Twelve
"France?" takang sabi ko ng makita ito sa labas ng gate ng apartment. Nitong mga nakaraang araw napapadalas ang labas namin. Parehong ine-enjoy ang company ng isa't isa. Pinagbuksan ko s'ya ng gate at sinenyasan itong pumasok muna. Plano ko sanang magpunta ng coffeeshop pero dahil may poging asungot, 'wag na lang muna.
"Busy ka ba?" tanong ng lalaki sa akin. Umupo ako sa pahabang couch at sinenyasan s'yang maupo sa bakanteng couch pero mas pinili nitong umupo sa tabi ko sabay akbay sa akin.
"Napag-isipan ko na 'yong offer mo!" natigilan ako. Noong nasa condo kami nito pabiro kong sinabi na s'ya na lang ang kumuha ng virginity ko. Malaking shock ang sinabi ko sa binata pero mukhang hindi naman nito iyon sineryoso. Akala ko nakalimutan na n'ya, 'yon pala pinag-isipan n'ya.
"Joke lang 'yon!" sabi ko rito, pero seryoso ang lalaki. Iniangat nito ang baba ko at mabilis na inilapat ang labi sa labi ko.
"Heay!" kunwari'y natatawang umiwas ako ngunit ng muli nitong paglapatin ang labi namin, agresibong tumugon na ako. I like him, kahit noong simula pa lang na nagtagpo ang mga mata namin. France is different from John. Malakas ang pakiramdam ko na mas mabuting tao ang lalaking ito. Sa mga oras na magkasama kami, naramdaman ko ang respeto ni France sa akin 'di tulad ni John na kapag may pagkakataon ay nagiging agresibo.
Pinaupo n'ya ako sa lap n'ya na mag nagdulot ng intensity sa ginagawa namin. Kumikilos na rin ang balakang n'ya at ikinukuskos sa lower part ko. Kahit may balot ang katawan namin, nagdudulot pa iyon ng kakaibang init. Huminto ito sa paghalik, kahit ang pag-dry hump. Takang tinignan ko ito.
"Hindi ko sinabing ngayon!"
"What?"
"Let's just chill," kumindat pa ito at pinisil ang pisngi ko.
"You're so cute!"
"Maganda ako, France!"
"Yeah, right!" sabi nito. Umupo akong muli sa couch, katabi nito. Umakbay naman ito at aliw na pinisil muli ang pisngi ko.
"Siguruhin mo lang na maliligayahan ako ha!" nakangising sabi ko rito. Confident naman na tumango ito.
"Hubad!"
"Akala ko ba hindi pa ngayon?" natatawang sabi ko rito.
"Hindi naman kailangan ng penetration para mapaligaya kita!" nakangising sabi nito. Alam ko na ang ibig sabihin nito, nabasa ko na at napanood kaya naman mabilis akong kumilos at ginawa ang utos nito.
Napasinghap pa ang lalaki.
"You really want this!" usal nito.
"Hindi ako pinanganak kahapon para hindi maunawaan kung ano talaga ang gusto ko, no string attached, right? Ayoko ng maging virgin, lagi na lang rason ng mga heartaches ko." Hinila ni France ang bewang ko. Agad na napahalinghing ng simulang paglaruan ng daliri nito ang p********e ko.
End of Flashback (Back to present)
"Hindi mo na naman ako papansinin?" sinulyapan ko si France pero mabilis din itong inirapan.
"After what you did to my sister, naalala ko na naman kung paano s'ya nasaktan ng sobra ng dahil sa'yo!" mariing sabi ko rito.
"Alam mo, nakakaamaze lang na sobrang tandang-tanda mo 'yong nangyari! How come?" natigilan ako at nag-iwas ng tingin dito.
"Lila!"
"Dahil noong kasama ko s'ya, ikaw ang laging bukambibig n'ya, kahit na sobra s'yang nasaktan dahil sa'yo, mahal ka pa rin n'ya." Lumarawan sa mukha nito ang sakit dahil sa mga sinabi ko. Ngumiti ako rito tsaka iniwan na ito.
"C-armela!"
May mga bagay talaga na kahit gusto nating magtagpo, malabong mangyari. Tulad ng pagmamahal ni Cara kay France at ngayon naman ay ang pagmamahal ni France kay Cara. Hindi iyon magtatagpo pa kahit anong gawin ni France. Dahil wala na si Carmela, wala na ang babaeng nagmahal sa lalaki pero nasaktan lang dahil dito.
•••
Pagkaalis ni Lila, hindi ko na napigil ang maiyak. Araw-araw, simula ng mawala si Cara, para na lang akong robot na sumasabay daloy ng mundo. 'Yong guilt na nararamdaman ko, 'yong disappointment ko sa sarili ko, para akong pinapatay paunti-unti. Ilang ulit ko na bang naisipang tapusin na ang agony kong ito? Dumagdag pa ng nalaman ko na anak ko ang pinagbubuntis ni Cara noon.
Nakakasakal 'yong sakit sa dibdib ko. Hindi ko pa rin matanggap na wala na si Carmela kasi sa puso ko buhay na buhay pa s'ya. Hindi ko alam kung dapat maniwala ako kay Lila, baka dahil nasaktan ko s'ya kaya ayaw n'yang aminin sa akin ang totoo.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Kalahating oras bago ko iyon nagawa. Tsaka ko sinundan si Lila sa loob ng bahay. Inabutan ko s'ya sa sala na umiiyak.
"L-ila?"
"Hindi ikaw ang iniiyakan ko, 'wag kang assuming. Umiiyak ako kasi 'yong mga baby ko. Baka umiiyak na sila!"
Wala naman akong sinabi pero kung makapambara itong babae grabe lang talaga.
"Pakiramdam ko talaga ikaw ang salarin kung bakit tayo narito, tawagan mo na 'yong mga tauhan mo. Sabihin mo, sunduin na nila tayo!"
"Lila, promise hindi talaga ako ang nagdala sa atin dito! Maniwala ka naman sana sa akin!" pakiusap ko rito.
"Ang hirap maniwala sa taong dahilan kung bakit sobrang nasaktan ang kakambal ko."
"L-ila?"
"Ayos lang, ganoon talaga siguro kapag ang utak nasa ulo sa baba!" biglang ngisi nito at nagpahid ng luha.
"What did you say?"
"Wala!" basta na lang itong umalis at iniwan akong 'di makapaniwala. Paano ba ako maniniwalang hindi s'ya si Carmela, the way she talk to me. Pamilyar na pamilyar.