Kabanata 11 "Galiana? Hija, bakit ka naglalakad? At sino iyang batang kasama mo?" Habang tinatahak ni Maria kasama ang anak na si Mojacko ang daan patungo sa farm, na isang beses sa nakaraan ay napuntahan niya, ay narinig niya ang isang pamilyar na boses na iyon. Si Nana Charo at sakay ito ng isang firebird owner type jeep. Kaagad na huminto si Maria at ang kanyang anak upang humarap sa pumarada nang sasakyan sa gilid nila. Nagkaroon ng aberya sa biyahe nilang mag-ina kaya dapit-hapon na nang makarating sila sa bayan ng San Carlos. Mula sa bayan ay pinakyaw ni Maria ang isang jeepney-style tricycle para ihatid sila sa farm na kanilang destinasyon ngunit nasiraan din ito bago pa nakarating sa sitio na kanyang sadya. Dahil hindi na niya tanda ang pagpunta sa farm ay nagtanung-tanong pa