#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 43 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Nasa loob na ng kanyang kotse na nakaparada sa parking lot ng company building si j**s. Uuwi na kasi siya pagkatapos ng mahabang oras ng trabaho. Papaandarin na sana niya ang sasakyan pero halos mapatalon siya sa gulat dahil bigla-bigla ay nagbukas ang pintuan sa passenger seat at kaagad na sumakay si John Miguel na hingal na hingal dahil mukhang tumakbo papunta dito. Nanlalaki ang mga mata ni j**s na tiningnan si John Miguel. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni j**s. Napatingin naman si John Miguel kay j**s. Kinalma muna nito ang sarili bago ngumiti at nagsalita. “Pwede ba akong sumama sa condo mo? Doon muna ako matutulog.” Sabi nito na ikinagulat ni j**s. “Ano? Nahihibang ka na