KIERA Buong araw na akong nakahiga sa kama at wala akong balak na lumabas ng aking kwarto dahil ayaw kong makita ang tatlong 'yon na lagi na lang nakasunod sa akin kahit saan man ako magpunta. Nagbabantay at naniniguradong hindi ako lalabas ng bahay ni boss. Nakayakap lang ako sa unan habang tumutulo ang aking mga luha. Walang tigil na pag- iyak at naaawa na rin ako sa aking sarili. Kahit anong pilit kong patatagin ang aking sarili ay nasasaktan pa rin ako. Ang hirap ng kalagayan ko ngunit wala akong magawa upang baguhin 'yon. "Saan siya?" bigla ay sigaw niya. Sumiklab ang matinding kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang tila ba hinahabul niyang tinig mula sa labas ng aking kwarto. Kung gano'n ay dumating na siya, maaga siyang naka-uwi galing sa kanyang trabaho . Malakas akong na