LAST NIGHT WAS not perfect but it was something that I would never forget. Nagkatawanan na lang kami ni Astrid nang marinig ang dryer. She kissed the tip of my nose at saka bumaba sa mesa at tinungo ang mga natuyong damit. Dinala ko sa kaniya ang basket na walang laman at nang mailagay niya roon lahat ay kusa niyang kinuha ang mga boxers na nilabhan ko at napiga na kanina. Hinintay ko ang sunod niyang hakbang at pinindot na ang air dry. Kaunti na lang at puwede nang mag-asawa si Astrid. ’Yong pagluluto na lang ang kailangang remedyuhan. May kusa na siya at masinop na rin. Hindi na nag-uutos. Kinaya na niyang kumain ng mga street foods, mag-tricycle at pumila sa sakayan ng jeep. Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina at tinuturuan ni Hazel. I didn’t go in the kitchen at pinanood lang siy