Victim Hinatid akong muli ni Ken. Pumapaibabaw na naman sa loob ang pamilyar na pabango ni Sir Waytt. Inatupag ko ang pagtatanggal ng aking make-up sa front seat. Nagsimula siyang magmaneho. Nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin paminsan-minsan. Nacucurious tuloy ako kung nagagandahan siya sa'kin. Di rin naman kasi kami as in close. Wala kaming normal na pag-uusap at napagtanto kong palagi iyong bangayan. Napapainit niya agad ang ulo ko at kumukulo palagi ang dugo ko sa kanya. Kahit ata ang sistema ko ay ayaw sa kanya. Hindi siya gusto. "Pwede ka namang hindi magmake-up habang nagtatrabaho. Mas bagay sa'yo iyong simple lang," sabi niya. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Okay... Ikalma mo ang mga demonyo mo, Marione. Talian mo muna. Magpadala ka muna sa pambobola niya. "Ta