Kabanata 1

3631 Words
Dali-daling pumikit si Celina nang makapasok nang tuluyan ang doktor. Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan ng dalawa. Ayon ng doktor, anytime pwede na siyang lumabas. Narinig n'yang bumukas ang pinto ng kanyang silid na inukopa hudyat na umalis na ito. Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ni Lucas. Pinipigilan ni Celina na huwag mapangiti. Sa totoo lang sobrang kinikilig siya. Ikaw ba naman ang tulungan ng lalaking pinapangarap mo. 'Di ba umaayon sa kanya ang tadhana, ang tadhana na mismo ang naglalapit sa kanila. Ipinangako ni Celina sa sarili na balang araw ay magugustuhan rin siya ni Lucas Montenegro. Kung kailangan niyang pikutin ito ay gagawin niya. Gustuhin man ni Celina na idilat ang kanyang mga mata'y hindi niya magawa. Nakikiramdam lang siya. At narinig niyang may tinawagan si Lucas. Pinigilan niya ang sarili na huwag mapanguso. Akala pa naman niya'y makakasama niya ito ng matagal. Nang marinig ni Celina ang muling pagbukas ng pinto ng kanyang silid. Saka n'ya iminulat ang mga mata sabay nguso. Bumalikwas siya nang bangon at saka in-imagine ang gwapong mukha ng binata. "Ma'am, inutusan po ako ni Mr. Montenegro na ihatid po kayo sa inyo," magalang na saad ng isang lalaki na nakasuot ng itim na tux. "Salamat," tanging nasabi na lamang ni Celina. Akala pa naman niya'y si Lucas mismo ang maghahatid sa kanya. Iminuwestra ng lalaki na pumasok na siya sa loob ng kotse. Sumakay si Celina at inutusan niya ito na ihinto siya sa ospital kung saan naka-confine ang kanyang ina. Nagpasalamat si Celina sa naturang lalaki at saka siya bumaba at pumasok sa loob ng ospital. Nabahala siya sa ina. Ang pinaka-ayaw niya ay ang makita na nahihirapan ito. Pumasok agad siya sa silid nito. Pero ang luhaang si Aling Teri ang naabutan niya doon. Kumunot ang noo niya at kasabay no'n ang pagkabog ng kanyang dibdib. No! This can't be! "Hija," tangis nito. Tulala si Celina. Alam na niya ang gusto nitong sabihin. Saka nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Hercules. Hindi na napigilan ng binata na yakapin ang dalaga. Kung pwede lang sana niyang sabihin kay Celina ang buong katotohanan. Pero kailangang protektahan ni Hercules ang ina niyang may sakit. Mabubulabog ang pamilya Del Fuego kung malalaman ng publiko ang pinakmalaking sikreto na itinatago ni Hercules at ni Don Sandro. "Wala na ang inay ko Hercules," hikbi ni Celina. Humagulgol siya sa matipunong dibdib ng kaibigan. "Sshhh.., I'm here, nandito lang ako para sa'yo," napapikit si Hercules. Damn! Niyakap niya nang buong higpit ang umiiyak na dalaga. Humagulgol lang si Celina. Ramdam niya ang bigat ng kanyang dibdib. Ni hindi man lang niya nayakap ang ina nang buhay pa ito. Siya na lamang mag-isa sa buhay ngayong wala na ang kanyang mahal na ina. Si Hercules, isang kaibigan na ang tingin sa kanya'y kapatid. Pero nahihiya na siya dito. Ilang babae na ba ang kanyang nakabangga sa tuwing magkasama sila nito? Minsan nga'y ang mga naging girlfriends nang binata'y nagseselos sa kanya. Makailang beses na ba siyang pinagbantaan ng mga babaeng naging flings ni Hercules? Hindi na niya mabilang. Pero kahit gano'n pa man, walang-malisya para sa kanya ang pagiging closeness nila ng binata. Dahil ang turing niya dito'y isang nakatatandang kapatid. Isa lang ang lalaking tinatangi ng kanyang isip at damdamin. Walang iba kundi si Lucas Montenegro. Lumipas ang isang buwan, hindi pa rin matanggap ni Celina ang pagkawala ng kanyang ina. Kasalukyan siyang nakaupo sa kanilang hagdanan na gawa sa kahoy. Minsan naisip niya, nasaan na nga ba ang kanyang ama? Ang sabi ng inay niya, mayaman daw ang kanyang ama. Ang gusto lang naman ni Celina ay makilala ang ama. Nagdadalawang-isip siyang puntahan ang address na ibinigay nito sa kanya. Kahit mahirap lang sila ng kanyang ina naitaguyod naman siya nito at nakapagtapos siya bilang Associate's Degree in Office Management. Marahas na pinahiran ni Celina ang mga luha sa kanyang mga mata. Ang problema lang naman niya'y tapos nga siya sa pag-aaral pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tinatawagan ng mga kompanyang pinag-applayan niya. NAPAHINTO SI Lucas sa ginagawa at saka naalala si Celina. Kumusta na kaya ito? Nakauwi na kaya ito ngayon? Para masiguro'y kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga tauhan niya na inutusan niya kanina. Maagap naman itong sinagot ng kabilang linya. Ngunit napakunot-noo siya nang sabihin nito na sa isang pampublikong ospital nagpahatid ang dalaga. Tila nagtataka si Lucas. At sino namang nasa ospital? Bigla siyang naalarma sa sarili. Ano bang pakialam niya sa babaeng iyon? Ipinilig niya ang kanyang ulo at muling ibinaling ang atensiyon sa ginagawa. Nakarinig ng katok si Lucas sa kanyang pinto. "Come in," tipid niyang sagot. Pumasok ang kanyang sekretarya na tila nagdadalawang-isip kong sasabihin ba kay Lucas ang nais na pakay o hindi. Pagdaka'y, nagpakawala ito nang marahas na buntong-hininga. "Si-sir, magpapaalam po sana ako sa inyo, magre-resign na po ako," nauutal na saad ni Caren sa nakakunot-noong C.E.O. Napatayo si Lucas. Tila nagulat sa narinig kay Caren. Matagal na itong nagtatrabaho sa kanya. Magaling ang dalaga at wala siyang maipipintas rito. Kaya lang minsan talaga'y may pagkakataon na sinusumpong siya ng pagka-mainitin ang ulo. Lalo na't may mga tauhan na palpak kung magtrabaho. "Just make it sure that your reason was valid," maawtoridad na sagot ni Lucas sa nakayukong sekretarya. "Ka-kailangan ko pong samahan ang aking Lola dahil namatay na po ang aking lolo, ayoko po namang ibang tao ang magbabantay sa kanya. Pero sir, may kilala po akong magaling magtrabaho. Irerekomenda ko po siya sa'yo, promise po hindi po kayo mabibigo sa kanya, magaling po 'yon," turan ni Caren sa seryosong C.E.O. "Sige, bukas na bukas papuntahin mo rito ang sinasabi mong kakilala," tugon ni Lucas. "Salamat po sir," magalang na sabi ni Caren sa kanyang boss at tila nabunutan siya ng tinik. Makakasama na rin niya ang kanyang Lola Matilda. Tumango lang si Lucas, at saka nagpaalam si Caren sa kanya. Hiling ni Lucas na sana'y magaling nga ang inirekomenda nitong kakilala. Saka siya napahilot sa kanyang sentido at muling napa-upo sa kanyang swivel chair. Muling bumukas ang pintuan at pumasok doon ang kanyang magandang girlfriend na si Gabriela, isang modelo ang dalaga. Mabait, maganda, matalino at higit sa lahat sexy. Tila nabuhay ang dugo ni Lucas nang makita ang mala-anghel nitong mukha. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapansing tila mas pumayat ito ngayon. Tumayo si Lucas at nilapitan ang magandang dalaga. Kinumuyos niya agad ito nang halik sa labi. Pero laking gulat ni Lucas nang ibang imahe ang nakikita niya nang ipikit n'ya ang mga mata. Damn it! Si Celina. "Hey, what's wrong?" nagtaka si Gabriela nang biglang huminto sa paghalik sa kanya ang boyfriend. Kumunot ang kanyang noo. Pero naintindihan niyang baka pagod lang ito. Hindi madali ang maging isang C.E.O. Alam niyang malaking nakaatang sa balikat nito. Lalo na't lumalago ngayon ang negosyon ng mga Montenegro. "I'm sorry, I-I think I'm just tired," ani ni Lucas at saka iminuwestra ang couch para makaupo ang dalaga. Napahawak siya sa kanyang sentido. Bigla namang naalarma si Gabriela at saka siya napatayo para masahein ang ulo ng boyfriend. Napangiti si Lucas. Kaya mas lalo niyang minahal si Gabriela dahil sa maalaaga ito at maaalahanin. Nakaramdam siya nang guilt nang maalala ang nangyari sa kanila ni Celina sa loob ng kanyang Limo. Lihim siyang napamura. Damn that b***h! Napangiti si Gabriela. Nakatulog si Lucas sa kanyang ginagawa. Hinalikan niya ang nobyo ng buong puso sa noo. She was so lucky for having Lucas Montenegro. Ngunit agad ring napawi ang ngiting iyon nang maalala niya ang sinabi ng kanyang doktor. Tumulo ang kanyang mga luha. Saka niya maagap na pinahiran iyon. Paano nga ba niya masasabi sa nobyo ang kanyang tunay na kalagayan? Hindi niya kaya. Pero naisip niya, mas masasaktan ito kung patatagalin pa niya. Hinaplos niya ang mukha nang nobyo. Mahal na mahal niya si Lucas. Pero ilang buwan na lang ang itatagal niya sa mundo. She have a cancer, stage four na. May tumor siya sa utak. Kaya nga bigla siyang pumayat. Ramdam niyang nanghihina na siya. "I love you," bulong niya sa nobyo. Kasabay nang pagpatak ng kanyang mga luha. Nag-ring ang kanyang cellphone. Ang Mommy niya ang tumawag. Tumayo siya at dahan-dahang nilisan ang opisina ng nobyo at saka maingat na isinara ang pintuan ng opisina nito. "Mom?" mahinang saad niya sa ina. "Nasabi mo na ba?" tanong agad nito. "Mommy, hindi ko po kaya, nauunahan ako nang panghihina nang loob. Mom, natatakot akong masaktan si Lucas. I can't....," malungkot na tugon niya. "But you have to tell him, Gabby," ani ng kanyang ina. Naglalakad si Gabriela sa may garage ng Montenegro Industries para tunguhin ang sariling kotse nang bigla siyang mahilo. Eksakto namang nandoon si Celina para ipasa ang kanyang requirements dahil ang sabi ng kaibigan niyang si Caren siya daw ang inirekomenda nitong papalit dito bilang sekretarya ni Lucas. Halos magtatalon sa tuwa at kilig si Celina. Sa wakas makakasama na niya ang kanyang lover boy. Papasok na sana si Celina sa loob ng Montenegro building nang mamataan niya ang isang magandang babae na tila nahihilo. Naalarma si Celina, napasulyap siya sa kanyang wristwatch. Mas matimbang sa kanyang nasa na tulungan ang tila nanghihinang babae. Imbes na tunguhin niya ang entrance ng building, mas pinili niya munang tulungan ang kanyang kapwa. "Miss. okay ka lang ba?" tanong ni Celina kay Gabriela. Napalingon si Gabriela sa maamong mukha na iyon ni Celina. Napahawak si Gabriela sa kanyang noo. Agad na dinaluhan ni Celina ang dalaga at tuluyan na nga itong hinimatay. Nagulat si Celina nang tila namumutla ito. Sumigaw siya nang tulong. Mabuti na lang at maagap ang guard at agad na tumawag ng ambulance. Taranta si Celina. Tinapik-tapik niya ang babae. Mas nagimbal siya nang mapansing wig lang pala ang buhok na ginagamit nito. Tila biglang nakaramdam nang awa si Celina sa magandang dalaga. Hindi niya napigilan ang sarili at napayakap dito. Pagdating nang ambulansiya ay nawala sa isip ni Celina ang naturang pakay, mas pinili niyang unahin ang babae kesa ang magpasa ng requirements. Sinamahan niya ang babae sa loob nang ambulance. Napasulyap siya sa kanyang cellphone na walang tigil sa pag-ring. Si Caren ang nasa kabilang linya. Lihim siyang umusal sa Dios na sana pwede pa siyang magpasa mamaya. Valid naman siguro ang reason niya kung sakaling magtanong ang supladong CEO ng Montenegro building. Isinantabi niya muna ang kilig moments niya. Mas nag-alala siya sa babaeng ito. Masasabi niyang napakaganda nito. Nakaramdam tuloy siya ng insecurities. Hindi na man siya ganito dati. Ipinilig niya ang ulo at saka mahigpit na hinawakan ang dalawang kamay ng babae na ngayo'y nilagyan ng oxygen ng mga nurses. "Sana maging okay ka na Miss. magpagaling ka sana," tugon niya, saka niya naalala ang kanyang ina, hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Naisip niya. Hindi mo alam ang bukas kung buhay ka pa ba, ang tanging hiling ni Celina sa Dios, na sana bigyan pa siya ng Dios ng buhay at lakas. Gusto pa niyang mabuhay sa mundo, magka-anak at magka-asawa. Pinangako niyang gagawa siya ng mabuti sa kanyang kapwa. Pagdating sa hospital ay maagap na isinakay ang magandang babae sa wheeled stretcher ng mga nurses. Naiwang napaupo si Celina sa isang bench. Saka lumapit sa kanya ang isang nurse. "Miss. I think, bag ito ng pasyente, kaano-ano mo ba siya?" tanong nito saka iniabot sa kanya ang bag ng pasyente. "H-hindi po kami related, ako po ang tumulong sa kanya," sagot niya, nalulungkot siya para sa dalaga. "Gano'n ba, sige kami nalang ang tatawag sa mga kapamilya niya," ani ng nurse at saka inilagay sa isang transparent. Napatango lang si Celina. Saka siya nagpakawala ng marahas na hininga. Muli'y tumunog ang kanyang cellphone. Tumayo siya at saka sinagot ang tawag ng kaibigang si Caren. Inilayo niya sa tenga ang kanyang cellphone. Sermon ang inabot niya kay Caren. "I'm sorry, okay? May tinulungan lang ako, kawawa naman kung pababayaan ko nalang, kung ikaw ang nasa kalagayan ko paniguradong gagawin mo rin ang ginawa ko," ani niya kay Caren. "Pasalamat ka't tulog si sir Lucas," tugon ni Caren sa kanya. "Sige, pupunta na ako diyan," ani niya at nagmamadali siyang lumabas ng ospital at saka pumara ng taxi patungo sa Montenegro building. NAGISING SI Lucas sa tunog na iyon ng kanyang cellphone. Napamulat siya at kinuha ang cellphone saka tiningnan kung sino ang caller. Napakunot-noo siya nang tawagan siya ng ina ng nobya. Speaking of Gabriela, where is she? Iginala ni Lucas ang paningin sa malawak niyang opisina. Nasaan na nga ba ang kanyang girlfriend? Napatayo siya saka sinagot ang tawag. Halos matulos siya sa kinatatayuan, nasa hospital daw ang kanyang girlfriend. Halos liparin ni Lucas ng kanyang mga paa ang pintuan ng kanyang opisina. Nagmamadaling tinungo niya ang sariling elevator pababa sa garage. Kinakabahan siya para sa nobya. Damn it! Nang makalapit na siya sa sariling kotse ay agad niyang pinaharurot ito nang takbo. Napahigpit ang hawak ni Lucas sa kanyang manibela. Labis-labis ang pag-alala niya kay Gabriela. He's wondering kung ano'ng nangyari rito, bakit naman ito biglang dinala sa ospital, e, bago lang sila nagkita kanina at ang sigla pa nang hitsura nito nang makita siya. Nang marating niya ang ospital agad na umibis si Lucas sa sariling kotse. Halos manginsay sa kilig ang mga nurses at staff ng ospital nang makita si Lucas Montenegro. Tinanong niya sa front desk kung nasaan ang kwarto ni Gabriela. Agad naman siyang sinagot ng mga ito at saka mabilis kanyang kilos na tinungo ang kwarto kung nasaan ang dalaga. Bumukas ang pintuan ng kwarto ng kanyang nobya at lumabas doon ang isang babaeng doktor. "Doc, ano'ng nangyari sa pasyente?" maagap na tanong ni Lucas sa doktor at saka bumundol ang kaba sa kanyang. Napayuko ang doktor. "I'm so sorry but she has a brain tumor stage four," malungkot na tugon ng doktor. Parang sinakluban ng langit at lupa si Lucas. No! Umigting ang kanyang panga, kasabay nang pagkuyom ng kanyang kamao. "I just want to remind you Mr. Montenegro, the average survival time is 12-18 months, only 25% of glioblastoma patients survive more than one year, and only 5% of patients survive more than five years," pagpapatuloy ng doktor. "So, what is the best way for her to at least to extend my girlfriend's life doc," nanlulumong tanong ni Lucas sa doktor. "A Chemotheraphy, for anti-cancer to destroy brain tumours cells. But, Mr. Montenegro, it can be difficult to treat brain tumours with some chemotheraphy drugs because the brain is protected by the blood brain barrier," sagot ng doktor. "Please doc, gawin ninyo ang lahat madugtungan lang ang buhay ng girlfriend ko," pagmamakaawa ni Lucas sa doktor. "Lucas!" sambit ng ina ni Gabriela sa binata. Nasa likod nito ang asawang si Mr. Gomez. Hinarap ni Lucas ang mga magulang ng nobya at kinompronta ang mga ito dahil sa inilihim ng mga ito sa kanya ang kalagayan ng kanyang mahal na nobya. "Damn it! Bakit ninyo inilihim sa'kin ang sakit niya?" galit na tanong ni Lucas sa Ginang na lumuluha. "Dahil iyon ang nais ng anak ko Lucas, hindi lang ikaw ang nasaktan dito. Mas lalo na kami, ako, dahil ako ang nagluwal sa kanya," turan ng Ginang at napayakap sa asawa, kasabay nang paghagulgol nito. "CAREN, pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakarating, heto na ang mga requirements ko, sigurado ka ba talagang no need na nang madamihang experienced?" ani ni Celina sa kaibigan. "Backer mo ako, kaya 'wag kang mag-alala, approved ka na agad kay sir Lucas. Basta ba habaan mo lang ang pasensiya, bugnutin kase 'yon," turan sa kanya ni Caren. Lihim na napangiti si Celina, nawaglit sa kanyang isipan ang patungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. Iginala niya ang malaking opisina na kinaroroonan ng kaibigan, ang lawak pala talaga ng Montenegro building? Well, naisip rin niya an office secretary maintains the smooth running of an office through a variety of administrative and clerical duties. Kung loobin na tanggapin siya ni Lucas bilang sekretarya nito, aba mas maigi iyon, na-imagine niya on how to handle office schedules, coordinate meeting and visits, organize files, answer phones and a perform a huge array of other essential task. Masasabi ni Celina, job growth for office secretaries is slow but steady. "Sigurado ka ba Caren?" curious na tanong niya, ni hindi nga siya natanggap ng mga kompanyang ina-applayan n'ya, dito pa kaya sa Montenegro building na kilala sa larangan ng business world, isang karangalan 'yon sa kanya kung sakali. Mapapahiya ang mga kompanyang in-applayan niya. Ngunit ang hindi alam ni Celina, si Hercules ang dahilan kaya hindi siya matanggap-tanggap dahil binabara nito ang kanyang application form. Ayaw niyang magtrabaho sa ibang kompanya ang dalaga. Ang problema naman ngayon ni Hercules hindi siya pwedeng basta-basta makapagbara lalo na't ang mga Montenegro ang babanggain niya. "Oo naman, 'di ba nga may 3 years ka nang experienced do'n sa dati mong tinatrabahoan, iyong kay Mr. Lee, iyong muntik nang gumahasa sa'yo, alam mo bang papalubog na ang kompanya ng intsik na 'yon? Binili na nga 'yon ni Sir Lucas, e, alam mo ba kung ano'ng chicka? Umalis na raw 'yon dito sa Pilipinas at bumalik sa China," palatak nang chismosa niyang kaibigan. "Buti nga sa kanya, ipapakulong na sana siya ni Hercules, pasalamat siya at inurong ko ang demanda. Kung hindi lang talaga dahil sa anak niyang babae malamang nasa selda na ang ugok na intsik na 'yon," nakangusong turan ni Celina. NASA SARILING KWARTO SI Lucas, binuksan niya ang email na ini-send ni Caren sa kanya, nagulat siya nang makita ang bwesit na babae. Si Celina. Kumunot ang noo niya. Really? Sa lahat ng tao, heto pa talaga ang naging kaibigan ng sekretarya niya? Damn it! Kung babagsak ito sa standards na hinahanap niya ay hindi niya ito tatanggapin. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Hindi lingid sa kanya na sobrang patay na patay sa kanya ang dalaga noon. Ngunit nang buksan niya ang files nang dalaga, siya pa ang nasorpresa. Nahampas niya ang sariling mesa. Damn it! Lahat ng requirements na hinahanap niya ay kompleto si Celina. Mahirap pa namang maghanap ng ganitong records sa isang executive secretary requirements. Importante sa kanya ang skills ni Celina lalo na sa ikapapalago ng kompanyang siya na mismo ang humawak. Isasantabi niya muna ang pagkainis niya sa dalaga. Business is business ika nga, i-set aside niya muna ang isyung meron sila. Biglang nag-init si Lucas nang maalala ang tagpo sa Limo nong kasama niya si Celina. Pero agad rin siyang nakaramdam ng guilt nang maalala ang kalagayan ng nobyang si Gabriela. At binalot nang kalungkutan ang kanyang puso. PUMASOK SI Celina sa kwarto ni Gabriela, nakasuot siya ng lab-gown. Napangiti sa kanya ang dalaga, napaluha naman si Celina. Dinalaw niya ang dahil may nag-udyok sa kanyang dalawin ito. Hinawakan niya ang isang kamay ni Gabriela. Halatang nahihirapan ang naturang dalaga. Nalaman niyang may tumor pala ito. "Pasensiya ka na ha, kung ngayon lang ako nakadalaw, chaka.. ang feeling close ko naman, hope you remember me," parang baliw lang si Celina, umiiyak na ngumingiti sa kaharap. "Of course! Malilimutan ko ba ang isang magandang babae na tumulong sa'kin? Of course not!" nakangiting sagot ni Gabriela sa dalaga. "Magpagaling ka ha, may dala akong prutas, para 'to sa'yo, kainin mo 'yan ha? Sana sa susunod na mapadalaw ako sa'yo, okay ka na," malungkot na saad ni Celina dito. Ngumiti nang mapait si Gabriela. Humigpit ang hawak nito sa kamay ni Celina. Ipinatong naman ni Celina ang mga kamay sa mga kamay nito. "Ready na akong mamatay, pero bago iyon, mangako ka sa'kin, nakikita kong may dalisay kang puso, alam mo bang may boyfriend ako? And he was the best man for me, pero mukhang malabo na magkatuluyan kami, alam kong kalabisan ang hinihiling ko sa'yo, please take good care of my boyfriend, Lucas Montenegro...." nanghihina nitong saad. Tila bomba iyon sa pandinig ni Celina.Napatakip siya sa kanyang bibig. Nanayo ang mga balahibo niya sa braso. Is this for real? Totoo ba ito? Girlfriend ni Lucas ang babaeng ito? Tila nakaramdam nang guilt si Celina. Ang sama niya, ba't nga ba hindi niya naisip iyon? Pero kung may gf na pala ito, bakit ginawa pa rin nito ang isang kasalanan ng laman? Naisip rin niya, sabagay, siya ang unang lumapit kay Lucas. Lalaki lang ito at hindi santo. Napayuko si Celina. Patawarin nawa siya ng Dios sa kanyang pagkakamali. "I want you to seduce Lucas, gusto kong maibaling sa'yo ang kanyang atensiyon, oh, before I forgot, ako nga pala si Gabriela, and you are?" "Ako si Celina, hindi ko magagawa ang nais mo," mariing tanggi ni Celina sa dalaga. "Maatim mo bang tanggihan ang isang tulad ko na malapit nang mamatay? Ayokong masaktan si Lucas sa aking pagpanaw. Alam kong mabilis para sa'yo ang mga pangyayaring ito, but, heto lang ang tanging naisip ko," napaluha na si Gabriela. "Then, labanan mo ang sakit mo, huwag kang manghina, kailangan mong lumaban at magtiwala sa taas Gabriela, walang imposible sa Dios, manalig ka lang sa kanya nang buong puso at gagaling ka, hindi mahuhulog ang isang maya kung hindi ipahintulot ng Dios," luhaang saad ni Celina. Niyakap niya nang mahigpit si Gabriela. "Celina.... salamat sa mga salitang nagbibigay sa'kin ng kagalakan, maawa sana ang Dios sa'kin," humagulgol ang dalaga. Hinaplos ni Celina ang likod nito. Lihim siyang nanalangin nang taimtim sa Dios. Pagalingin nawa nito si Gabriela. Handa siyang magparaya para rito. Hindi niya akalaing pagtagpuin sila nito. At kapwa sila nagyakapan kasabay ng mga luhang naglandasan sa kanilang mga mata. Handa nga ba siyang magparaya? Mahirap iyon sa side niya, pero kailangan. Saka pumikit si Celina at hinaplos ang buhok ni Gabriela. Patawad Gabriela. Hindi ko talaga alam na may girlfriend na pala si Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD