Kiera
Dahil na rin sa mga taong kinuha ni boss ay hindi na namin kailangan pang humarap sa lahat ng bisita para pagsilbihan sila, tulad ng kagustuhan ng kanyang nobya at dahil do'n ay medyo nakapag pahinga kami. Kahit papaano ay nakawala kami sa paningin ni impakta dahil abala siyang magyabang sa kanyang mga kausap.
Habang naghihintay kami sa pagbabalik ni Nana dito sa loob ng kusina ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam ako sa kanila na tanging tango lang ang kanilang naging sagot at tila ba tinatamad pang gumalaw, senyales na gutom na talaga sila. Agad akong nagtungo ng banyo, mabilis ang bawat hakbang ko na tila bang may humahabol sakin. Malapit na ako sa pintuan ng banyo nang hindi sinasadyang mabangga ko si boss.
"Pasensya na po, boss," hinging paumanhin ko at yumuko pa pero wala akong narinig na salita mula sa kanya na naging dahilan ng pag-angat ko ng tingin. Agad na nagtama ang aming mga mata. Nakita ko kung paano lumaki ang kanyang mga mata na para bang nabigla sa kanyang nakikita. Napa-iwas ako ng tingin nang mariin niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Hindi ko kayang labanan ang paraan ng kanyang titig. Hindi ko matukoy ang emosyon na nakikita sa kanyang mukha habang nakatingin sa'kin.
"Kiera, you're amazing. You look great!" tila napapaos na sambit ni boss at muli akong napa-iwas ng tingin nang mag tama ang mga mata namin, naramdaman ko ang mabilis na paglaganap ng init sa aking pisngi. Ngayon lang ako sinabihan ni boss ng ganito. Nakakapanibago pero masarap sa pakiramdam. Mabait si boss sa amin pero minsan lang niya kaming kausapin dahil lagi siyang abala sa kanyang trabaho.
"Salamat po, boss. Pasensiya na po ulit," nakayuko kong sabi dahil hindi ko kayang salubungin ang paraan ng tingin nito. Pakiramdam ko ay nanghihina ang mga tuhod ko.
"Ngayon ko lang napansin na ang ganda mo pala, wow..." 'di makapaniwalang dagdag pa nito. Nagpaalam na ako at pumasok na sa banyo dahil hindi ko na kaya pang tagalan ang presensiya niya, tila ba pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa paraan ng titig ni boss.
Nakahawak ako sa aking mukha habang nakaharap sa salamin at mariin na pinakatitigan ang bawat anggulo nito, napahilamos ako ng sariling palad nang makita kung gaano iyon kapula . Sa wakas ay napansin na rin ako ni boss. May saya akong naramdaman, sayang hindi ko maipaliwag. Para akong baliw na kinikilig kahit na sa simpleng salita lang ni boss.
Lumabas ako ng banyo na nakangiti. Agad akong nagtungo sa kusina pero wala na si Amie at Esha do'n at tanging si boss na lang ang nag-iisang tao na naroon, may hawak itong baso na may laman na kung anumang inumin. Tatalikod na sana ako pero agad din akong napatigil sa tangkang paghahakbang nang tawagin nito ang pangalan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanyang kinatatayuan at agad na nagtama ang aming paningin.
"Kiera..." malambing na sambit nito sa pangalan ko. Mahina at halos pabulong niya lang iyon nang sambitin ngunit malakas ang naging epekto no'n para sa akin. Tila ba hinahalili ako nito sa subrang lambing nang kanyang pagkakasambit. Kaysarap pakinggan ang kanyang tinig. Tinig na mistulang musika sa aking pandinig.
Pakiramdam ko ay tumayo ang lahat ng balahibo ko sa aking katawan nang maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa aking taenga. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa kinaroroonan ko. Tila bang lumipad ang isipan ko kung saan nang dahil lang sa pagtawag nito sa pangalan ko.
Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya. Nakaramdam ako ng matinding kaba,ang aking katawan ay nanginginig pa sa kanyang ginagawa.
"Boss--" napatigil ako sa aking sasabihin ng harangin ng kanyang kamay ang labi ko. Para bang may kuryente akong naramdaman na dumaloy mula sa kanyang kamay papunta sa bawat bahagi ng katawan ko. Binuhay nang galaw nito ang kakaibang pakiramdam na hindi ko matukoy kung ano ngunit nasisiguro kong kaysarap iyon damhin.
Tinanggal niya ang kanyang kamay na nakaharang sa aking labi at agad akong hinalikan. Halik na sa una ay marahan at ramdam ko ang pag-iingat do'n ngunit kalaunan ay naging mapusok ito at tila ba may hinahanap. Pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin ngunit hinawakan nito ang likod ng aking ulo at muling idiniin ang labi nito sa labi ko.
Kahit anong tulak ang gawin ko sa kanya at kahit anong paglayo ang gawin ko sa kanya ay walang epekto, sadyang malakas siya. Paulit-ulit ko siyang itinulak palayo sa'kin, pilit akong nanlalaban sa kanyang karahasan upang makawala sa kanyang pagkakahawak ngunit mas lalo lang siyang tila ba nanggigigil sa tuwing lumalayo ako sa kanya hanggang sa napagod na lang ako at walang nagawa kung hindi ay ang hayaan siya sa gusto nitong gawin sa'kin.
Hindi nagtagal ay namalayan ko na lang ang sarili kong tumutugon sa kanyang halik. Nakayakap ako sa kanyang leeg na tila doon kumukuha ng lakas habang marahan siyang nakahawak sa aking beywang.
Naglakad siya papunta sa bandang hindi natatamaan ng ilaw sa loob ng kusina habang hindi pinuputol ang halikan namin.
Ang kaninang mapusok na halik nito ay dahan-dahan naging masuyo at maingat ngunit punung-puno iyon ng pagnanasa lalo na nang maramdaman niyang tinutugon ko ang kanyang bawat halik at sinasabayan ang kanyang bawat galaw.
Nakakaakit ang mabango nitong hininga na naghalo sa amoy ng alak na kanyang ininom. Bago ang karanasan na ito para sa'kin ngunit nagugustuhan ko ang pakiramdam. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nagugustuhan ang ginagawa namin ngayon.
Napakasarap damhin iyon, tila ba may binubuhay siyang pagnanasa sa aking katawan na tanging siya lang ang nakakagawa. Pakiramdam ko sa aking katawan ay tila ba naghahanap pa ng higit pa sa halik na namamagitan sa amin ngayon.
"Hmm..." hindi ko napigilan ang munting ungol na lumabas sa aking bibig ng bahagya niyang sipsipin ang aking pang ibabang labi at pagkatapos ay kinagat iyon ng marahan. Paulit-ulit niya iyon ginawa na para bang nasisiyahan siya sa gawain na iyon saka ako hahalikan ulit. Napabitaw lang siya nang pareho na kaming hinihingal na para bang nauubusan ng hangin.
Nakahawak ang magkabilang kamay nito sa akong pisngi at nakatingin ng deretso sa aking mga mata. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Ramdam ko ang lalong pag-iinit ng aking pisngi.
Napakagat ako ng aking labi ng mapagtanto ang aming ginawa. Nakipag halikan ako sa aking amo na malapit nang ikasal. Ang tanga ko, ang tanga tanga ko. May pagsisisi akong naramdaman ngunit hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang kanyang halik.
Hinawakan niya ang aking baba at inangat ito dahilan upang magtama ulit ang aming mga mata. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at bahagya pang hinaplos ng daliri nito ang aking labi. Halo-halong emosyon ang makikita sa kanyang mukha na hindi ko matukoy kung ano. Hinalikan ako nito sa aking noo dahilan upang mapapikit ako.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili, may bahagi ng isip ko na nagsasabing mali ang aming ginagawa ngunit kasalungat niyon ay kagustuhan ng katawan ko. Kung paano tanggapin ng katawan ko ang bawat haplos ng kanyang katawan. Nagugustuhan ko ang bawat dampi ng mainit niyang labi sa aking labi. Ang sarap no'n ay kakaiba at walang katulad.
Hinalikan niya ulit ako sa aking labi bago nakangiting lumabas ng kusina. Walang kahit anong sinabi at basta-basta na lang akong tinalikuran.
Naiwan akong mag-isa sa kusina, tulala at naguguluhan. Napahawak ako sa aking labi, hanggang sa sandaling iyon ay ramdam ko pa rin ang labi nitong nakadikit sa labi ko. Ang masarap na pakiramdam na hatid niya sa aking kaibuturan ay nanatili pa rin do'n. Madiin akong napapikit nang hindi ko malaman kung ano ang dapat kong isipin o kung ano ang dapat kong gawin sa sandaling iyon.
Paano na ito ngayon? Paano ako haharap sa kanya bukas? Nakakahiya ang ginawa ko. Gumanti ako sa kanyang halik. Alam ko at nasisiguro kong epekto lang ng alak ang kanyang ginawa. Wala siya sa tamang huwisyo. Bukas na bukas ay makakalimutan na niya iyon, hindi na niya maaalala ang kanyang ginawa.
Malakas akong napabuntong hininga at bahagya pang sinabunutan ang aking sarili sa katangan ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko. Hindi ko masasabing napilitan ako dahil tinugun ko ang kanyang bawat halik.
"Ayos lang iyon Kiera, halik lang iyon. Halik na matagal mo nang inaasam," parang tanga kong kinakausap ang aking sarili at napakagat na lang ako ng pang ibabang labi upang itago ang nagbabadyang ngiti na gustong kumawala sa labi ko.
Sa halo-halong pakiramdam na namamayani sa katawan ko ay nangunguna pa rin ang saya do'n. Ang sayang nararamdaman ko ay walang kapantay dahil sa wakas ay natupad na rin ang isa sa mga hinahangad kong mangyari.
Kabaliwan man maituturing ngunit ganun na nga siguro pag tinamaan ka ng pana ni Kupido. Kahit na alam mong masasaktan ka ay susugal ka pa rin. Sabi nga nila ay hindi mo malalaman kung ano ang pakiramdam nang tunay na nagmamahal kung hindi mo susubukan. Hindi ka masasaktan kung hindi ka tunay na nagmamahal.
Labis na sakit hanggang sa puntong hindi mo na kakayanin pa at kusa ka na lang susuko. Sadyang kakambal na yata ng pagmamahal ang sakit.