VICIOUS JADE Abala ako sa trabaho nang marinig makarinig ako ng katok sa pinto ng aking opisina. I lifted my gaze and kasunod ng katok ay ang pagbukas niyon at ang pagsungaw ng ulo ni Alice. She was grinning so widely kaya naman agad akong nagtaka kung bakit. Nasagot naman ang tanong sa aking isipan nang tuluyan siyang pumasok dala ang isang basket na naglalaman ng sangkaterbang red roses. From the way I see it, hindi lang isa o dalawang dosena ang roses doon. Hindi mapatid ang ngisi sa mga labi ni Alice habang palapit. Tumigil siya at inilapag ang basket sa glass table sa gitna ng silid. Lumapit ako sa receiving area ng opisina ko upang makita nang malapitan ang mga bulaklak. Halata ko ang pagpipigil kay Alice sa pag-usyoso. Isang sulyap sa basket nang malapitan ay a