Twenty-one
"Gusto na ni Thomas na iuwi mo ang kapatid n'ya."
"What?" gulat na anas ko sa tinuran ng kapatid ko. Sinulyapan ko si Cara na nasa cottage. Ayaw na naman akong kausapin. Sobrang bilis magbago ng mood nito. Madalas hindi ko na masundan.
"Naisip mo bang hindi pwedeng magtagal si Cara d'yan? Mga bata pa ang mga anak n'ya, hinahanap din s'ya ng mga iyon." Bumuntonghininga ako.
"S-ige." Alam ko naman kung bakit madalas itong managinip at umiyak sa gabi. Na-mi-miss na nito ang mga anak namin. Mahirap din ang ginawa kong sitwasyon para sa kanya. Selfish move ang ginawa ko. Pero ngayon pa ba ako susuko? Inilabas ko ang pregnancy test kit na nakuha ko sa banyo. Actually, hinanap ko talaga iyon. Binalot nito iyon sa tissue at itinago sa taas ng cabinet. Wala na naman yatang planong ipaalam sa akin na magkakaanak na naman kami. Bumuntonghininga ako saka muling itinago iyon dito.
"Darating ang sundo n'yo mamayang gabi, oras na rin iyon upang ipaalam mo rito na ikaw talaga ang nagplano ng k********g. Ipaalam mo na rin na walang namatay sa mga bodyguards n'ya." Sabi ng kapatid ko. Bumuntonghininga ako.
"Sige." Sabi ko rito. Ibinaba ko na ang tawag, saka bumalik sa silid upang itago ang cellphone. Itinabi ko na rin ang pregnancy test kit.
Bumalik ako sa labas at inabutan ko itong ganoon pa rin ang pwesto.
"Cara!" tawag ko rito. Ngunit hindi ito lumingon.
"Lila!" dahan-dahan itong tumingin sa akin. Bahagyang ngumiti. Masyado ng kinain si Cara ng sistema ni Lila. Para ngang kahit ito ay hindi na rin kayang tanggapin na hindi naman talaga ito si Lila, na s'ya si Carmela.
"May kailangan ka?" ngumingiti ito, pero hindi abot sa mata ang ningning. Bumuntonghininga ako saka lumapit dito.
"Uuwi na tayo mamaya." Natigilan ito pero unti-unting lumawak ang ngiti.
"Talaga? Makikita ko na ang mga anak ko?" ngayon naman ay maluha-luha ito. Talagang nangungulila na sa mga bata. Bumuntonghininga ako, saka ginagap ang mga kamay nito.
"Alam kong sa pagbalik natin, susubukin mo na namang lumayo. Alam kong wala akong karapan na pigilan ka. Pero sana bigyan mo pa ako nang chance para maayos natin ito. Mahal kita, Carmela."
Hindi ito nagkumento, pero nag-iwas ito nang tingin. Bumuntonghininga akong muli. Sobrang bigat ng dibdib ko.
"Mahal kita."
"Kahit ulit-ulitin mo pa 'yan, pasensya na. Hindi gano'n kadali kasi iyon. Pinatay na ng labis na sakit 'yong puso ni Carmela. Pagod na s'yang makiamot ng atensyon at pagmamahal sa lalaking dati n'yang minahal." Dati n'yang minahal? So, wala na talaga itong feelings sa akin.
"Kahit subukan mo pang manligaw, manuyo at mag-effort. Balewala para rin iyan." Tumango-tango ako.
"Lumapit lang ako para sabihing uuwi na tayo, saka 'yong k********g na nangyari---"
"Alam ko namang ikaw ang may kagagawan. Pero sana hindi na maulit. Hindi ako mangingiming ipakulong ka kapag inulit mo pa. Hindi mo ba naisip na ibayong trauma ang ibinigay mo sa akin? Simula bata ako, madalas ko nang katakutan ang mga ganitong pangyayari. Hinahabol kami ng mga kapatid ko Ng mga taong wala naman kaming utang pero hindi tumitigil sa paghahangad na makuha ang yamang meron kami."
"I'm sorry."
"Hindi sapat ang sorry, gusto ko lumayo ka. Ayoko na ring umarte na okay ako, okay tayo. Kasi hinding-hindi na talaga magiging okay ang lahat."
Tumayo na ito at iniwan na ako roon.
MALAWAK ang ngiti ko pagkaapak na pagkaapak ko sa labas ng kulungan. Ilang taon din ang tinagal ko bago ako tuluyang nakalabas. Hindi ko naman sinasadya ang pagkakabangga ko kay Van, sa kapatid nila France and Paris. Dahil na rin sa connection, at magandang record ko pinayagan na akong makalaya.
"Welcome back, Tanya!"
"Thank you, attorney! Salamat at hindi ka sumuko para makalaya ako."
"Wala ka naman kasing kasalanan, pasensya na nga rin pala at wala si France rito. Hindi ko kasi s'ya ma-contact."
"Ayos na po iyon. Pupuntahan ko na lang po s'ya sa bahay n'ya." Sabi ko rito. Tumango-tango naman ito saka iniabot sa akin ang susi.
Malawak ang ngiting tinanggap ko iyon. Marami akong pagkukulang kay France. Sa tagal ko sa kulungan, ang dami kong napagnilayan. Babawiin ko ang puso n'ya. Wala naman na si Carmela na umagaw kay France mula sa akin. Mababawi ko ito.
Pagdating ko sa bahay nila. Hindi agad ako nakapasok. Bago kasi ang guards at hindi ako kilala. Pero nakapasok din ako nang makita ako ni Paris. Gulat na gulat pa nga ito.
"Upo ka muna." Sabi nito. Nagpasalamat ako rito.
"Si France nga pala? Nagtatampo ako sa kanya, hindi na n'ya ako binisita sa kulungan."
"Anong ginagawa ng pangit na 'yan dito?" malakas na tanong ni Belle na pababa ng hagdan. Masama ang tingin sa akin.
"Wife!" malambing na saway ni Paris.
"Anong ginagawa mo rito? Lalandiin mo rin ang asawa ko? Gusto mo rin ng t*to n'ya?"
"Belinda Ligaya!" saway na ni Paris. Hindi pa rin nagbabago ang babae. Ayaw na ayaw pa rin nito sa akin. Well, ako lang naman kasi ang dahilan kung bakit nasaktan ang bestfriend nito, at namatay na lang na malungkot.
"Ah, Belle. Nagkakamali ka kasi. Si France ang dahilan nang pagpunta ko rito." Sabi ko.
"Tsk, bakit? Kating-kati ka na naman? Amoy kulungan ka pa pero inuna mo nang magpunta rito."
"That's enough, Tanya kung si France ang hinahanap mo wala s'ya. Mamayang gabi pa ang balik n'ya."
"Oo, mamayang gabi pa ang balik ni France at Carmela." Bahagya akong tumawa.
"Hindi ka pa rin ba naka-move on? Wala na ang bestfriend mo, Belle."
"Sinong may sabi na wala na s'ya? Nagpapatawa ka ba? Girl, baka magulat ka na lang kasal na 'yong dalawa pag-uwi rito. Saka hindi ka na babalikan ni France, humaling na humalik sa pekpek ng kaibigan ko 'yong gagong iyon."
"What do you mean?"
"What I mean is, buhay ang bestfriend ko. May kambal na silang anak ni France at tiyak na pag-uwi nila ay may laman na naman ang t'yan ng bestfriend ko, pakangkang din kasi. Saka wala ka nang mahahabol kay France. Bumalik ka na lang sa kulungan. Para everybody happy lang."
"B-uhay s'ya?" hindi makapaniwalang anas ko. Sabay umiling-iling. Malaki ang naging lamat sa relasyon namin ni France ang pagdating ni Carmela sa buhay ng lalaki. Pero nang mawala ito, akala ko maibabalik ko pa sa dati ang lahat.
"Humanap ka na lang ulit ng iba. Tutal, sanay ka namang kung sino-sinong lalaki ang kumakangkang sa'yo. Pakangkang girl." Inirapan pa ako nito sabay hila sa asawa nito na habang palayo ay sinisermonan si Belle.
Huli na ba ako?