Chapter 1:

2171 Words
"Wow! Ito ba ay portfolio ng mga babaeng pinaglaruan at kinama mo?!" taas-kilay na tanong niya rito. Tumawa si Xian sa tono ng pananalita ng babaeng nasa harapan. Mukha kasing gulat na gulat ito. "At plano mo akong isama sa mga babaeng iyan?" maang na tanong sa lalaking nakangisi. Tumayo ito at lumapit sa kaniya. Senswal ang pagkakadantay ng kamay nito sa kaniyang balikat. "No, you're not. Hindi kita isasama dahil plano kong ikaw na ang huli at ang babaeng magtataglay ng aking pangalan," wika ni Xian. "Do you want me to believe on that?" nakangising turan rito. Naiinis siya sa kabila ng inis dito ay hindi mapigilang humaga sa kaguwapuhan nito. "Yes, 'cause I want you to carry my child," turan ni Xian. Ngumisi si Xian habang nilalapit ang mukha sa mukha ng babae. She's pretty, no doubt about it. "You're kidding. Do you think na gusto kong maging ina ng anak mo?" natatawang wika sa tila hibang na lalaki sa harapan. Paniwalang-paniwala pa naman siya na guwapo at mabait gaya ng sabi ng kaibigan. Kung hindi lang sa laki ng sahod ay nunca ay makakaharap ang aroganteng lalaking ito. "Try me Heather, try me." Mas lalong nainis si Heather dahil mas lalong nilapit nito ang mukha sa kaniya. "I am sorry Mr. Johnson, I came here for work? Since, mukhang ibang trabaho naman ang ipapagawa mo ay aalis na ako," turan niya saka mabilis na tumayo. Iba na rin kasi ang dulot ng kamay nitong saka kaniyang balikat. "Aren't you going to ask kung magkano ang magiging bayad mo. Baka magsisi ka," turan pa rin ni Xian sabay lapit sa likuran ni Heather. Nakikiramdam si Heather kung ano ang gagawin ng lalaki sa kaniyang likuran. Halos hindi siya nakagalaw ng maramdaman ang paghinga nito sa kaniyang batok. "Just carry my child. No more, no less," usal nito. Napalunok siya sa sensasyong gumagapang sa kaniyang kaibuturan ngunit agad na nakabawi. Lumayo siya at hinarap ito. Guwapo ito. Artistahin nga pero ayaw niyang magkaroon ng anak sa lalaking hindi niya mahal lalong lalo na sa bruskong tulad nito. "Sorry, Mr. Johnson pero ayaw kong magkaanak sa lalaking hindi ko mahal!" matiim na titig rito. Simple lang siyang babae at simple lang din ang gusto sa buhay. Ang magkaroon ng maayos at buong pamilya kagaya ng pamilyang meron siya ngayon. Tumawa si Xian saka humakbang papalapit kay Heather. Kinabahan si Heather kaya napausog siya patalikod hanggang sa masukol siya ng lalaki. Hindi na siya makagalaw dahil pader na ang nasa kaniyang likuran. Nasa makabilaang tagiliran naman ang kamay ni Xian. Wala siyang kawala lalo pa at unti-unting bumababa ang mukha nito sa kaniyang mukha kaya wala siyang choice kundi ang tumungo para hindi lumapat ang mga labi nito. Ngunit walang labi bagkus bumulong ito. "Sinong nagsabing mahalin mo ako? Just carry my child. I want a child and I choose you to carry my baby," anas nito saka siya iniwan. Nagtaas siya ng tingin. Nakitang nakatalikod ito papalayo. "Hindi lahat nabibili ng pera mo at papatunayan ko iyan sa'yo!" bulyaw niya sa lalaking paalis. Sa inis ay padabog siyang nilisan ang opisina nito. Mabilis na tinawag ni Xian ang kaniyang driver/confidant na si Dante. "Call, Mr. Canlas to gather all the information about Heather De Guzman. Lahat ng kaaway, kaibigan o pinagkakautangan ng mga ito!" pautos na wika dito. Napangisi siya. Kung tutuusin ay hindi na dapat siya namimilit ng babae dahil maraming gustong paalipin sa kaniya pero gusto niya ang katulad nito. Kaya nga nang minsang makita ito ay ginawa ang lahat mapapunta lamang ito sa opisina niya. "Yes, Sir! I will," tugon ni Dante na nasa harapan pa rin pala. Nakitang bumalik sa pwesto at ginawa ang pinapagawa. 'Tignan natin Heather, I know ikaw din ang unang lalapit,' aniya sa isipan. Actually, he was trilled by her. Hindi kagaya ng iba na madaling napa-oo sa mga gusto. "Tell also to Mr. Canlas I want a report today?" saad pa. "Today, Sir?" alanganing wika ng confidant. "Yes! Do I make myself clear? Today, as in ngayong araw na ito," madiing turan niya. Nakitang napalunok pa ito habang sinasabi sa kausap nito. He knows, makukuha niya ang lahat kung papaganain niya ang kaniyang pera. Maya-maya ay kumatok ang kaniyang sekretarya sabay sungaw ng ulo nito. "Sir, I just wanna give you some papers. I need your sign regarding all the delivery we need this week," ani ng sekretarya. "Dante can you leave us for a bit," turan ulit sa confidant. Agad itong tumalima at lumabas. Paglabas nito at agad na lumapit sa kaniya ang kaniyang sekretarya. Ngumisi siya rito. Seksing lumapit sa kaniya ito saka sinadyang ipakita sa kaniya ang malulusog nitong dibdib. Tutal ay willing naman ito kaya pagbibigyan niya. Maibsan lang ang init na ginising ni Heather kanina. Agad na sinunggaban ang mapupulang labi ng sekretarya nito. Alam niyang tipo rin siya nito at matagal na itong nagpapakita ng motibo. Agad siya nitong tinugon ng halik. Pinaupo niya ito sa kaniyang mesa dahilan para malaglag ang ilang bagay roon. Katok sa pintuhan ang nagpatigil sa kanila. "Sir, are you okay?" tinig ng confidant. "Yes!" tugon saka muling hinalikan ang babaeng tila nasasabik din. Kusa na nitong binuksan ang butones ng blusa. Dahilan upang mas lalo siyang nanabik. Pinilit binaba ang b*a nito upang masipsip ang namimintog nitong korona nang bulabugin naman sila ng tawag sa telepono. Wala siyang nagawa kundi ang iwan ang babae at kunin ang tawag. "Hi, Mr. Johnson," tinig ni Mr. Canlas. "Hi," tipid na turan. "I just got the message from your office. Just wanna confirm and checked if the woman—" "Just do what I ask, Mr. Canlas then report to me later." Ayaw niyang mainis rito pero dahil sa naudlot na ginagawa ay hindi niya mapigilan. "Okay, see you later then," anito saka nawala. Muling tinuloy ang naudlot na ginagawa. Muling sinibasib ng halik ang labi ng babae sabay ng lamas sa dibdib nito nang biglang may kumatok sa pintuhan. "Yes!" banas na turan. "Aheemmmm!" tikhim ni Dante sa labas. "Sir, you have a meeting with Mr. Gomez in twenty minutes," turan nito na nagpabalik sa kaniya. "Oh s**t!" gilalas niya. Tumingin siya sa babaeng kasama. "Fix your cloth." Utos saka pinirmahan ang papeles na binigay nito. Nang maayos nito ang suot ay agad na tinungo ang pinto. Sa pintuhan ay naroroon ang confidant na pormal ang mukha. Mabilis na pumasok ito saka inayos ang kakailanganin niyang papeles sa meeting nila ni Mr. Gomez. Agad na inayos ang suot saka lumabas ng opisina kasunod ng kaniyang confidant na may bibit ng lahat ng kakailanganin niya. Pagdating sa parking lot ay agad siyang pinagbuksan ng pintuhan ng sasakyan. Saka umikot upang magmaneho. Habang nasa daan ay hindi mapigilang maalala ang inosente at magandang mukha ni Heather. Nakita niyang sumilip ang kaniyang driver. Marahil ay nagtataka kung bakit siya nakangiti. Nang makarating sila sa meeting place ay agad itong bumaba at pinagbuksan siya nito. "Salamat," aniya saka kunuha ang gamit at siya na lang ang pumasok. "I'll call you when I'm done," turan saka pumasok na. "Good to see you again, Xian," turan ni Mr. Gomez. "Same here, Mr. Gomez. Good that you comply," ngiti rito. Tumawa ang matanda. "Well, I have too. I know you, if not. I might indeed up into the court." Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang natawa. "Well, business is business, Mr. Gomez," matamang turan saka nilabas ang bagong draft ng kanilang bagong kontrata. "Feel free to read, Mr. Gomez. I know, your company needs my company," kumpiyansang wika niya rito. "Wala ka pa ring pinagbago Xian, matigas ka pa rin. Anyways, tama ka. I need your company," anito saka pinasadahan ang kontrata saka mabilis na pumirma. Iyon naman ang gusto sa matandang ito. He trusted him that much. Medyo nagkagulo lang konti sa huling transaction nila dahil medyo tumagilid ang sales ng kompaniya nito. "I heard that the stock market gives a big impact into your business. Hopefully, you're back into the busines," wika rito. "Yeah," tugon nito habang abala sa pag-pirma sa papeles na nilatag rito. Matapos noon ay agad na tinawagan si Dante. Pagkalabas sa pinasukan ay nakitang naroroon na ang driver at confidant na agad siyang pinagbuksan. "Sir, Mr. Canlas is in your office now." Imporma pa nito. Muli siyang napangiti dahil naalala si Heather. 'Let's see,' aniya bunyi sa isipan. Pagdating ay naroroon na nga ang imbestigador. "Come in!" turan sa dalawang lalaking nakatayo sa kaniyang pintuhan. Nilapag ni Mr. Canlas ang report na nakalap nito. Napatingin ang kaniyang confidant sa ilang gamit na nagbagsakan. Alam na ng mga ito ang gawain niya kaya hindi man nagtatanong ang mga ito ay batid na nila. "How is it?" interesadong tanong sa pinatrabaho rito. "I just found out na nagtatrabaho bilang seaman ang Papa ni Miss De Guzman ngunit hindi ito nakasampa ng barko nitong huli dahil sa health issue. Ang Nanay naman niya ay isang plain housewife. Siya ang panganay, nagtatrabaho bilang grocery staff at ang bunso naman nila ay nasa kolehiyo pa. May sakit sa puso ang Mama niya kaya naisanla nila ang kanilang bahay. I just check to the bank, malapit nang marimata dahil hindi pa nakakasampa ng ulit ng barko ang ama," mahabang pahayag ng kaniyang personal investigator. Napangiti siya sa nalaman. Nakakatiyak na siyang si Heather mismo ang tatawag sa kaniya. "Thank you, Mr. Canlas. Maaasahan ka talaga," turan dito. Sumenyas siya kay Dante at agad naman itong tumalima upang ibigay sa panauhin ang bunos nito sa trabahong ginawa. Napangiti naman ito. "Salamat din rito, boss," anito saka nagpaalam na. "Ano, Ma? Ha?! Pero bakit daw biglaan?" sunod-sunod na tanong ni Heather. Tumawag kasi ang mama niya habang nasa trabaho. Bawal pa iyon pero paulit-ulit kaya hindi na siya nakatiis. Emergency nga naman. Saan sila kukuha ng one hundred fifty thousand ngayon. Pang-tuition nga ng kapatid niya ay namumulubi na siya. "Kailan, Ma?" tanong ulit sa ina kung hanggang kailan na lang ang palugit ng bangko. "Next week na raw anak. Itong si Papa mo ay tinawagan na lahat ng mga naging kasamahan sa barko. Wala rin daw eh," wika ng ina. Halos mapaiyak siya sa inis sa dami ng problema niya. Hindi na niya alam kung saang kamay na hahanapin ang pambayad nila sa bangko. Nakabalik na siya sa kaniyang duty ngunit hindi maalis sa isipan ang problema ng kanilang pamilya. Sinabi sa inang huwag itong mag-isip masyado at gagawan niya ng paraan. Ayaw niya kasing sumabay din ito pag nagkataon. Mahina ang puso nito at bawal sa kaniya ang mag-isip ng mag-isip lalo na kung problema. "Okay ka lang ba?" untag ng kasamahang si Jack. "Ha! Oo," aniya. "Hindi nga. Kanina pa kita napapansin, mukhang lutang ka. May problema ba? Sabihin mo lang at baka makatulong ako," alok nito. Sa lahat ng tao ay ito ang ayaw niyang hingan ng tulong. Alam niyang matagal nang may gusto ito sa kaniya. Ayaw niyang dumating ang araw eh iba ang kapalit ng tulong na ibibigay niya. Gaya ng sabi niya. Hindi siya sasama sa lalaking hindi niya mahal. Hanggang maalala si Mr. Johnson. Sayang guwapo sana ito. Arogante nga lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD