Chapter 2:

1659 Words
"No. Okay lang ako," agad na iwas sa katrabaho. Nakitang hindi pa ito naniniwala ngunit desidido siyang iwasan ito nang maya-maya ay may nagsalita sa likuran nila. "Aheeemmm! Excuse me," tinig ng isang lalaki. Paglingon niya ay nakitang naroroon si Mr. Johnson. Ang lalaking kanina ay naglalaro sa isipan. "Yes, Sir?" agad na tanong rito. "Do you need something else?" agad na tanong bilang isang normal na customer ng supermarket. Nakatitig lang ito ng masama sa katrabahong si Jack. Hindi alam kung bakit ganoon ito makatingin sa kasamahan kaya mabilis niyang nilapitan ito. "Hi, Mr. Johnson. Anong ginagawa mo rito?" ang inis ngunit pabulong na wika niya saka nagpatiunang maglakad. "Nothing, just wanna see you. So I asked my confidant to find out where you work. Anyways, I'm looking for a baking powder," anito. Tumingin siya ng matalim sa lalaki. Naisip kung ano naman ang gagawin sa baking powder. Sa dami ng idadahilan nito ay baking powder pa. "What?" anito na tila walang pakialam sa nakikitang reaksyon niya. "I'm at work, Mr. Johnson, can you please stay away. I told you, hindi ko gagawin ang gusto mo!" aniya sabay hablot sa shelve ang baking powder saka inabot iyon sa lalaki at muling naglakad. Muli siyang hinabol nito. "Okay, fine. I'm not here to offer you—" "Then what?" inis na inis nang wika. Inis man ngunit 'di tuluyang maisigaw dahil nasa trabaho siya. Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho lalo na at siya lamang ang kumikita sa kanilang pamilya. Idagdag pa ang napipintong pagkawala ng bahay kung hindi mababayaran ang bangko. "Just to be friend of you," ngiti pang wika nito. "Sorry pero no space for a new friend. Marami na ako noon!" aniya saka muling umalis ngunit agad siyang pinigilan nito. Hawak pa nito braso niya. Pilit niyang hinihila iyon. "Aheeeemmmm! Miss De Guzman, may problema ba?" ang nagpalingon sa kanilang dalawa. Nakita ang kanilang supervisor na si Mr. Marasigan. "Ah—eh," aniya sabay tingin kay Xian. "Nothing, Sir," aniya. Nang umalis na ang supervisor ay agad niyang piniksi ang kamay ni Xian. "Mr. Johnson, please leave me alone." Irap niya rito. "Okay, fine. I will be waiting for you," anito bago siya biglang hinila nito. Na-out balance siya at muntik pang mangudngod ang mukha sa mukha nito. Bumulong ito. "If you need money, I can give you." Mas lalo pa niyang inirapan ito dahilan para mapangisi naman ito sa kaniya. Mabilis siyang lumayo at nakitang kumaway pa ang lalaki paglingon dito. 'Buwisit!' inis niyang turan rito. Ngunit nang mawala na ang lalaki ay hindi niya maiwasang mapangiti. Guwapo ang lalaki, sobrang yaman babaero nga lang. She wonder kung bakit siya nito pinagtyatyagahang suyuin kung kaya naman nitong magbayad ng kahit sinong babae. Marami pang artista ang napapabalitang nali-link rito. Kahit papaano ay kinikilig siya sa isiping naghahabol ito sa tulad niyang simpleng babae. Medyo nababaghan din siya kung bakit siya pa ang napili nitong magtaglay ng anak nito. Hanggang maalala ang binulong nito. 'If you need money, I can give it to you.' Saka naalala ang pagkakautang sa bangko. Sa isip ay iyon na ang pinakamabilis na paraan pero sa tuwing naalala naman lahat ng larawan sa babaeng naikama nito ay biglang nakulo ang dugo niya. "No, hindi ako mapapasama sa kanila!" bulalas sa kawalan. Nang matapos niya ang kaniyang shift ay agad niyang nilisan ang supermarket na pinagtatrabahuan. Pagod na pagod siya at ngalay na ngalay ang paa sa halos walong oras na nakatayo. Idagdag pa ang isip na hindi mapanatag gawa ng problema ng kanilang pamilya. Nang makakita ng maaari niyang upuan ay naupo siya roon saka hinimas ang paa na kumikirot. "Ouch, sakit ng paa ko," angil sa sarili saka minasahe iyon. "Do you need help?" tinig sa kaniyang tabi. Hindi rin niya namalayan ang pagtabi sa kaniya nito. Agad siyang tumingin rito ng makilala ang tinig nito. "Mr. Johnson!" gilalas niya. Simpatikong nakangiti naman ito. Agad siyang napaupo ng tuwid. "You look so tense. Relax ka lang. Let me do it," anito sabay luhod sa harap niya at hinawakan ang paa niya. "Wait!" Pigil dito. "Hindi na kailangan," aniya rito. Nahiya naman siya. Isang milyonaryo pa magmamasahe ng paa ng isang hamak na tulad niya. "No! I insist," anito sabay hawak sa paa niya. Halos ma-freeze siya ng dumantay ang kamay nito sa kaniyang paa. Wala siyang nagawa ng magsimula na itong magmasahe ngunit nang muling tignan ito ay tila nag-init ang buong katauhan niya ng mapansing maiksi ang suot na palda at nakatitig ito sa kaniyang hita. Napalunok si Xian ng makita ang mabibilog na hita ni Heather. Wala kasi itong suot na stocking kaya kitang-kita ang makikinis nitong hita. "It's okay," aniya saka pilit na tumayo. Ngunit mas napasama pa yata sa kaniyang paa. Buti na lamang at agad siyang nahawakan ng lalaki. "Ihahatid na kita," agad nitong saad. "Hindi na. Kaya ko na ito. Salamat," sagot saka muling naglakad. Medyo maika-ika pa siya. "I told you, ihahatid na kita," tinig nito na nakasunod sa kaniya. "Hindi na," giit rito saka pinikit lumayo dahil iba na ang pakiramdam rito. Ngunit may kakulitan talagang taglay ang lalaki. Naiiling si Xian sa sarili. He never do things like this for a lady. Babae ang lumuluhod sa kaniya at hindi siya. Mabilis na sinundan si Heather. Agad na hinawakan ito. "Bubuhatin kita kung magpipilit ka pa," banta rito. Hindi iyon pinansin ni Heather bagkus ay naglakad pa siya ng maya-maya ay may kamay na pumulupot sa kaniya at pinangko siyang parang sako ng bigas sa balikat nito. "What are you doing? Ibababa mo akoooooo," gigil niya rito. "Tigas kasi ng ulo mo," anito sabay hawak pa sa may puwetan niya. 'Aba! Bastos na manyak pa.' gigil sa isipan. "Okay, fine. Ibababa mo ako at maglalakad na lamang ako. My God. Pinagtitinginan na tayo," aniya rito. Binaba naman siya nito. "Sasama ka rin naman kasi, pinahirapan mo pa ako," anito nang ibaba siya nito. Inirapan na lamang niya ito saka sinunod ang tinuro nito. Nasa tapat lang pala nila ang sasakyan nito dahil isang senyas lang nito sa driver nitong si Dante ay naroroon na. Agad siyang pinagbuksan ng pintuhan ng sasakyan. Nakita pa roon ang binili nitong baking powder. Pumasok naman ang lalaki sa kabila at tumabi sa kaniya. Nakita nitong nakatingin siya sa baking powder. "I need this," agad na wika. "I'm baking something special," aniya sabay kindat sa babae. Tila nag-init ang buong katawan ni Heather sa ginawang iyon ng lalaki. Maging ang ulo niya ay uminit sa inis. Ngumisi na lang siya sa sinabi nito. "Do you think I'm joking?" ani ni Xian ng makitang ngumisi si Heather ng sinabi niyang nagbi-bake siya. "Do I say something?" turan. "Paki ko," sabay bulong. "I heard that. No worries, matitikman mo mamaya ang ibi-bake ko," saad nito saka mas lalong ngumisi. "Mamaya?" ulit niya saka tumingin sa bintana at sa ibang direksyon nga pala ang punta ng sasakyan nito. "Ahhhhhheeemmm. Hmmmmm," tikhim niya sa driver. "Kuya! Hindi po dito ang daan papunta ng amin. Sa intersection po eh, mag-U-turn po tayo," kalabit niya sa driver saka tinuro kung saan ito liliko. Pero matapos ng intersection ay dere-deretso ito. Narinig niya ang pagbungisngis ng lalaking katabi. Mukhang sinasadya niya yata siyang inisin. Agad siyang umirap rito. "Bababa na ako!" banas na turan. "Kuya, pakitabi. Bababa po ako!" agaw pansin sa driver na tila hindi siya naririnig. Nagkibit-balikat lang ito. "Bababa na akooo," sigaw na niya. "Relax lang. Pinagpaalam na kita," wika nito na tila kampanteng-kampante. "Pinagpaalam? Kanino?" kunot-noong wika. "Sa Nanay mo. Sa Tatay mo at sa bunso ninyo," anito saka kumindat. Bumuntong-hininga siya upang payapain ang sarili. Kahit gigil na gigil na siya. Nang makitang pumasok ang sasakyan sa isang pangmayamang subdibisyon. Hindi nagtagal ay nag-park ito sa isang malaking bahay. Hindi siya gumalaw sa kinauupuan kahit pinagbuksan na siya ng lalaki ng pintuhan. Bagkus ay humalikipkip pa siya. Naiiling si Xian. Nakitang tumitig ang kaniyang confidant/driver. Mukhang may pagtatanong sa mukha nito. Bumuntong-hininga siya saka yumukod. "Okay, fine," ani ni Xian sabay yukod saka muli siyang papangkuin nito. "Okay! Wait! Wait! Maglalakad na! Buwisit," inis niya saka mabilis na bumaba. "Maglalakad naman pala eh. Siguro gustong-gusto mong binubuhat kita," biro pa ni Xian na nakangiti. "Excuse me! Naalibadbaran nga ako sa'yo!" inis na turan. "Sa guwapo kong ito," ngisi nito. Nakita pa sa gilid ng mga mata na tila natatawa ang kaniyang confidant. Mas lalong nainis si Heather dahilan para mamula ang mukha. "I like when your blushing," anito saka naglakad bitbit ang baking powder nito. Pagbukas ng bahay nito ay may yumukod sa kanila. "Magandang hapon, Sir, Ma'am," ani ng dalawang babae. Napatingin siya sa dalawang babaeng sumaludar sa kanila. Halos katulad niya ang suot ng mga ito. Napangiti ang mga ito sa kaniya. "Is the kitchen ready?" tanong sa isa sa babae. "Yes, Sir," anito saka nito giniya ang lalaki sa kitchen. Ang isa naman ay giniya sa malaking sala. "Have a seat, Ma'am," anito saka tumayo sa tabi. Nilibot ang tingin sa buong palingid. Namangha siya. Sa tv niya lang nakikita ang ganoong kabonggang bahay. "Do you want some tea or juice, Ma'am?" tanong ng babeng nakatayo sa tabi. "Ah, no thanks. Ano bang gagawin ko rito?" maang na tanong rito. "Ha? Hindi po ba kayo jowa ni Sir?" tanong nito. "Hindi ah," nguso niya. Ngumiti ang babae sa kaniya. "Saan ba ang kusina ninyo?" muling tanong. Nang-ituro iyon ay agad siyang nagtungo. Pagbungad roon ay nakita ang lalaking pakay. Bigla siyang natigilan dahil mukhang dinaig nito ang isang chef sa ayos nito. Napansin yata nito ang kaniyang presensiya kaya nagtaas ito ng tingin sa kaniya. Sabay ngiti at kindat. 'Impakto!' aniya sa isipan. 'Ang guwapong impakto naman,' ani pa ng kabilang bahagi ng isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD