CHAPTER 13 Hanggang sa naramdaman kong may kung anong enerhiya ang binibigay nila sa akin. Pinagtulungan nilang akong bahagian ng kanilang lakas para hindi ako bumigay at tuluyang humina. Iyon lang ang kaya ng kapangyarihan nila. Hindi nila kayang paghilumin agad ang aking mga sugat. Inihatid ako sa aking kuwarto ni Zoyd. Doon na ako pinainom at pinakain. Sandali akong nakatulog. Walanng panaginip. Hindi sa akin nagpakita si Mama. Kung kailan kailangang-kailangan ko siya, hindi ko siya naramdaman. Kung kailan napakarami kong gustong itanong, wala siya para sasagot. Hindi madali para sa akin na isipin ang biglang pagbigay sa akin ng isang malaking responsibilidad. Kung pwede ko lang talikuran na lang ang lahat. Nami-miss ko na sina Tatay at Nanay sa lupa ng tao. Simple lang ang buhay ko