Nakatitig lang si Celina sa kwintas na kasama ng sulat na ibinigay sa kanya ng kanyang namayapang ina. Wala siyang idea kung ano'ng koneksiyon ng kwintas sa tunay niyang pagkatao. Ano bang meron sa kwintas na 'to at ba't sinabi ng kanyang ina na kailangan raw niya itong itago at paka-ingatan? Hugis puso ang pendant at may nakaukit na letrang A. Napasulyap siya sa kanyang bintana. Nakatanaw sa madilim na kalangitan na ang tanging nagpapaganda, ay ang mga nagkikislapang bituin. Saka siya nagpakawala ng buntong-hininga at itinago ang kwintas sa kanyang bag. Inayos niya muna ang kanyang kama, nanalanging muna siya bago nagdesisyong mahiga. Hiling niya sana sa Dios na gabayan siya nito sa pagtuklas sa kanyang tunay na pagkatao. At saka niya kinuha ang unan at niyakap. Hanggang sa hilahin n