NASA SALAS NA si Karen nang makababa ako ng hagdan. Hawak niya ang cellphone at tumitipa ng mensahe. She looked worried kaya naman tinanong ko kung may nangyari. Kanina kasi ay masama ang pakiramdam ng anak nito kaya nagpaiwan si Alfred. “Hey, sorry to cut our meeting short. I really need to go. Mataas ang lagnat ni Krisha kaya pinapauwi na ako ni Alfred.” Mukhang taranta pa rin siya. Ganoon siguro ang ina kapag may sakit ang anak. “Sige, i-reschedule na lang natin sa opisina ang meeting. Sorry about the mishap with the juice.” Napangiwi ako sa kapilyahan ni Astrid. Tumawa naman si Karen. “Naku, selos lang ’yon. Alam niyang ex mo ako, e. I remember Astrid when she was little. Palagi siyang nakaabang sa ’yo sa gate ng Concordia. Ikaw naman kasi, puwede namang ikaw ang maghanda ng mery