Kabanata 12 "SURPRISE!" Masiglang anunsiyo ni Maria nang ipatanggal na niya ng sabay sa kanyang anak na si Mojacko at ni Inang Diyosa ang nakapiring na panyo sa mga mata ng mga ito. Her daughter gasped in surprise habang si Inang Diyosa ay bahagyang nagsalubong ang mga kilay dahil sa hindi pamilyar na bahay na kinaroroonan nila. "Wow! Mimi, kaninong house 'to? Ang ganda po. Wow! Ang astig ng ilaw sa gitna, Mimi. Nalalaglag po. Tapos ang floor, ang kintab." She smiled at her daughter. "Mojacko, Inang, mula ngayon ay dito na tayo titira," she declared. Labis ang pagtataka sa mukha ni Inang Diyosa nang mapabaling ito sa kanya. "Maria Gelli, niloloko mo ba akong bata ka? Ang ganda ng bahay na ito. Paanong magiging atin ito?" Pinanliitan pa siya nito ng mata. "Magkano ang renta mo rito,