Nagulat si Alina nang ibato ng kaniyang ina ang kopitang may lamang alak sa sahig. Nagkapira-piraso ang mga iyon. At naglikha iyon ng malakas na ingay sa kabuuan ng bahay. At mabilis ang kilos ng Ginang, mula sa mesa ay pinulot nito ang baril at itinutok nito iyon sa isang tauhan at kasunod niyon ang malakas na putok niyon. Humandahusay ang lalaki sa harapan ni Alina, at saka siya napasigaw nang malakas. "Enough, Alina! Hanggang ngayon ba nama'y hindi ka pa sanay na may pinapatay akong tao sa harapan mo?" sigaw ni Matilda sa nagpapanic na dalaga. Tinakpan lang ni Alina ang kanyang dalawang tainga at saka tumakbong umalis papunta sa kanyang kwarto. Hanggang kailan ba matatahimik ang kanyang ina? Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito. Kailangan niyang maisuplong ang ina sa mga police