#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 15 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Bumaba na si Jass sa kotse ni Juan Miguel na sumunod rin namang bumaba at nilapitan ang una. Napangiti si Jass ng magkaharap sila. “Salamat a.” Sabi nito. Napatango lamang si Juan Miguel. “Nagseselos ka pa rin ba hanggang ngayon?” tanong ni Jass sabay ngiti nang nakakaloko. “Hindi ako nagseselos... Ikaw lang ang nag-iisip niyan.” Pagdepensa ni Juan Miguel sa sarili. Lalong napangiti si Jass. “Hay! Kitang-kita na pero itinatanggi pa... Bakit ba kayong mga lalaki, ang hirap niyong paaminin...” “Dahil wala naman akong aaminin... Ikaw lang itong nag-iisip ng kung ano-ano.” Sabi kaagad ni Juan Miguel. “Oo na... Pero salamat talaga dahil hinayaan mo ako na makasama ka buong