Mula sa private room na inukopa ni Gabriela ay lumabas roon si Celina. Napasandal muna siya sa pintuan at saka siya nagpakawala ng marahas na hininga. Kung dati'y excited siya dahil sa wakas makakapasok na siya sa buhay ni Lucas, ngunit ngayon ay tila naguho iyon. It is because of Gabriela. Hindi niya kayang saktan ang isang taong malapit nang mamatay. Naiiling siya sa mga salitang narinig mula dito. That was crazy. Naaawa siya sa dalaga.
Dahil sa nakayuko siya habang naglalakad hindi niya nakita ang malaking bulto na nabangga niya. Mabuti nalang at maagap ito at nahawakan siya, kung hindi'y baka nabuwal na siya sa sementadong sahig.
Nagkatitigan sila ni Lucas. Pero wala sa mood si Celina na makipag-flirt sa binata lalo na sa lagay ng girlfriend nito. Aaminin niyang tila may ilang boltaheng kuryente ang nanalaytay sa kanyang himaymay pero kailangang balewalain niya ito, for Gabriela's sake. Batid niyang naging mabait na nobya si Gabriela kay Lucas, base na rin sa napag-usapan nila kanina lang.
"Sa-salamat," tanging naisatinig ni Celina sa binata. Saka siya nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.
Nagulat si Lucas nang makita niya sa ospital na iyon si Celina. Dito ba naka-confine ang taong pinuntahan nito? Naalala niya no'ng sinabi sa kanya ng isang tauhan niya na inutusan niyang maghatid sa dalaga. Hindi alam ni Lucas kung ano'ng nagtulak sa kanya para sundan si Celina. Naninibago siya sa inasal nito. Aminado siyang makulit ang dalaga, pero may problema kaya ito? Ano namang pakialam niya? Lihim na napamura si Lucas. Damn it! Pero tila umaayon ang kanyang mga paa para sundan ang dalaga. s**t! Ba't ko ba sinusundan ang babaeng 'to? Inis na tanong ni Lucas sa sarili.
Imbes na umuwi sa bahay, mas pinili ni Celina na pumunta sa seawall, gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin at makita ang dagat. Nalulungkot siya sa kalagayan ni Gabriela. Naalala niya ang kanyang mahal na ina dito. Mabilis na pinalis niya ang nagbabantang luha mula sa kanyang mga mata.
"Ate, bili ka na po ng mani at sampaguita," ani ng isang batang babae sa kanya. Wala siyang choice kundi bilhan ang bata, nakakaawa naman kase.
"Sige, magkano ba?" tanong niya dito.
"Ubusin niyo nalang po ang sampaguita ko, fifty pesos nalang po ito lahat," sagot ng bata, saka iniabot sa kanya ang sampaguita.
"Huwag na, bibigyan nalang kita ng limang daan, ibenta mo nalang 'yan, pero promise mo muna sa'kin na hindi mo ipagsasabi ito," nakangiting saad ni Celina sa bata.
"Talaga po?!" bulalas nito na halos hindi makapaniwala.
Tumango siya at saka ibinigay dito ang limang daang piso. Tuwang-tuwa ang batang babae sa ginawa niyang iyon. Ibinigay nito sa kanya ang sampaguita pero hindi niya iyon tinanggap, bagkus ay pinagsabihan niya itong muli na ibenta na lang.
Sa di-kalayuan ay nakatanaw lang si Lucas. Napangiti siya sa nakita. Aaminin niyang ayaw niya talaga sa dalaga dahil nga lantaran itong magpahayag sa kanya nang damdamin which is not proper for a woman like her.
Nakita niyang tumayo si Celina at pumara ng taxi, dali-dali namang pumasok si Lucas sa kanyang kotse at mabilis na pinaandar iyon patungo sa harapan ng dalaga.
Halos mapatalon si Celina nang huminto sa harapan niya ang kotse ni Lucas. Lihim siyang nagtaka. Saka kunot-noong nakatingin dito.
"Hop in!" utos nito. Tila naman napaawang ang labi ni Celina. Si Lucas Montenegro ba talaga 'to? Imposible, halos mandiri nga ito sa kanya, e.
"Seriously? Ikaw?" hindi napigilan ni Celina ang sarili. Napangisi siya sa seryosong mukha ni Lucas. How funny is it, right? Kung kelan hindi na siya naghahabol dito, mukhang heto na yata ang naghahabol sa kanya. Tadhana nga naman. Pero agad ring napalis ang isipin niyang iyon nang maalala si Gabriela. Teka, ba't nandito si Lucas, 'di ba dapat binibisita nito ang nobya nito?
"Sasakay ka ba o hindi?" iritadong tanong nito sa kanya.
Since wala na namang gaanong taxi na bumibiyahe roon, walang choice si Celina kundi paunlakan ang paanyaya ng binata. Binuksan niya ang frontseat ng kotse nito at saka pumasok sa loob niyon.
Nagulat si Celina nang lumapit sa kanya si Lucas. Napalunok siya nang titigan siya nito ng mariin. Amoy niya ang panlalaki nitong pabango na nanunuot sa kanyang ilong na tila ba naghahatid iyon ng libu-libong kiliti sa kanya. Pero sinaway niya ang sarili. Pigil-hiningang nakatitig lang siya sa mga mata nito.
"Ano'ng gagawin mo?" siyempre sa gulat ni Celina at sa nakakapanibagong kilos ni Lucas ay normal na gano'n ang magiging reaction niya.
"Don't you know how to fasten your seatbelt?!" pagdakay inis na saad nito sa kanya. At saka inayos nito ang kanyang seatbelt. Hindi siya nakapagsalita, ang tanging naririnig niya lang ay ang malakas na pagkabog ng kanyang puso.
"Of course, alam ko, nakalimutan ko lang e-buckle," sagot niya sa binata at hinayaan na lamang niya ito na isara ang kanyang seatbelt. Halos gusto nang sumigaw ni Celina sa kilig na nararamdaman but she need to fight her feelings, for Gabriela.
Naririnig kaya ni Lucas ang pagkabog ng kanyang puso? Bahala na si Batman. Naging awkward tuloy ang atmosphere. Ni isa sa kanila'y walang nagsasalita. Tanging ang tunog ng aircon ang naririnig ni Celina. Pinili na lamang niyang aliwin ang sarili sa bawat scenery na kanilang nadadaanan.
"Your address?" tanong ni Lucas. Napasulyap siya sa binata. At sinabi niya dito ang exact location niya.
Nang makarating na siya sa bahay na inuupahan niya'y, nagulat na lamang si Celina nang madatnan si Aling Perla na ibinabalibag lahat ng kanyang gamit sa labas ng bahay. Nagmamadaling lumabas siya sa kotse ni Lucas at hinarap ang matandang babae.
"Aling Perla hindi naman yata tama 'yang ginagawa ninyo," angil niya sa matandang babae.
"Hoy, Celina, ano ba ang mas tama, ikaw? Aba! Hindi pwedeng ganito nalang lagi, alalahanin mo may mga anak akong pinapag-aral, magbayad ka kase para hindi kita mapalayas madali lang naman akong kausap ah," talak nito at saka napasulyap ito kay Lucas na ngayo'y nasa likuran niya.
"Oh, may boyfriend ka pa pala? Hmmm.... mukhang mayaman na man 'yan, ba't hindi ka mangutang sa kanya ng hindi ka mapaalis dito," sarkastikong sabi nito.
"Here! Keep the change!" ani ni Lucas sa matandang babae at ibinigay ang sampung-libong piso, halata sa anyo ng binata ang kanina pang pinipigilang galit.
Akmang magsasalita pa sana si Celina nang marahas na hilahin siya ni Lucas patungo sa kotse nito. At saka siya ipinasok sa loob at mabilis na pinaandar ang kotse nito.
"What the heck, Lucas! Baliw ka ba, paano iyong mga gamit ko? At bakit mo naman ginawa iyon?" palatak ni Celina.
"Paalala ko lang sa'yo, hindi iyon libre, babayaran mo iyon sa'kin, I already received your resume from Caren through email, and tonight, I hired you as my secretary, satisfied?" simpleng sagot ni Lucas. Tila nabuhayan si Celina. Sa wakas, may trabaho na rin siya. Dahil sa tuwa niya'y hindi niya napigilan ang sarili at napayakap siya sa binata.
"What the f-ck!" iritadong asik ni Lucas sa kanya, at agad namang natauhan si Celina nang mapansin ang posisyon nila. Mabilis ang kilos na lumayo siya sa supladong binata at saka siya napairap. Suplado talaga ng mokong na 'to.
"Papaano iyong mga gamit ko?" singit niya sa binata.
"Bumili ka nalang ng bago mong damit, as your boss, it's my duty to give all your necessities. The company will handle everything, this time dadalhin kita sa apartment na tutuluyan mo malapit sa Montenegro building," seryosong saad ni Lucas sa kanya.
Napalunok si Celina. Wala na naman pala siyang problema, e. Lihim siyang nagpasalamat sa Dios. Ang bait talaga ng Dios sa kanya. Iba talaga 'pag ang Dios na ang gagawa.
Makalipas ang ilang minuto'y nakarating na rin sila sa sinasabing apartment ni Lucas. Napamangha si Celina sa ganda nito. Masasabi niyang eksakto lang sa isang tulad niya. Napangiti siya at mabilis na umibis mula sa kotse ng binata.
Mula sa bulsa ni Lucas kinuha niya ang susi at saka siya umibis sa sariling kotse. Tinungo niya ang gate ng apartment saka ito nabuksan. Naunang pumasok si Lucas, sumunod lang sa kanya si Celina. Pagbukas ni Lucas sa pintuan ng looban ng apartment mas lalong namangha si Celina.
Masasabi ni Celina that the apartment was spacious and ornate, bear cheap, remote and windowless, perfectly sumptuous, grim lower-class, secret infidel, ramshackle, shabby two-room, entire high rise, handsome high-rise, gothic and gloomy, extremely sumptuous, modest but elegant, and elaborately frescoed. Napangiti siya at saka napaharap sa binata.
"Do you like it?" simpleng tanong nito sa kanya. Napangiti si Celina.
"Perfectly! Thank you, kung wala ka siguro baka sa kalye na ako nakatulog ngayong gabi, seriously, salamat Lucas," seryosong tugon niya sa seryoso pa ring binata. Nang hindi sinasadyang tumunog ang sikmura ni Celina. Napangiwi siya at napatingin sa binata.
Kinuha ni Lucas ang cellphone at saka may tinawagan. Narinig ni Celina na pagkain ang in-order nito. Sa ngayon, walang-wala talaga siyang pera. Nahihiya na rin siyang lumapit sa kaibigang si Hercules. Kinapalan na talaga niya ang mukha, kung sabagay makapal na naman talaga ang kanyang mukha pagdating kay Lucas.
"Gutom na talaga ako, by the way, may extra bang damit sa taas?" tanong ni Celina sa binata, napasulyap sa kanya si Lucas. Hindi ito sumagot sa tanong niyang iyon bagkus ay kinuha nitong muli ang sariling cellphone at may tinawagan, napansin ni Celina na panay ang hilot ni Lucas sa sentido nito. Tila nag-alala naman siya sa binata.
Tinungo ni Lucas ang maliit na livingroom ng apartment at naupo roon at saka sumandal habang may kausap ito sa cellphone. Nang marinig ni Celina ang pagtunog ng doorbell, tinungo niya ang gate at kinuha ang in-order na pagkain ni Lucas kanina lang. Napangiti ang delivery boy nang sabihin niyang maghintay muna ito sandali at babalikan niya ang bayad, ba't naman kase lumabas siyang walang dalang pera?
"From Montenegro Italian Restaurant po 'yan ma'am kaya no need nang bayaran, sige po aalis na po ako," paalam ng delivery boy sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi nito, ba't nga ba nawaglit sa isipan niya ang bagay na iyon, malay niya bang galing pala sa restaurant na iyon ng mga Montenegro.
Pumasok na siya sa loob ng apartment. Nang tuluyan na siyang makapasok napansin niyang nakatulog si Lucas sa couch. Napahawak si Celina sa kanyang sikmura, gutom na talaga siya. Tinungo niya ang maliit na kitchen at saka doon nilantakan ang pagkaing in-order ni Lucas. Eksaktong muling tumunog ang doorbell ay tapos na siyang kumain. Napasulyap muna siya sa malaking orasan sa dingding at saka niya napansin na alas nuwebe na pala ng gabi.
Lumabas na muli si Celina sa apartment at tinungo ang gate. At saka sinalubong ang isang babae na tantiya niya sa postura nito'y parang manager, napasulyap siya sa likod nito, may kotse itong dala. "Ano'ng atin po ma'am?" tanong niya sa babae.
"Inutusan po ako ni sir Lucas na ihatid ko raw po ito dito since malapit lang naman ang bahay ko sa apartment na ito," nakangiting tugon nito at saka iniabot sa kanya ang tatlong paperbag nang Louis Vuitton, Channel at Dior. Halos lumuwa ang mga mata ni Celina. Ano naman kayang laman ng mga paperbag na ito? Kinuha niya ang mga ito mula rito.
"Sa-salamat po, ibibigay ko po ito kay sir, Lucas," ani ni Celina at saka nagpaalam sa kanya ang naturang babae. Muling pumasok sa loob ng apartment si Celina. Natukso siyang buksan ang mga paperbag. Laking gulat niya nang mapagtantong halos damit na pambabae ang laman niyon, saka lang niya naisip na may tinawagan nga pala ito kanina. Nanayo ang balahibo ni Celina nang pati underwear at bra ay meron siya. Paano nalaman nito ang vital estatistic niya? Hindi niya napigilan ang sariling pisngi na mamula.
Dinala ni Celina ang mga ito sa isang kwarto na napili niyang doon siya matutulog, dalawa kase ang kwarto sa apatment na iyon, nagpasalamat si Celina dahil may sarili iyong banyo at may maliit pang balcony. Nawaglit sa isip niya ang natutulog na si Lucas. Dahil rin siguro sa pagod, dire-diretsong nahiga si Celina sa malambot na kama. Nakalimutan niya pang isara ang nakaawang na pintuan ng kanyang silid. Hanggang hilahin na nga siya ng antok habang hawak-hawak ang tatlong paper bag.
NAGISING si Lucas. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, saka niya napagtanto na dinala niya pala si Celina sa apartment na ito. Tumayo siya, napansin niya sa mesa ng maliit na kusina ang pagkaing in-order niya mula sa Montenegro restaurant. Napaangat ang tingin niya sa hagdanan, tila dinala siya ng kanyang mga paa sa taas, pumanhik siya sa taas at napansin niyang bukas ang isang kwarto. Kumunot ang noo niya, heto siguro ang napili ng dalaga. Nilapitan niya ang nakaawang na kwarto at saka sumilip doon, natagpuan niya ang natutulog na dalaga. Nilapitan niya ito at saka mula sa mga kamay nito'y dahan-dahan niyang kinuha ang mga paper bag na hawak nito at saka inilagay niya sa bedside table. Kinumutan niya ang tila pagod na si Celina.
Malaya tuloy na napagmamasdan ni Lucas ang maamong mukha ng dalaga. She has this Greek nose of hers, her heart shape lips really catch his attention, it was so kissable but Lucas tried to control himself. Damn it! He wanted to claimed that lips. Umigting ang panga ng binata, saka niya biglang naalala si Gabriela. Her poor girlfriend who was now suffering a cancer. Muli'y napasulyap si Lucas sa hugis pusong mukha ni Celina. Ano bang meron sa babaeng 'to at ginugulo nito ang kanyang sistema? Kailangan niyang patayin ang nararamdaman para kay Celina, magagawa lang niya ito kung pakakasalan niya si Gabriela. Ngunit tama bang gawin niya iyon?
NAKAHIGA niya sa kanyang hospital bed si Gabriela. Ramdam niyang nanghihina na talaga ang katawan niya. Gusto na niyang magpahinga. Napaluha si Gabriela. Pero kailangan niyang lumaban para kay Lucas. Para sa mahal niyang si Lucas.
Bigla niyang naalala si Celina. Napangiti siya. Ang tulad ni Celina ang kailangan ni Lucas, kailangan niyang gumawa ng paraan para magkalapit ang dalawa. Pero paano nga ba niya magagawa iyon? Napaisip si Gabriela. Saka siya nagpakawala nang marahas na hininga.
Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa doon si Lucas. Nagulat siya, napasulyap siya sa orasan. Alas diyes na ng gabi. Bakit ngayon lang ito napadalaw sa kanya. Lumapit ito sa kanya, malungkot ang mukha ng kanyang nobyo, halatang pagod ito.
"Ba't gising ka pa? I bought you some fruits," saad ni Lucas at saka siya nito hinalikan sa noo, pagdakay sa mga labi. Matagal, na tila nararamdaman niya roon ang labis na paghihirap at kalungkutan ng nobyo. Nang putulin nito ang kanilang halikan, ay naupo ito sa kanyang kanan.
"I'm sorry, hindi kase ako makatulog pero nakatulog naman ako kanina," pinilit niyang ngumiti sa harap nito.
Pinakatitigan siya ng nobyo. Hinaplos niya ang makinis nitong mukha. Lucas is so hot like his father, Mike Montenegro. Hinuli nito ang kanyang mga palad at masuyo nito iyong hinalikan. Hindi na napigilan ni Gabriela ang sarili, kusa nang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
"Ssshh..., don't cry, I'm here," si Lucas at muli siya nitong hinagkan sa mga labi, tinugon niya ang halik na iyon ng nobyo. Saka niya naramdaman na tinuyo nito ang kanyang mga luha gamit ang mga palad nito, masuyo.
"Gusto ko nang magpahinga, Lucas. I'm just so tired, gusto ko nang.... mamatay...." halos bulong na sabi ni Gabriela. Napayakap sa kanya nang mahigpit ang nobyo.
"No! Please....., fight for me,
Gabriela...," sumamo ni Lucas. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang magandang mukha ng nobya. Pinakatitigan niya ito ng maigi.
"Pagod na 'ko, Lucas...., I can't take it anymore," pagod na sagot ni Gabriela.
"Then marry me!" may diing tugon ni Lucas sa kanya. Nagulat siya sa maling desisyon nito. Napatitig siya ng matagal sa mga mata ng nobyo.
"I can't, Lucas....," tanggi niya dito. Nakita niya kung paano nasaktan ang binata sa sagot niyang iyon. Tila naman nakaramdam ng kirot si Gabriela nang mapansin iyon.
"Please....., marry me! Bukas na bukas din ay ikakasal tayo! And that's final!"pinal na saad nito sa kanya, alam niyang hindi na magbabago pa ang nais ng nobyo, iba si Lucas 'pag heto na ang magdesisyon, kahit sinong Poncio Pilato pa ang haharang walang makakapigil dito. Kahit pa Presidente ka pa ng Pilipinas. Pero hindi pwedeng makasal sila ni Lucas.
May parte sa kanya na masaya dahil ikakasal na siya sa lalaking pinapangarap niya. Pero ang isang parte nama'y tutol sa nais nito.
"Kumusta na siya, Hercules?" tanong ni Sandro sa anak. Mula sa kanyang swivel chair napatayo si Hercules at hinarap ang amang si Sandro Del Fuego.
"She's in a good hands, dad," sagot niya sa ama, tukoy nito kay Celina. Kumunot ang noo ni Sandro sa tinuran na iyon ni Hercules.
"What do you mean, she's in good hands?" puno nang kuryusidad na tanong ng Ginoo.
"Base sa mga resources ko kasalukuyan siyang nakatira sa isang apartment na pinagdalhan sa kanya ni Lucas Montenegro," walang gatol na sagot ni Hercules sa ama.
Bigla namang nabunutan ng tinik si Mr. Sandro Del Fuego. Hangad niyang mapabuti ang kalagayan ni Celina. Hindi niya alam kung kailan niya haharapin ang dalaga at sabihin dito ang katotohanan.
"Hanggang kailan natin ito ililihim dad? Sa tingin ko naman, matatanggap siya ni mommy, mabait si mommy at alam kong malawak ang kanyang pang-unawa para tanggapin si Celina sa pamilyang ito. Maghihintay na lang ba tayong sa ibang tao pa malaman nina mommy?" hindi na napigilan ni Hercules ang sarili. Kasabay nang pagkuyom ng kanyang mga kamao.
Umigting ang panga ni Mr. Sandro Del Fuego at kinuwelyuhan ang anak. "Huwag na 'wag mo akong pangunahan sa desisyon ko, Hercules. Anak lang kita. Alam mong may sakit ang iyong ina, maatim mo ba 'yon? Utak Hercules 'yan ang paganahin mo! Kaya ka nalalamangan ni Lucas dahil ang kitid ng utak mo!" mariing sabi nito at saka siya marahas na itinulak. Inis na umalis ang kanyang ama mula sa kanyang opisina. Narinig pa niya ang malakas na kalabog ng pintuan ng kanyang opisina.
Damn it! Ang pinakaayaw niya'y ikinokompara siya sa bwesit na Lucas na iyon! Nagtangis ang bagang ng binata. Pero agad din niyang pinatay ang galit na nabuhay sa kanyang dibidib na ang kanyang ama ang dahilan para magalit siya kay Lucas, dahil kung tutuusin wala naman itong kasalanan sa problemang kinakaharap nila ngayon ng sariling ama. Dahil sa inis niya'y sinuntok niya ang sariling mesa. Bullshit!!