Kabanata 17 PAKONSWELO na lamang sa akin na nalaman kong mananatili sa mansion si Manang Dalisay. Kasama nga rin pala sa mga natanggal si Mang Isagani na hindi ko man lang nakuhang kausapin bago ito makauwi sa lugar nila. Katulad ng naipangako ko sa sinisanteng mga kasambahay ay maaga akong lumakad ngayong umaga para makakuha ng pera na maipapadala ko sa bawat umalis na kasambahay nang sa gano'n ay may magamit silang pera habang hindi pa sila nakakabalik sa mansion. Hindi ko sabay na napadalhan ang lahat dahil limitado lang ang cash withdrawal. Wala rin kasi sa isip ko ang mag-over the counter dahil natatakot akong baka magkaroon ng aberya. Istrikto pa man din ang mga banko. Pagkatapos ko sa money remittance center na itinuro sa akin ni Manang Dalisay ay napilitan akong dumaan sa isang