#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 33 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Kakapasok lamang ni j**s sa kanyang kwarto galing trabaho. Niluwagan niya ang kanyang suot na necktie at tinanggal sa pagkakabutones ang suot na coat. Nag inat-inat siya para kahit papaano’y mabatak ang kanyang katawan at matanggal kahit konti ang pananakit. Halata ang pagod sa kanya dahil sa maghapong trabaho dagdagan pa na ang daming problema na kinakaharap ng kumpanya na lagi niyang iniisip. Napabuntong-hininga siya. Pumunta siya sa kanyang closet at doon ay isa-isa niyang hinubad ang kanyang mga suot hanggang sa ang panloob na sando at boxer short na lamang ang matira. Kumuha na rin siya ng twalya dahil nagbabalak siyang maligo pamaya-maya. Lumabas siya sa kanyang closet at nagpasyang maupo na muna