Nine

1134 Words
Chapter Nine "Girl!" hiyaw ko sa kaibigan. Umaga na ako nakauwi ng apartment pero wala pa roon si Belle kaya naman tinawagan ko s'ya. Alalang-alala na ako. Sa sobrang lasing naming dalawa ay nagkahiwalay pa kami kagabi. "Kung tatanungin mo ako kung okay lang ako? Yes, okay na okay ako! At kung tatanungin mo kung nasaan ako---pwes ang isasagot ko sa'yo ay isang malaking hindi ko alam!" sabi nito na hindi man lang yata huminga basta na lang nagsalita nang nagsalita. "Bakit ikaw ang nagdedecide ng itatanong ko? Girl, wala akong pake kung nasaan ka basta siguruhin mong nasarapan ka kagabi!" natatawang sabi ko rito. "Uuwi na ako! Later na lang!" ani ni Belle saka ibinaba ang tawag. Nagpasya akong magpahinga na muna. Pakiramdam ko kasi marami akong ichi-chika rito. Kailangan ko ng lakas. Nang magising ako nagpasyang tumambay na lang sa sala para hintayin ito. Pero muling tumayo sa pagkakaupo para manguha ng kape sa kusina. "Panagutan ko raw sya?" wala sa sarili si Belle na papasok ng sala ng apartment. Parang ang lalim ng iniisip nito. Mukhang marami ring kailangan ikwento ang kaibigan. "Hoy, napapaano ka?" tanong ko rito na palabas ng kusina. May bitbit akong tasa ng kape. Masakit ang ulo ko, hindi ko na tanda kung gaano karami ang nainom ko. "Ano girl daks?" nakangising tanong ko agad dito. "Gaga, si Paris ang kasama ko!" napasimangot ito. Parang luging-lugi pa. "Edi, daks pala ang nabingwit mo!" "Gaga, intact pa rin ang bataan hindi naisuko sa digmaan!" Aniya saka pabagsak na naupo."Eh ikaw?" tanong nito sa akin. Automatic na nawala ang ngiti ko. "Daks din---sana!" may panghihinayang sa tinig. "Eh bat ganyan ang mukha mo? 'Di kinaya ang daks?" curious na tanong nito sa akin. "Girl---huhu hinimatay ako noong nakakita ako ng daks!" napahagalpak ng tawa si Belle. Sabi ko na nga ba, expected ko na ito na magiging ganito ang reaction n'ya sa chika ko sa kanya. "Putsa Cara, seryoso?" maluha-luhang tanong nito sa akin. Nag-aalinlangang tumango at hindi itinago ang panlulumo. "Sayang!" sabi ko na 'di napigil ang matawa rin dahil sa sinapit ko sa kalokohan naming ito. "Haha, mababaliw na talaga ako sa'yo Cara!" aniya na maluha-luha pa sa sobrang pagtawa. "P-ero girl, hulaan mo kung sino 'yong daks na tinutukoy ko!" sabi ko rito. "Sino naman? Wala akong time manghula!" "Si France, 'yong kapatid ni Mr. Stalker mo!" kwento ko rito. "Apir tayo friend! Isipin na lang nating minalas tayo!" aniya na pareho na pareho naming ikinatawa. Dahil sa hangover mas pinili na lang naming dalawa na matulog muna. Kinailangan ko ring umalis dahil may usapan kami ni Kuya Thomas na magkita. Ayaw na ayaw ni Kuya Thomas ang pinaghihintay s'ya. Kaya mabilis akong nagtungo sa meeting place naming dalawa. Sinalubong ako ng tauhan nito na naghihintay sa entrance at iginiya ako patungo sa pwesto nito. Tumayo ito at sinalubong ako ng yakap. Masyado akong spoiled sa kapatid ko. Sa sobrang pagmamahal nga nito kahit pa delikado ay pumayag ito na gawin ang gusto ko, magawa lahat ng mga bagay na hindi ko magagawa bilang isang Arguilla. Gusto kong maging malaya, sa mata ng mga taong halos sambahin na ang apelyedo namin at mga taong inaabangan ang mga magagawa naming pagkakamali. "Ano bang mayroon, Kuya?" tanong ko rito. Hindi maiwasang kabahan dahil seryosong-seryoso ang kapatid ko. "Sasama ka sa akin sa hacienda---" teka lang, parang nag-loading kasi 'yong utak ko sa sinabi nito. "W--ait, Kuya! Bakit biglaan? Anong nangyayari?" tanong ko rito. "Hindi tumitigil ang mga kalaban ng pamilya natin, kailangan mong umalis muna rito sa siyudad!" "Ayoko, Kuya!" naninikip ang dibdib ko. Para kasing hindi ko inasahan na ganito pala ang pag-uusapan naming dalawa ng kapatid ko. "Kahit pa may mga tauhan ako sa paligid mo, hindi pa rin ako mapanatag na narito ka, mas ligtas ka sa hacienda!" "Tapos ano? Hahayaang maapektuhan ng mga taong iyan 'yong buhay ko? Kuya, masaya ako ngayon, masaya ako sa environment ko!" "Pero hindi ka ligtas, Carmela!" mariing sabi nito. Napahikbi na ako. Kailangan kong umisip ng paraan. "Cr lang ako!" sabi ko na mabilis na tumayo. Sadyang iniwan ang shoulder bag para hindi ito maghinala. Alam kong naghihintay ito pero pasimpleng dumaan ako sa daanan ng mga staff. Ayokong umuwi ng hacienda. No way! Dumeretso ako sa apartment, gusto kong makausap si Belle ngunit wala ito kaya naman hinintay ko ito. Kumuha muna ako ng libro na ilang buwan ng nakatengga roon. Binili ko iyon, pero ngayon ko lang tatanggalan ng balot. Dumating si Belle na parang gulat na gulat pa ng makita akong may hawak na libro. "Hooo kelan ka pa naging bookworm? Tsaka ba't nandito ka na? 'Di ba pag nagkikita kayo ng Kuya Thomas mo minsan isang lingo kang 'di nagpaparamdam?" tanong nito sa akin. Bahagya akong natawa. Totoo naman kasi, pinagbibigyan ko kasi ang kapatid ko na matulog sa mansion nito kapag na-mi-miss n'ya ako. Kami na lang ang mayroon ang isa't isa kaya naman hindi ako tumatanggi. "Sa huling tanong mo, tinakasan ko siya. Plano kasi n'yang iuwi ako sa hacienda, girl ano namang gagawin ko roon? Makipagtitigan sa mga kabayo, baka at kambing? Makipagkwentuhan sa mga tubo at halaman?" iniisip ko pa lang, para na akong masisiraan ng bait. I'm a city girl, ang kaya ko lang itagal sa hacienda ay 2-3 days. Pero sa paraan ng pagkakasabi ng kapatid ko, parang magtatagal ako roon. "Pwede rin naman after all, hayop ka naman!" biro nito na malakas kong ikinatawa. "Pakyu ka girl, big time!" ani ko saka muling itinuon ang tingin sa libro. Feel ko lang magpaka-bookworm. "Eh 'yong sagot mo sa unang tanong ko?" Iniangat ko ang libro. Fifty shades of grey. "Kailangan kong mag-set ng standard!" cool na sabi ko rito. "At makukuha mo 'yon sa pagbabasa ng libro?" manghang tanong niya sa akin. "Oo, Alam mo ba kung ano ang content ng librong 'to?" tanong ko sa kaibigan ko."For sure, hindi! Bukod sa tamad kang magbasa ng novels at nagbabasa ka lang naman kapag nagpapa-impress ka sa crush mo noon feelingerang reader bukod doon, boring para sayo ang mga ito!" "Alam mo ang dami mo pang pasakalye, pwede mo namang sabihin ng deretso! Hindi 'yong nilalait mo pa ako----bakit ba ganyang ang mga kaibigan noh? Lait muna bago tell the real point?" "Of course, ganun talaga para damang dama!" Inihagis ko rito ang libro. "Basahin mo 'yan para matuto ka rin, madami ka d'yang matututunan kay Christian at Anastasia! Mga kaalamang 'di itinuturo ng magulang at ng mga guro!" biro ko rito. "Really?" na-excite nitong tanong sa akin. Tiyak din kasing 'di pa napanood ni Belle ang movie na kaninang umaga ay pinanood niya. "Oo, madaming kaalaman d'yan!" Tumayo na ito."Matutulog na ako!" mabilis kong sabi rito. Tiyak na isusumpa ako ng best friend ko sa kalokohan ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD