Chapter 11 Surprise “AH!” mariing napapikit si Chaos nang nagsimulang magsagutan ang magkasintahan magkatawag ngayon sa Raffy Tulfo in Action na kasalukuyang pinapalabas sa malaking TV dito sa lobby kung saan naghihintay ang mga pasyente sa mga results ng lab tests nila. “Sabi ko na nga ba may iba ring lalaki ang babaeng iyan!” turo-turo pa nito sa screen habang may hawak na ice pop. “You see that, Adara? You shouldn’t date anyone you think is good when you grow up,” mahinang siniko naman ni Chaos si Adara na nasa kanyang tabi habang nagbabasa ng libro. “Kung ano-ano na naman tinuturo mo kay Adara,” saway naman ni Greed sa kanilang dalawa na galing pa sa receptionist para tignan ang scheduled appointment niya ngayong araw.