Blurb

419 Words
Blurb Kiera Samonte Ang babaeng mas piniling kalimutan ang sariling pangarap upang sundin ang isinisigaw at ang itinitibok ng kanyang puso. Ang babaeng mas gugustuhin pang pagsilbihan ang kanyang Boss na lihim na minamahal sa halip na tuparin ang sariling pangarap. Darren Althea Ang tipo ng lalaking pinapangarap ng lahat, bukod sa kanyang maraming ari-arian, kaaya-aya rin ang ugali nito. Siya ang tipo ng Boss na ayaw na may inaapi at tinatapak-tapakan sa kanyang nasasakupan. Ang lalaking 'di bale nang mabahiran nang hindi maganda ang pangalan na matagal niyang iningatan sa mata ng publiko masunod lang kagustuhan. ** Nasasaktan dahil sa labis na pagmamahal. Nagseselos kahit na walang karapatan. Sa simula pa lang ay lihim nang minamahal ni Kiera ang kanyang Boss ngunit ang lalaki ay hindi batid ang nararamdaman nito sa kanya. Kahit na alam ni Kiera na walang magandang maidudulot ang kanyang nararamdaman ay patuloy parin niyang iniibig ang Boss nito. Dumating sa puntong nakahanap ng babaeng mamahalin ang kanyang Boss at nagpasyang pakakasalan ito at itinira sa sariling pamamahay kung saan naninilbihan si Kiera. Dahil sa kagustuhan ni Kiera na isalba ang sarili sa sakit na nararamdaman para sa nalalapit na kasal ng Boss nitong lihim na minamahal ay naisip niya na ang paglalayas ang pinakamagandang gawin upang lumayo at makalimot ngunit ang nangyari ay kabaligtaran sa kanyang inaasahan. Dahil sa kanyang paglalayas ay malalagay sa panganib ang kanyang buhay kasama na ang batang kanyang dinadala. Sa pagkawala ni Kiera sa bahay ni Darren ay saka pa lang niya napagtanto kung ano ang totoo nitong nararamdaman para kay Kiera. Saka pa lang aaminin ni Darren sa kanyang sarili na mahal niya si Kiera kung kailan wala na ito sa kanyang pamamahay. Saka pa lang malalaman ni Darren ang halaga ni Kiera kung kailan wala na ito sa kanyang tabi. Dahil sa takot ni Darren na muling lumayo at mawala ulit sa kanya si Kiera ay ginawa niya ang lahat upang ito ay mapasaya at manatili sa kanyang tabi. Sabi nga nila, malalaman mo lang ang totoong halaga ng isang tao pag nawala na ito sa iyong paningin. Saka mo lang mapagtanto ang lugar nito sa iyong buhay pag alam mong hindi mo na siya makikita at makakasama pa. Sadyang nasa huli ang lahat ng pagsisisi pero ang mahalaga ay natuto ka sa iyong pagkakamali. Bumawi ka kung bibigyan ka ng pagkakataon na itama ang lahat ng iyong pagkakamali dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD