Chapter 2

873 Words
CONCORDIA UNIVERSITY WAS the top performing school in the country. I could have chosen to study abroad but the people closest to me were here kaya bakit pa ako lalayo? Not to mention the convenience of my own home... and having servants. Ang mga tao rito campus ay halo. May mayayaman at may mga estudyanteng nakapasok din dahil sa scholarship. Numero unong supporter ng scholars ang aking ama. “Earth to Astrid!” sabi ni Carmina sa akin. Ang kaniyangina ay may ibang pamilya na sa Amerika habang ang ama naman nito ay iba ang kasamang babae araw-araw sa mga peryodiko at telebisyon. Buti na lang at intact ang family ko.  “May sinasabi ka ba?” Umikot ang mga mata nito. “Kinukuwento ko kasi sa ’yo si Pierce tapos tulala ka lang.” Si Pierce ang palaging bukambibig niya simula nang pumasok kami rito sa Concordia. Hindi naman siya nitopinapansin. Hindi ko lang masabi sa kaniya na minsan na itong nag-aya ng date sa akin at pinakatanggihan ko. Ayaw kong mag-away kami dahil sa dami ng kaibigan ko, si Carmina at Jelay ang pinakamalapit sa akin. Kinder pa lamang kami ay magkakaibigan na at kapitbahay ko rin sila sa exclusive village — ang Elm Hurst. Sa laki ng lupa at bahay, halos kalahating kilometro ang layo ng mga bahay sa isa’t isa.  “Iniisip siguro niyan si Jethro kaya tulaley!” sabi ni Jelay na kay aga-aga pa ay kumakain na ng mangga. Ako ang nangasim sa kaniya.  “Jena Laurentia, ano’ng pinagsasabi mo r’yan, e, lovelife ni Carmina ang pinag-uusapan natin?” Kasing-asim ng manggang hilaw na kinakain niya ang mukha ko ngayon.  Kung paano niya nahulaan na si Jethro ang laman ng isip ko ay hindi ko alam. Hindi iisang beses kaming nag-abang sa kumag dito mismo sa unibersidad. At sa bawat beses na ’yon ay uuwi akong lukot ang mukha at ilang beses sa isip ko nang binuhusan ng ketchup ang babaeng kasama niya... si Karen.  “Si Jethro lang naman ang may powers na magpatulala sa ’yo nang ganiyan. ’Yong kulang na lang panawan ka ng ulirat?”natatawang sabi niya at nakipag-fist bump pa kay Carmina. Napangiwi ako. “Kumain ka na nga lang d’yan. Bakit ba kay aga-aga ay palaging manggang hilaw ang kinakain mo? Puwede namang yogurt na may mangga — ’yong hinog.”  “O? Bakit ’yong mangga ko ang pinupuntirya mo ngayon? Si Jethro ang topic. Nasaan na kaya siya?” Sumagot si Carmina. “Si Jethro? Naku! Baka may asawa na ’yon ngayon at labindalawa na ang anak nila ni Karen. Kung kasingguwapo ba naman niya ang maging asawa, malamang na walang gabing hindi —” “Stop... Stop,” awat ko sa kaniya.  Para kasing hindi ako makahinga sa bawat salita niya. Ang marinig na nag-asawa na siya. May anak na. Tapos si Karen pa ang nakatuluyan niya... kung totoong may first love never dies ay malamang patama sa akin ’yon. For years, I tried to forget him. Palagi lang akong nabibigo kahit ni anino niya sa personal man o social media ay hindi ko makita.  “Ayy, hurt si Ateng!” tukso ni Jelay sa akin. Nakita ko naman sa gilid ng aking mata na pinandilatan ito ni Carmina. “Hindi, ah! Let’s just talk about something else,” sabi ko sakanila para maiwasan ang lalaking nagdulot sa akin ng maraming gabi na walang tulog. Nag-resume ang klase namin at ang kalahating araw ay natuon sa ginagawa naming thesis. Pagsapit ng alas-singko ay dumating ang sundo ko at kahit nag-aaya ang mga kaibigan kong kumain sa labas ay tumanggi ako. Pinili kong umuwi dahil mas gusto ko ang lutong-bahay. Kailan kaya ako makakaranas ipagluto ni Mommy? Kahit mag-bake ng cookies ay hindi pa namin nagagawa. Husto lang ako sa kain pero ni minsan, hindi ako nakapanood ng pagluluto ng kusinera sa bahay. Ang oras lang na nagagawi ako sa kusina ay kapag kakain kasi napakalungkot kumain sa mahabang mesa na ’yon.  Araw-araw ako humihiling na sana kahit isang beses isang buwan ay mabuo kaming tatlo at kumain ng sabay. Pero hindi, kung may pagkakataon man na may makasabay akong kumain doon ay si Daddy lang at palagi pang nagmamadali kaya kape lang ang laman ng sikmura. As for my mother, she didn’t eat breakfast at kung hindi siya kasama ni Daddy ay mataas na ang araw kapag nagising ito. Sa weekdays ay nasa school ako pero kahit weekend at lunch na ang pagsasaluhan namin ay mas gusto pa niyang kahalubilo ang mga amiga niya.  So you see, hindi ako masisisi ng mga tao kung lahat aygusto kong ipagawa sa iba. Sa ganoong pagkakataon lang kasi ako palaging may kasama sa bahay. Kung hindi ko gagawin ’yon ay lampas-lampasan lang nila ako na parang hangin...katulad ng mga magulang ko.  Sa kabila ng mga sentimyento ko sa buhay, may isa pa palang dagok ang naghihintay. Tumunog ang cellphone ko at nang sagutin ko ’yon ay ang boses ng Chief of Police ang narinig ko.  “We are deeply sorry to inform you that your parents went missing. Lumubog ang cruise ship na sinasakyan nila near the Bermuda triangle. We will give you an update as soon as we have one.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD