bakod si Renzo at makitang nagkakagulo ang mga kabayo. .
Hindi ito mapigilan ng mga trabahador. Pinigilan kami ng ilang workers matapos namin tangkain lumapit.
"Bitawan niyo ako! Nasa loob ang kaibigan ko!" asik ko matapos makitang nakaupo si Renzo sa lupa at hindi magawang makatayo.
"Sir Quinn masyadong delikado sa loob."
"Renzo!" sigaw ko nang makita na may nakawala pa ang ibang kabayo at patungo iyon sa direksyon ni Renzo.
Nang makita ko iyon nag-panic an ako tumalon ako papasok sa bakod at tumakbo patungo sa direksyon ni Renzo.
"Renzo!" sigaw ko. Napaingit si Renzo matapos ko siya alalayan para umalis doon.
"Quinn!" sigaw ni Renzo. Bigla niya akong tinulak matapos may kabayong bigla na lang sumugod papunta sa direksyon namin.
Hindi agad ako nakatayo at nagulat ako matapos may dalawang kabayo na papunta sa direksyon ko.
Hindi ako nakagalaw ngunit bago pa ito makalapit sa akin. May taong bigla akong binangga na naging dahilan para gumulong kami palayo sa dadaanan ng mga kabayo.
Pagmulat ko ng mata. Nanlaki ang mata ko matapos may makita akong lalaki. Nasa ibabaw ko ito ngayon at matamang nakatitig sa mga mata ko.
Nawala lang ang atensyon ko dito matapos ito biglang tumayo. Hinawakan nito ang tali ng isa sa mga kabayo na dadaan sa side namim at sumampa doon.
Pilit akong umupo— napanganga na lang ako matapos mapigilan iyon ng lalaki nang bigla na lsng nito hilahin ang tali.
"Sakay," ani ng lalaki bago inabot ang kamay sa akin.
"Wala na tayong oras. Masyadonv delikado dito."
Mabilis kong inabot ang kamay ko at nagulat na lang ako nv hilahin niya ako habang nasa itaas siya ng kabayo. As in hinila ako na para lang akong malambot na tela.
Hinawakan niya ako sa bewang na kinagulat ko at pinuwesto niya ako sa unahan.
Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat nang bigla na lang nito patakbuhin ang kabayo.
"Renzo!" sigaw ko.
"Dito ka lang," ani ng lalaki. Hininto ng lalaki ang kabayo at tumalon pababa. Tinulungan nito si Renzo at pinasakay sa kabayo.
Nang makasakay si Renzo sa kabayo may dumaan na tatlong kabayo ag isa doon hinila ulit ng lalaki at sinakyan.
"Claude!" rinig kong sigaw ni mang Ruben sa ilabas ng bakod.
"Quinn" sigaw nina Harris. Pinaikot ko ang kabayo pero bago ko iyon palakarin patungo sa bakod. Nilingon ko ulit ang lalaki.
Nagtama ang mata naming dalawa pero agad nito pinatakbo ang kabayo papunta sa direksyon ng mga workers ng farm na pinipigilan ang ilan pang kabayo na nagwawala.
Pinatakbo ko ang kabayo palapit sa bakod. Agad naman kami dinaluhan nina mang Ruben. Dumating na din ang iba pang workers at tumulong para pakalmahin ang mga kabayo.
"Oh my god! Ayos lang ba kayo!" naiiyak na sambit ni Janice matapos kami yakapin at si Renzo na hindi makapagsalita dahil sa bali nito sa paa.
"Paano nangyaring nakawala lahat ng kabayo?" naiinis na sambit ko dahil sa idea na imposibleng makawala lahat ng kabayo at nagkataon na nagwala lahat ng ito.
Tumingin ako sa direksyon kung nasaan ang kuwadra at doon may nakita akong lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero at papalabas ito mula doon.
"Quinn! Saan ka pupunta!'