CHAPTER 9 Napalibutan si Ashoka ng mga tauhan ni King Jotun. Kinuha ni Alfonso ang kanyang kalasag at espada. Hinarap niya ang kapatid. Kahit gusto niya itong saktan, gusto niyang patayin ay naisip pa rin niyang idaan ito sa tamang proseso ng batas na pinaiiral sa kanilang kaharian. “Sumuko ka na, Ashoka at pagbayaran mo ang ginawa mo kina Imma at Abba!” nanginginig sa galit na sinabi iyon ni Alfonso. Gusto niyang kontrolin ang sarili kahit pa ng mga sandaling iyon ay sumasabog na siya sa poot. “Ako susuko? Ano ako? Sira-ulo!” “Wala ka bang puso? Tignan mo si Abba at Imma na nag-aruga at nagmahal sa’yo. Pinatay mo sila dahil sa kasakiman mo? Tapos gusto mong maging hari? Anong ugali meron ka? Wala kang utang na loob! Hindi ka na dapat binuhay pa ni Abba. Hindi ka darapat-dapat sa kahi