CHAPTER 11 Ngunit mabilis na ginamit ni Mama ang kanyang kapangyarihan bilang isang Diwata. Mabilis kaming nawala sa pagkakahawak sa amin ni Ashoka. “Nakalimutan mo yata, Ashoka na hindi lang ikaw ang may kakayahan sa ating dalawa. Hindi lang ikaw ang may kapangyarihan. Ang pagkakaiba lang natin, itim na kapangyarihan at mahika ang kakayahang meron ka.” “Hindi ko iyon nakakalimutan, mahal na Reyna. Alam ko ang iyong kakayahan. Alam ko rin ang iyong hangganan. Mahihirapan kang kumayo habang karga mo ang batang ‘yan na hindi isang puring Striker. May dugong Nowen iyan kaya pasasaan at mapapagod ka rin sa paggamit ng iyong lakas laban sa akin.” Pilit hinuhuli ng itim na usok ang sinag na si Mama. Kung saan saan sila nakararating ngunit hindi kaya ng kapangyarihan ni Mama nang maging invi