Kabanata 18 "Ako na ho ang bahala rito. Magpahinga na kayo, Manang," awat ko kay Manang Dalisay nang akto nitong dadamputin ang mga hugasin sa lababo. Nahuli ko kasi itong inaarko ang likod at alam kong iniinda na nito ang p*******t ng likod dulot ng pagod sa halos anim na oras na walang tigil na trabaho namin. Binilisan ko ang lakad ko sa kabila ng bigat ng mga babasaging tableware na hakot ko mula pa sa glass pavilion kung saan napiling mag-conference ni Uno pati na ang anim pa nitong panauhin. Mayroong mga ka-business meeting si Uno na dumating kaninang mga bandang alas kuwatro ng hapon at nanatili ang mga ito rito hanggang ngayong dinner. Hapon na rin nang abisuhan niya kami na may mga darating siyang bisita kaya naman ay hindi kami nagkandaugaga ni Manang Dalisay sa pagluluto ng di