Chapter 2

1296 Words
Kiera "Napapansin niyo ba? Ikaw na lang ang laging nakikita ni madam. Lagi na lang siyang galit sa'yo!" Sabi ng kasama kong si Esha. Natahimk ako at hindi nakasagot dahil alam kong totoo ang kanyang sinabi. Hindi ko lang inaasahan na mapapansin din pala nila iyon. "Naku inggit lang 'yon sa ganda mo kaya siya ganyan sa'yo, huwag mo na lang pansinin Kiera!". Dagdag naman ni Amie, isa pang kasamahan ko sa trabaho na kakambal ni Esha. Pare-pareho kaming kinupkop ni boss at pinatira ng libre sa kanyang mansyon kaya pinagsisilbihan namin siya bilang pagtanaw ng utang na loob. "Hayaan niyo na, magtrabaho na lang tayo--" "Tapos na ba ang trabaho ninyo at nagkukumpulan na naman kayo?" Masungit na tanong ni madam Ashley, hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko pero agad na siyang sumulpot kung saan. Nagkatingin kaming tatlo. "Pasensya na po, madam". Hinging paumanhin agad ni Esha habang nakayuko. Alam kong nagtitimpi lang ang isang 'yon! "Tsk kumilos na kayo. Linisin niyo ng mabuti ang buong bahay dahil ayaw kong mapahiya sa mga bisita ko!" nakataas ang kilay niyang sagot nito saka kami tinalikuran. Muli kaming nagkatinginan saka matunog na napabuntong hininga. Ibang-iba na ang buhay namin dito sa mansyon ni boss simula nang dumating siya. "Tusukin ko kaya 'yang mata mo!" naiinis na bulong ni Amie. Mahina akong napatawa saka lihim siyang siniko dahil mas lalo kaming malalagot kung marinig siya ng impakta. "Ah.. Kiera, ihanda mo ang pangligo ko, bilisan mo!", baling nito sakin. Tumango ako bilang sagot saka nagmadaling pumunta sa kanyang kwarto. Hiwalay sila ng kwarto ni boss kaya agad na akong pumasok. Hinanda ko lang ng mabilisan at saka bumaba. Marami pa kaming aayusin para sa birthday party ng impaktang madam na iyon. Sigurado akong magyayabang lang siya sa mga kaibigan niya. Magpapa-inggit dahil nasungkit niya ang pagmamahal ng isang bilyonaryo na halos hinahangan ng taong nakakakilala sa kanya. "Amie,Esha and Kiera, come here!" tawag nito sa amin at nagmadali naman kaming tumayo sa kanyang harapan . May hawak siyang tatlong paper bag. "Ito ang suotin niyo nang magmukha naman kayong mga tao, ayaw kong mapahiya sa mga bisita ko kaya umayos kayo!". Ani nito saka isa-isa kaming binigyan ng paper bag. Pagbukas ko no'n ay napasinghap ako nang isang red dress ang sumalubong sa aking mga mata. Nag-aalinlangan man kung tatangapin ko iyon o hindi pero nagpasalamat parin kami bago umalis sa kanyang harapan at pumunta sa aming kwarto upang sukatin ang damit na bigay niya. Napakagat labi ako ng makita ang sarili ko sa salamin pagkatapos iyon maisuot dahil halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko matandaan kung kailan ang huling beses na nagsuot ako ng ganitong klase ng damit dahil lagi naman akong nasa bahay lang at kung lumalabas naman ay hindi rin ako nagsusuot ng masikip, mas kumportable akong magsuot ng maluluwag sa pang itaas at pantalon sa ibaba. Hindi rin ako mahilig mag-ayos ng aking sarili, ang maglagay nang kahit anong kalorete sa mukha ko ang pinakanakakatamad na gawain para sakin, ang mahaba kong buhok ay laging nakatali ng parang cupcake dahil nakakatamad magsuklay. Lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-aayos ng sarili at pagpapapaganda ay kinakatamaran ko. Napakamot ako ng ulo ng mapagtantong napabayaan ko na nga ang aking sarili, tanging pagsilbihan na lang kasi siya ang naiisip kong gawin. Ginusto ko iyon at wala akong pinagsisihan. Masaya akong nailalaan ko sa kanya ang buong lakas at oras ko. Muli kong sinuri ang aking sarili sa salamin at gano'n na lang kalapad ang ngiti ko ng mapagtanto kung gaano ako kaganda sa oras na iyon. Nagpaikot-ikot pa ako nang 'di makuntento sa aking nakikita at upang mas lalo pang makita ang kabuuan ko. Kagat-labi akong lumabas ng banyo, siguradong magwawala ang kambal pagnakita nila ang ayos ko ngayon. "Kyaaahhh Kiera, ang ganda mo!". Agad na sigaw ni Esha pagkakita niya sakin pagkalabas ko. Nasa labas na sila ng banyo na tila ba kanina pa naghihintay. Magkatabi lang ang kwarto namin at malaya kaming nakakapasok sa kwarto ng bawat isa, nasa iisang kwarto ako at silang magkambal naman ay sa iisang kwarto rin dahil ayaw daw nilang maghiwalay. Nakangiti kong pinasadahan ng tingin ang magkambal sa kanilang suot. Bumagay sa mapuputi nilang balat ang kani-kanilang suot, color pink kay Amie at light blue naman kay Esha na mas lalong nagpatingkad sa kani-kanilang ganda. Sinabihan na kaming maraming bisita ang dadalo kaya kailangan ay elegante ang mga nasa paligid nila lalo na't kilala si boss bilang isa sa mga matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita at naiilang ako sa aking suot, karamihan sa mga bisita ay napapatingin sa gawi ko lalo na sa mapuputi kong hita. Nahihiya at naiinis ako sa paraan ng kanilang tingin. Tusukin ko kaya ang mata nila, tsk kainis kasi, bakit kailangan pa namin magsuot ng ganito kung pwede naman mag leggings na lang. "Wow Kiera, you look gorgeous!" Puna agad ng kaibigan ni boss na si Mac kasama nito si Kino at Bryle na lumaki ang mga mata pagkakita sa'kin. Naging malapit na rin ako sa kanila dahil sa tagal ko ng naninilbihan kay boss. "Salamat, sige doon muna ako huh.." nahihiyang sabi ko at alanganin pang tumawa, nagpaalam ako sa kanila dahil naiilang na ako sa paraan ng mga titig nila, pakiramdam ko ay matutunaw ako anumang oras. Nakakapanibago dahil hindi ko gawain ang magsuot ng mga bagay na kulang na lang ay luluwa na rin ang kaluluwa ko. Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Amie at Esha sa isang sulok. Nakabusangot habang nakahawak sa kanilang tiyan. "Gutom na ako!", nakangusong sambit ni Amie. Ang sabi ng impakta ay hindi kami pwedeng kumain hanggang hindi pa natatapos ang party at dahil ayaw namin ng gulo ay sumusunod na lang kami sa kanyang mga sinasabi. "Tiis muna tayo, malapit na naman itong matapos!" Mahinang sabi ko at umupo na rin sa tabi nila. Nakahawak ako sa suot ko at pilit na hinihili ito para matakpan ang aking tuhod. Hindi ako sanay magsuot ng ganito, nakakailang. " O bakit ganyan ang mga hitsura ninyo?", Natatawang tanong ni Nana pagkapasok niya sa kusina. Ang matandang dalaga na nag-alaga at nagpalaki kay boss. Sa bahay na'to ay siya at ang Tito Derek ni boss ang nagsisilbing magulang namin. Tinuring kaming parang tunay na mga anak. "Nana, gutom na ako!" nakangusong pagsusumbong ni Esha habang hinihimas ang kanyang tiyan. "Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa ng babaeng iyon, wala siyang karapatan na gutumin kayo!", bakas ang inis sa mukha ng matanda nang sambitin ang mga salitang iyon. "Maghintay kayo dito, ikukuha ko na lang kayo ng makakain niyo", agad na bumaba si Esha sa kinauupuan dahil sa narinig, lumapit siya kay Nana at agad itong niyakap. "Salamat Nana, kaya mahal kita eh.." nakangiting sabi ni Esha habang nakayakap parin kay Nana. "Ikaw na bata ka, binubula mo na naman ako. O siya, tama na ang yakap dahil kukuha pa ako ng makakain ninyo", natatawang sagot ng matanda. Muli siyang tumingin sa amin na may masuyong ngiti sa kanyang labi. "Ang gaganda ng mga alaga ko, mga dalaga na talaga kayo! Mag-asawa na rin kayo", natatawa pa nitong sabi bago tumalikod at lumabas ng kusina. Sinundan ko ng tingin si Nana hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Nagkatingin kami at sabay na napatawa. "Mag-asawa!" Lihim akong napa-iling nang maisip ang sinabi ni Nana. Alam ko sa aking sarili kung ano ang totoong gusto ko. Wala akong balak mag-asawa, wala akong planong pasukin ang buhay na 'yon kung hindi siya ang makakasama ko. Nababaliw na nga ako pero' yon ang isinisigaw ng puso at isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD